Entry #2

17 1 0
                                    

Entry #2

Jenny Gale. 18 Years Old. 3rd Year College. Taking Bachelor of Science in Electronics Engineering.


Introvert ako. Mukha lang akong madaldal pero tahimik talaga ako. Hindi ako nakikipag-usap sa kahit kanino kaya inaamin ko na ring anti-social ako. 

Hindi ako tulad ng iba na naeengage sa love, friendships or kung anomang klaseng bagay na meron ang mga 'normal' na tao. So, abnormal ako? Okay. HAHAHAHA 


Nagpapasalamat akong college na ko dahil hindi ko na kailangang manginig pa habang papunta sa harap ng buong klase at gawin ang tradisyong 'paghuhubad ng sarili'. O wag kayong ano, Introduce Yourselves lang yun, baka sabihin nyo na masyado akong vulgar o ano. Well, wala naman akong pakialam.


Kelan ko nga ba to sinusulat? Asan nga ba ako?

Sabado ngayon at kakatapos ko lang bilhin tong si Nikki. Sino si Nikki? Alamin mo hahaha dejk. Si Nikki ay isang hindi nabubuhay na bagay at tanging mga introvert na katulad ko na isang rare species lang ang meron. In layman's term, isa syang diary/memo or kung anomang gusto mong itawag sakanya since wala naman akong pakialam dahil wala namang ibang makakabasa nito. Wala ba? 


Nasa bahay ako ngayon. Mas pinili kong magtago sa kwarto at magsulat kesa gawin ang ginagawa ng mga 'normal' na tao. 

Ano nga ba yung mga ginagawa nila? 

Ano pa nga ba? Tumambay sa Facebook, Twitter, Instagram o lumayas ng bahay para lang maghanap ng Pokemon kasama ang mga nakiki-uso at mga adik sa pokemon. No offense pero nagmumukhang toxic ang paligid sa mga taong nakiki-uso lang sa larong yon. 

Sa bahay na 'to. Ako lang mag-isa. Forever alone. Lol dejk hahahaha. Actually, umuuwi ang mga kapatid ko dito, minsan. Busy sila eh. Ang mga magulang ko? Ewan ko hahaha dejk. Lumayas rin, nanood ng movie o kung ano man. Mas gusto ko dito sa bahay kahit na pinipilit akong magdorm ng mga magulang ko.

Ano bang meron sa dorm na wala sa bahay?

Syempre, ibang tao. 

Introvert. Ehem. Introvert. Alam na  hahahaha

Whatever. Gagawa na nga ako ng thesis. Actually, grouped thesis 'to. 

Sabi nila, "Thesis broke friendships and relationships."


Pano sa kaso ko? I will break myself? Break it down yo! 

I can say na isa akong abnormal na nilalang (lol) dahil hindi ko nararanasan yung mga nararanasan ng mga 'normal' na college students. Yung tipong may lovelife. Yung tipong may mga kasama. May kasama naman ako, si Nikki. Haha...

Okay. I'm the most literal meaning of Forever Alone. Kapag tinanong sa inyo kung ano ang meaning ng Forever Alone, sabihin nyo Jenny Gale agad.

Hindi naman sa nalulungkot ako or what pero...

Pano ko ba 'to sasabihin...

Hmmm...

What if katulad ako ng mga sinasabi kong 'normal' na tao?


Well, masaya naman ako sa buhay ko. 


I'm happy...but...not too happy, I guess?

~

Confessions of an IntrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon