DEATH 2

2.5K 87 3
                                    

PAOLENE POV

Nakaupo ako dito sa pinakagilid na parte ng room. Naggigitara. Alas sais y media pa lang ng umaga at nandito na ako. Hindi kasi ako nakatulog dahil sa sakit ko.

"Pao, alam mo chords ng Tadhana?" Tanong ni Armina sa akin. Siya kasi ang may hawak ng susi ng room kaya dapat maaga talaga sya dahil siya ang magbubukas ng room.

"Oo naman." Sagot ko.

"Paturo daw. Nakakabobo naman kasi 'yong kantang 'yon." Nakasimangot na sambit nito at napakamot pa sa ulo bago lumipat ng upuan sa tabi ko.

Kinuha ko ang isa pang gitara na narito sa classroom. Rich kid kasi mga tao dito. Mga iniiwan lang ang gitara para daw hindi na sila magbuhat ng magbuhat araw-araw.

"Basic lang ang chords ng Tadhana. G, A and B Minor lang." Sambit ko at saka nag-umpisang kalabitin ang mga kwerdas ng gitara.

Tinugtog ko ang kanta at nakalimutan na may tinuturuan pala ako. Masyado akong nadala ng emosyon at bumalik lamang sa aking sarili ng may marinig na mga ingay sa pintuan.

Napatingin ako doon at nakita si Michael na nagpupunas ng sapatos sa basahan bago pumasok.

Napatingin siya sa akin, at ganoon rin ako sa kanya. Sandaling nagtagpo ang mga mata naming dalawa hanggang sa siya na ang unang pumutol noon at nalipat ang tingin kay Armina na ibang kanta na ang tinutugtog sa gitara.

"Armina! Tawag ka ni Ms. Mago sa covered court. Magplay ka na raw ng music kasi malapit na mag-flag ceremony." Biglang sulpot ng hinihingal na si Rouel.

"Hala, oo nga pala. Tss. Nakalimutan ko na. Patay na naman ako nito kay Madam." Nagmamadaling sabi ni Armina at mabilis na iilapag ang gitarang hawak saka tumakbo palabras, kasama si Rouel.

"ARMINA!" Sigaw ko.

Amputs. Iwan ba naman ako kasama ang taong ito dito?

Napairap na lang ako at tumalikod ulit. Ayoko tingnan ang taong yan. Baka makasapak ako. Luh? Ang tapang.

Pero pwede rin. Ayaw ko kasing sabihin nyang hindi pa ako nakaka-move on. Hello! Nakamov---

Oo na! Hindi pa talaga ako nakakamove-on. First boyfriend ko kaya 'yan kahit sinaktan lang ako.

Pero Paolene, wag mo syang papansinin ha. Pag kinausap ka nya, act normal. Yung parang walang nangyari. Wag mo syang iiwasan. Dahil pag ginawa mo yun, parang sinabi mo na rin na hindi ka pa moved-on.

"P-Pao...."

"Ay! May bibilihin pa nga pala ako." Sabi ko habang tumatakbo palabas.

Anak ng, akala ko ba act normal? Lukaret ka talaga Paolene.

Paglabas ko ng classroom, may narinig akong parang mga nagbubulungan sa likod ng pintuan.

Dahan-dahan akong lumapit dun at binuksan yun. At dun ko nakita ang mga kaklase ko.

Kaya naman pala 7:00 na, wala pa sila. Nagtatago lang pala. Pinagkaisahan pa ako.

"B-Bes Pao." Sabi ng Bestfriend kong si Danah.

"Nice joke." At nag-walk out na ako.

DANAH POV

"BES!" Sigaw ko pero dire-diretso lang sya sa paglalakad. Inilipat ko ang masamang tingin ko kay Michael. "Walang hiya ka Michael! Pag nagalit yun si Paolene sa'ken, sasampalin kita." Banta ko rito.

"Malay ko bang mag-wo-walk out sya. Dapat pala pati pinto sinarahan natin." Kamot sa ulong sabi nya.

Tarantado kasi ay.

Gusto nyo ba malaman kung ano nangyari sa dalawang yan?

Aba syempre alam ko. Bestfriend ako eh. Hm!

Ano kasi. Hihi. Hiya ako.

Eto na, seryoso na.

Masaya naman kasi ang relasyon nyang dalawang yan. Gaga si Pao, Tarantado si Michael. Oh diba, bagay.

Pero syempre joke lang yan. Kayo naman.

Seryoso na.

Seven months na kasi sila. Masaya sila. Inggit nga ako sa relasyon nyang dalawang yan eh. Kung hindi suntukan, nagpapatay-- joke lang. Kung hindi PDA, hindi naman mapaghiwalay. Parang mga naka-glue sa isa't-isa. Pero sadyang wala talagang Poreber. Hihi.

Nag-inuman kasi sina Michael saka ang barkada nya. Actually ayaw nya. Lalo na't pinagbawalan sya ni Pao na uminom.

Pero sadyang wala yata sa Vocabulary ni Michael ang salitang 'tanggi' sa barkada.

Sumama pa rin sya sa bar na yun. Ang sabi kasi mga lalaki lang. Pero nagulat na lang sya ng makita si Queen sa bar. Classmate din namin sya. Kasama nya si Wilma since girlfriend sya ni Reymarck at si Lalaine since girlfriend sya ni Tan.

And that time, hinika si Pao. Wala pa naman syang kasama sa dorm nya. Ilang ulit nyang tinawagan si Michael pero hindi sinasagot. Mabuti na lang, nakaya nyang makuha ang inhaler nya sa drawer nya. Tinawagan nya din ako pero tulog na ako eh.

Tapos kinabukasan, pagcheck nya sa messenger, isang Unknown ang nag-chat sa kanya. At pictures yun nina Michael kagabi. Si Michael at si Queen na nagtatawanan, magkaakbay, at napakasweet.

Di nya kinaya. Pero syempre hindi pa humantong sa hiwalayan. LQ muna. Pero naging cold na rin sila sa isa't-isa. Kaya nagpasya si Pao na tapusin na. Para wala na syang aalalahanin. Para hindi na sya masaktan.

"Danah, tulungan mo naman ako oh." Pakiusap nya pa sa akin.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ulul. Manigas ka. Ang kapal ng pagmumukha mong sawayin sya tapos ngayon hihingi ka ng tulong sakin? Aba. Sorry na ka na lang. Di kita tutulungan. Baka sa sunod na saktan mo sya, di na nya kayanin."

At pumasok na ako sa loob. Kakabadtrip yung lalaking yun. Hm! Di ko talaga sya tutulungan. Matuto sya sa pagkakamali nya. Kaloka.

3 DAYS CAMP: The Camp that Brings you to Death  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon