ANGELICA POV
Black na T-shirt, black na pants, black na vest, black na rubber shoes. Black eyeliner, black earings, dark lipstick and black bag.
Cool! I'm like a gangster now. Pero ang totoo, sa camping lang ako pupunta.
I grab my phone and walk out of my room.
"Oh, aalis ka na? Teka, bakit ganyan ang itsura mo? Camping ba ang pupuntahan mo o date?"
"MAMA! Saan ka nakakita ng date na naka-all black? Trip ko lang ang ganitong ayos. Cool diba!?" Malapad ang ngiting sabi ko.
Hula ko, natarayan kayo sa'ken kanina. Haha. Joke lang yun. Ang totoo, kalog talaga ako. Ginagaya ko lang si Mae na masungit.
"Bakit nga nakaganyan ka? At may lipstick ka pang babae ka!"
"Eh kawasa, nasa drawer ko lipstick mo. Kaya ginamit ko. Ganda ko noh?"
"Heh! Umalis ka na nga. Baka maiwan ka pa ng service nyo."
"Okie. Teka. Allowance ko."
"Binigyan na kitang isang libo diba?"
"Kulang yun."
"Aba't! Anong akala mo sa'ken, nagtatae ng pera? Tumigil-tigil ka jan, Angelica at hindi kita pasasamahin dun."
"Oo na. Oo na. Alis na ako."
Lumabas na ako ng main door namin pero sumilip ulit ako.
"Ma. Five hundred pa."
"ANGELICA!!"
---
"Eto. Naggawa na ako ng seating arrangement natin at wag kayong magkakamaling lumipat ng pwesto." Sabi ni Micah at ibinigay kay Samuel ang papel na hawak nya.
Pinagpasa-pasahan nila ang papel hanggang sa makarating sa'ken.
Si Reymarck ang katabi ko tapos sa may bintana si Grace. Hala! Magkalapit kami.
"Same seat tayo, girl! Ihanda mo na yang Clover mo." Biglang sabi ko kay Grace na katabi ko.
Pero hindi nya ako pinansin dahil may ka-text sya kaya napairap naman ako at tumingin kay Mae.
Nakasimangot din ito habang naka-cross arms at katabi si John Dale. Halatang inaasar sya nito.
"Mae." Tawag ko sa kanya.
"Oh?" Badtrip na tanong nya sa'ken. Jusko. Dinaig pa ang may PMS dahil sa init ng ulo.
"Sino katabi mo?" At lumakad ako palapit sa kanya.
"Kung sine-swerte ka nga naman. Nagigitnaan ako ni Michael at John Dale. Mukhang delubyo ang byahe ko ngayon ah." Inis na sabi nya at umurong yun nga lang ay naapakan nya ang isang paa ni John Dale na nasa likod nya.
"Sh*t!"
"Yes! Nakaganti na ako!" Nakangising sabi ni Mae at tiningnan si John Dale ng masama. At ganun din ang ginawa ni John Dale.
"Babae yan, pre. Halika. Dun tayo sa kabila." Awat sa kanya ni Karlo na napansin din atang may namumuo ng tensyon sa pagitan ng Masungit at ng Pikon.
Sumama naman si John Dale ng hindi tinitingnan si Mae.
"Imba ka talaga, Mae. Pati sa John Dale, di mo inaatrasan."
"What's the use of my Katarayan if I will never gamit this?"
"Huh!?" Ampu! Kalog din talaga toh si Mae minsan.
"Nevermind. Hey, Micah. Pakilipat ako ng upuan. Kung ayaw mong magkaroon ng World War VIII."
"I knew it. Di nga pala kayo pwede magtabi ni John Dale. Sige, dun ka na lang kina Angelica. Reymarck, lipat ka kina John Dale."
Napapalakpak naman ako at hinila si Mae papunta kay Grace.
"Magkakatabi tayo. Yes!"
Pero tiningnan lang ako ni Mae at saka tumingin sa iba habang si Grace naman, nakatutok pa rin sa phone nya.
"Okay. Kausapin ko ang sarili ko. Tunay talaga kayong kaibigan na dalawa. Hmp!" At nag-cross arms na lang rin ako at sumimangot. Grabe sila!
"Hahaha. Di ka na mabiro. Halika na, una na tayo sa bus. Inaantok ako." Sabi ni Mae.
"Ayan! Nakapag-I love you na ako kay RJ. Ano nga pala sabi mo kanina, Angel?"
"Wala. Ganda mo. Ganda mong pasagasaan sa bus. Hmp!"
"Hahaha! Pikon ka talaga. Tara na sa bus. Andun na rin yung iba eh." At hinila na ako ng dalawa papunta sa bus.
---
SOMEONE POV
Camp...
Napangiti ako sa sarili ko. Umaayon ang tadhana at nagugustuhan ko yun.
Mabuti na lang at camp talaga ang binigay ng Principal na iyon para sa Diamond. Maayos kong magagawa ang plano ko.
Maipaghihiganti ko na sila. Lalo na sa kanya.
Hinding-hindi ko sya mapapatawad. Buong buhay ko, nangulila ako sa ama. At dahil yun sa kanya. Sa kanila.
Pahihirapan ko sya. Ipapakita ko sa kanya kung gaano kasakit mawalan.
At pag nagawa ko na ang una kong misyon, saka ko na sya papatayin. Gusto ko muna syang makitang umiiyak. Nasasaktan. Naguguluhan. At mabaliw. Katulad ng nangyari sa akin.
Napatingin ako sa phone ko ng umilaw ito.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?"
Napangiti ako dahil sa tanong nya. Too inocent to be my kakampi.
"Sure na sure na. At wala ng atrasan pa ito. Matagal ko ng pangarap ito. Matagal ko ng pangarap na patayin sya. At uumpisahan ko ito sa pagpapahirap sa kanya. Just watch and learn. Sigurado akong mapapa-Wow ka kapag nagawa ko ang plano ko."
I tap the send button at tiningnan ang Diamond.
Enjoy your remaining hours mga 'pre. Iiwan nyo na ang mundo.
BINABASA MO ANG
3 DAYS CAMP: The Camp that Brings you to Death [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSa loob ng isang paaralan, may klase na hindi lamang magkakamag-aral ang turingan, kung hindi isang pamilya. Ganito alarawan ang Grade 10 Diamond, isang pangkat ng mga mag-aaral na itinuturing ang bawat isa bilang isang kapatid. Ngunit galit at pagh...