Entry #5

18 0 0
                                    

Entry #5

Buhay pa naman ako. Buhay pa ko. Kaya ko pa.

Jusko. Hindi ko na kayaaa! Isa sa mga problema ko ngayon ay kung paano kami magdedefense.

Sa mga araw na nawala ako eh puro pagrereview para sa quizzes ang inatupag ko. Muntik na nga kitang makalimutan, Nikki huhu. Pero anyways, I'm back! At andito ako para sa panibagong kasabugan.

3am na pero hindi pa rin ako natutulog dahil kailangan kong aralin ang buong thesis paper namin na umabot ng 63 pages sa hindi ko malamang dahilan. Simple lang naman yung thesis na 'yon. Alam nyo ba yung microprocessor? Malamang hindi nyo alam yon hahahaha!

Ipapakilala ko sa inyo si Arduino Uno. Isa syang microprocessor na pwede mong gamitin para sa sensor, remote controlled prototype at maski isang module tulad ng bluetooth, wifi or kung anong matripan mo. At ang napili naming gawin ay gumawa ng isang remote controlled car na meron camera!

Pano namin nagawa yon? Well, hindi ko rin alam hahahaha! Ang tanging alam ko lang eh magprogram ng magprogram kaya dun na lang nila ko pinagfocus dahil yun yung specialty ko pero mga bes, defense to.

Dito yung panahon na magdodoubt ka sa sarili at sa mga kabaliwang pinaggagawa mo sa paggawa ng thesis paper nyo. Tsaka kailangan ng cooperation. Pano ba makipag-usap?

Sasabihin nyo sakin na edi magsalita ako. Kayo kaya sa pwesto ko? Hahahaha!

Pero sa tingin ko, nagprogress naman ako kasi nagagawa ko nang kausapin yung mga kagrupo ko sa thesis like nakakapagsuggest na ko tapos sumasagot ako kapag tinatanong nila yung mechanism ng program ko. Maybe, I'm improving or sadyang sabog na talaga kami dahil napakaraming ginagawa.

Anyways, wag na natin pagusapan yung thesis ko dahil lalo lang akong nasstress kapag naaalala ko. 3am na pero eto pa rin ako, nagsusulat at gising na gising. Anong klaseng trip to?

Naranasan mo na bang uminom ng isang litrong kape? Pwes, ako oo at ngayon yon! Kaya pasensya na sa kasabugang to.

Naalala ko tuloy bigla yung mga Senior High na nasa building namin. Yung mga tingin nila samin eh akala mo mga nerd kami dahil sa hawak naming toolbox na puno ng circuits at nakikita nila ang katahimikan namin sa library. Alam nyo bang mas marami pang natutulog sa library ng building namin kesa sa mga nagrereview? Oo! Ganon katindi sa engineering.

Kaya sa mga nag eengineering dyan or gustong magbalak, pwes. Goodluck HAHAHAHA

Well, as if naman na may makakabasa nito.

Naisip ko lang, kapag kinakausap mo ba yung tao eh friends na kayo? Or hindi pa? Kasi sa kaso ko, hindi ko alam kung ano bang pagkakaiba ng dalawang yon.

Nagkaroon naman ako ng kaibigan pero matagal na panahon na yun. Kaya hindi ko na rin alam kung anong pakiramdam na may karamay pero masaya naman ako kasi andito naman yung pamilya ko. Binibigay naman nila yung makakaya nila para makapagtapos ako kaya pinipilit ko ring hindi bumagsak at proud akong sabihing hindi pa ko bumabagsak! Oha!

Kidding aside, nafefeel ko talaga na may kulang. Naalala ko yung sinabi ng prof namin sa psychology nung 2nd year ako, sinabi nya na nature talaga ng tao na maghanap ng karamay. So late bloomer ako ganon? Hahahaha

Hopefully, maachieve ko yung goal ko na magkaron ng kaibigan. Hindi naman ako naghahangad ng marami kasi mahalaga naman ay yung hindi kayo nagpplastikan.

Makapagpahinga na nga. Nakakapagod din kaya magsulat.

Aja! Fighting!

Confessions of an IntrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon