Entry #4

24 0 0
                                    

Entry #4
It's Monday today! Magdiwang! Mabuhay!

So...break time ngayon. And as usual, wala na naman akong kasama. At mas okay yun kasi mas maaga akong makakapagsulat ng entry.

Nagtataka ka na naman kung nasaan ako no?

Pwes, hindi ko sasabihin hahahaha. Nasa library lang ako, nagpapalamig. Nagiisip-isip lol dejk. Yung thesis kase! Nalagyan na sya ng comment so ibig sabihin kailangan na namang iedit hay. Thesis nga naman. Sleepless nights are coming to toown! Anyways, ako naman na yung nag-volunteer na mag-edit ulit since mas marami silang nagawa kesa sakin.

Nagtataka ka siguro kung pano ako nakapag-volunteer? Kung hindi, so what? Hahaha

Sinabi ko lang sakanila na ako na lang then they were just like "ohhhkay." End of story hahaha

Anyways again, may nakita pala akong pusa kanina tapos ang cute nya talaga. Feel na feel ko naman yung pag meow meow sakanya na akala mo eh kinakausap ko na yung pusa. Bawal kasi mag-alaga samin kasi may allergy sila huhuhu. Atleast, andito si Elijah.

Ang random lang ng thoughts ko no? Ganito naman lagi. Wala namang nagbabago. Parang ako yung constant sa isang equation, hindi nagbabago ang daily routine ko at wala akong pakialam sa ibang tao as long as hindi nila ako pinapakialaman.

Hay nako. Makapag-review na nga lang!
~~
Entry #4.5
So. Gabi na. Hindi ako makatulog -.-

Sabi nila pag hindi ka daw makatulog, nasa loob ka ng panaginip ng isang tao. Jusko naman! Kung sino ka man, patulugin mo rin naman ako!

Ilang beses ko na binilang yung mga tupa, bituin, at kung anu-ano pa pero walang effect. Hindi naman ako ganto na nagpupuyat pero alam mo ba kung anong oras na? 2am na bes! Oo bes! 2am at hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kahit pagod na pagod yung utak ko kakasolve sa circuit ng binigay ng prof kong smiling singko kanina.

Alam mo ba kung bakit smiling singko ang tawag ko sakanya? Este hindi lang naman ako kundi buong klase at yung mga estudyanteng kilala sya.

She'll smile at you and then kill you with her 'kindness'. Kindness kung saan napaka-out-of-this-world yung questions ng quizzes nya na maski mga scholars ay bumabagsak sakanya. Take note! Dalawang beses ko pa sya naging prof at sana hindi ako bumagsak sakanya dahil nakapasa naman ako nung last time na sya yung naging prof ko -.-

Isama pa ang dalawang prof na tinatawag na "Pancit Canton of Death". Ngayon mo lang narinig yan no? Hahahaha

Ano bang meron sa pancit canton? Noodles at pampalasa. Noodles. Noodles. Curly noodles. Curly. Alam mo na? Gets mo na ba? Kung hindi pa, ang slow mo bes! HAHAHAHA

Pancit Canton dahil sa ehem. Kulot. Ehem. Nilang. Ehem. Buhok. HAHAHAHAHA

Alam mo na kung bakit "Pancit Canton of Death?" Dahil tandem sila. Parehas silang may kulot na buhok. Isang beastmode. Isang malumanay. At higit sa lahat, halos lahat bumabagsak sa klase nila. Kung makakapasa ka, matatawag kang "one of the apostles" dahil sa taglay mong kakayahang maka-survive sa delubyong hatid nila. Hahahaha sa totoo lang, muntik na kong madale ng dalawang yan dahil naging prof ko na rin sila dati. Bumagsak ang quizzes ko sakanila noon at buti na lang nakabawi pa ko sa major exam. At madalas ring hindi ako natatawag sa recitation nilang nakakaalien ang tanong. Yung tipong tatanungin ka tapos may follow up question pa. At kapag sinabing "this is my last question to you" asahan mong mga limang tanong pa yung isasabon sayo hanggang sa mapurga ang utak mo dahil ang sagot mo must be in english.

College nga naman. Habang tumatagal, lalo kang masasaktan lol. Worth it naman to for sure kaya aral lang ng aral!

Buhay ka pa ba habang nababasa mo ang mga to? Kung oo, tuloy ang laban. Puso! Maranasan mo rin sana to balang araw hahahaha dejk

At sa pagsusulat kong to, nakakaramdam na ko ng antok. Sa tingin ko, dito ko na muna tatapusin to dahil antok na antok na ko. Hanggang sa muli! Paalam! Adios amigos. Astalabista!

Confessions of an IntrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon