DEATH 3

1.9K 71 8
                                    

MICAH POV

"Okay, Class. So August na ngayon. And napag-usapan namin ngayon na magkakaroon ngayon ng 3 Days Camp."

"CAMP!?" Gulat na sigaw ng lahat.

"Hindi. Pump. Kasasabi lang eh. Oo nga. We will be having our 3 DAYS CAMPING sa isang gubat sa Bicol. Katutuklas pa lamang ng gubat na ito at pupunta tayo dito upang alamin ang mga bagay na nasa gubat. Actually hindi sya gubat na as in nakakatakot. Ligtas ito at nasisiguro na iyon nung mga pumunta dun para i-check yun."

"20 years ago, nagkaroon din ng Camp ang school na ito pero natigil sa hindi ko malamang dahilan. Basta, inalis sa listahan ng activities ng school na ito ang Camping na yun. Pero ngayon, ibabalik na sya ng school para magkaroon naman daw ng thrill ang school year nyo bago kayo mag-Completion sa March. Don't worry, may pumunta na dun sa gubat na yun at hindi naman sya mapanganib. Ligtas ito para sa mga bata." Mahabang paliwanag ni Ms. Mago.

"Kelan po ba yan?" Bored na tanong ni Ryka at saka humikab.

"August 29, 30, 31."

"May kasama po bang ibang section?"

"Actually, wala. Magkakaiba kasi ang venue. Narinig ko lang, ang Ruby ay sa bundok. Bali hiking ang kanila pero one day lang. At ang Emerald ay sa beach. Overnight lang sila dun. 3 Days Camp kasi nabunot ko eh."

"Mas masaya yung atin." Napasuntok sa hanging sabi ni Bryan.

"Yes. Masaya nga. So ngayon pa lang, I am expecting all of you to participate this camping. Micah, mag-meeting kayo para sa mga dadalhin at kung ano pa. Dito ka sa unahan."

"Ay, papansin ka naman Madam. Ako talaga." Gulat na sabi ko.

"Ay sino bang Class President? Si Samuel ba? Arte mo. Pumarito ka na."


Kamot sa ulo naman akong nagpunta sa gitna. Jusko.

"So ayun. Narinig nyo na yung sinabi ni Madam. So, pagkain muna tayo. Ms. Secretary, mag-minutes ka."


Napahikab naman si Mae bago ito kumuha ng papel. Hay nako. Mga antukin talaga mga tao ngayon.

"Day 1. Lunch. Since, mag-b-breakfast naman na tayo pag-alis ng bahay. So sino?"


Nagtaas ng kamay si Convocar kaya pinatayo ko na sya.

"What if, by group? Since marami naman bawat group, kayang-kaya na natin yan."

"Pwede. Yun na lang." Tamad na sabi ko. Hays. Nakakatamad talaga ngayon.

"So Day 1- Lunch will be assigned on Group 1. Group 1, kayo na bahala sa dish. May budget pa naman tayo kay Ms. Treasurer at may daily dues pa tayo. Day 1- Dinner on Group 2. Kayo na din bahala. Day 2- Breakfast for Group 3. Day 2- Lunch for Group 3. Day 2- Dinner for Group 5. Day 3- Breakfast for TLE Cookery Students. Madam, ano oras uwi?" Biglang tanong ko.


"5:00 sabi ni Principal."


"Day 3- Lunch for all. Ang hindi magluto hindi kakain. Hmp!"

"Eh pano si Sherwin? Hindi naman yan nagluluto eh. Kumakain lang yan." Reklamo ni Camela.

"Aba naman, Camalla. Baka nga mas malakas ka pang kumain sa akin eh." Mataray na sagot ni Sherwin.

"Heh. Bakla ka."

"Mataba ka naman."


"Bakla!"


"Mataba!"



"Tama na yan. Pareho lang kayong mataba. Manahimik na kayo. So ayun na nga, lahat magluluto. Siguro naman may mga halamang gulay dun."


"Lutuin na lang natin si John Dale." Sigaw ni Tan.


"Ulol! P*kyu ka Tan!"


"HAHAHAHAHA!"


Ito ang gusto ko sa Diyamantes eh. Mga tarantado.

"Osya. Ayos na jan. Another Agenda na tayo. Tapos na sa Foods." Tamad na sabi ko.


"Saan tayo matutulog?" Tanong ni Karlo.


"Sa puso mo." Ngiting-ngiti namang sagot ni Sherwin.


"Ulol."


"Love you, too!"



"Tang*na ka, Sherwin. Mandiri ka nga." Saway ni Zendrick.


"Selos ka lang eh. Oo na. I love you din! Muah!"



"HAHAHAHAHAHA!"



Letsugas na mga toh. Hahahaha!


"Sa tutulugan nyo, magtatayo tayo ng tent dun. Since, sa picture na dala ng pumunta dun, meron dung malawak na kapatagan. One is to Two para magkasya tayo dun sa sa place."

"Zendrick, tabi tayo hah."

"Lul. Mag-isa ka."


"Okay. Tapos na ang place ng tutulugan. Next Angenda."


"Activities. Baka naman bored yang Camping na yan." Sabi naman ni Aira.


"Ako na ang gagawa nun. Basta, sure akong mag-eenjoy kayo dun." Sabi ni Madam.



"Tapos na. And nga pala. Magdala kayo ng Casual Wear. Magkakaroon kasi tayo dun ng party sa Second night." Dagdag pa ni Madam.


"Kyah! Mukhang exciting nga."



"Sasama ba lahat?"


"Yes. Wag kayong Kill Joy!" Reklamo ko.


"Don't worry, mag-a-add ako ng grades sa sasama."


"Ay, sasama na ako." John Dale.

"Ako rin. Wengya. Baka maging 79 na grades ko pag sumama ako." Bryan.


"HAHAHAHAHA!"



Mga tarantado talaga.

3 DAYS CAMP: The Camp that Brings you to Death  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon