Sa Ilalim Ng Ulan

889 4 0
                                    

Sa dami ng alaala na meron tayong dalawa ito ang hinding hindi ko makakalimutan. Ng minsan ay muli tayong nagkita sa ilalim ng malakas na ulan. Habang pinagmamasdan ng mga matang gusto tayong saktan. Mga matang walang ibang gustong makita kundi ang ang paglayuin tayong dalawa. Nandiyan rin ang mga malakulog na bulong na inuutusan tayong huwag ng magkita. Sa ilalim ng umiiyak na kalangitan tinangnan kita ng nagtataka. Nagtataka at nagtatanong kung bakit nandito ka pa? Na kung bakit kahit sa anong lakas ng bagyo sa paligid natin nandiyan ka parin sa tabi ko para pasilungin ako sa payong mo. Ang payong mong nag mistulang panangga sa tenga at mata nating dalawa laban sa kanila. At tulad dati ngingiti ka lang na parang hindi importante ang sinasabi nila. Na para bang wala ang mundong tatawagin nating sila at ang naroroon lang sa ilalim ng umiiyak na kalangitan ay tayong dalawa. Noong mga oras na iyon hinila mo ako palapit sa tabi mo na halos ramdam ko na ang init ng balat mo na nakikipaglaban sa lamig ng ulan, pansin ko na rin ang pamumutla ng iyong mga labi dahil sa lamig. Noong mga oras na iyon natakot akong bigla. Natakot ako na baka naririnig mo ang malakas at halos nagwawala ng tibok ng puso ko. Natakot ako na baka bigla mong mapansin ang ang pangangamatis ng aking mukha. Pero lahat ng iyon ay parang nabalewala ng sinimulan mong ibuka ang iyong mga bibig. Mga bibig na nagsasabing magiging maayos din ang lahat, na hindi ka magtatanong kung bakit dahil alam mong meron akong kinikimkim na walang salita ang kayang bigkasin na naging dahilan para kalabanin ko ang sarili kong katawan. Hindi ka tulad ng ibang tao na pagnalaman ang sikreto ko tatawagin ako ng kung ano anong pangalan, tatawagin nila akong papansin,baliw , tanga o nakakaawa. Wala akong narinig sayong kahit anong ganong salita. Dahil alam kong magkaparehas tayo, magkaparehas tayong nakakulong sa katawan nating parang unti unting nilalason. At wala tayong ibang gustong gawin kundi ang makawala. Noong araw na yon nakilala kita, nakilala mo ako at ang mga sikretong dala dala ko. Nakita mo ang nasa likod ng nakangiting maskarang suot suot ko. Nagkwento ka ng tungkol sa buhay mo, binangit mo ang mga nakatagong galit jan sa masikreto mong puso. Binangit mo ang mga pasan pasan mong problema jan sa likod mo. Sinabi mong hindi ako nag iisa, na naiintindihan mo ang mga dinadala ko. Nakaramdam tayo ng pagkalinga sa problemang pinapasan ng isa't isa. Nalaman natin na hindi na natin kailangang magsinungaling pa dahil nakilala kita at nikilala mo ako na may parehas na mabigat na bageng dala dala. Nung oras na iyon sabay tayong umiyak at sinabayan ang pagbagsak ng malakas na ulan na para bang tayo ay sinasabayan. Siguro naawa ang langit ng nakita niya ang dalawang malungkot na kaluluwa na nakita ang isa't isa. Pero tulad ng lahat ng bagyo, ulan at pagsikat ng araw panandalian lang ang lahat.

    Mag aapat na taon na ang nakalipas ng huli kitang nakita. Nakita kitang nasa loob ng puting silid at napapalibutang ng ibat ibang aparato. Apat na taon na ang nakalipas ng ikaw ay nag paalam. Nagpaalam ka at nangako ako na hinding hindi ako iiyak. At ito ang ginawa ako, nag pangap ako na ayos lang ang lahat. Sa bawat araw na lumilipas gabing natatapos at mga taon na nagsisimula, umakto akong hindi kita nakilala at hindi ako umiyak. Pero minsan sa ilalim ng malakas na ulan bigla uli kitang naalala. Isang malakas na ulan ang bumuhos sa akin. At parang plakang pinaulit ulit parang muli ulit kitang nakita. Lahat ng damdamin ay biglang umagos na parang malakas na baha. Lahat ng alaala ay tumama sa akin na parang kidlat. Malakas na kulog ang bumulong sa akin at nagsabing gumising na ako sa katotohanang wala ka na. Nagising ako sa alaala na ni isang beses hindi ko nasabi sayo ang mga katagang mahal kita at patawad. Patawad dahil galit ako sayo. Nagagalit ako sayo dahil iniwan mo akong nag iisa. Galit ako dahil ako ang napili mong iligtas at na pahamak ka. Galit ako dahil ginamit mo ang sarili mong pananga laban sa kanila. Galit ako dahil sinubukan mo akong iligtas kahit parehas nating alam na hindi tama, dahil parehas tayong matagal ng sira. Galit ako sayo dahil minahal mo ako at yung pagmamahal na iyon ay sapat na para huwag ko ng isipin na mahalin ko rin ang sarili ko. Galit ako sayo dahil naging madamot ako at gusto ikaw lang ang nasa tabi ko.

    Alam mo bang nakakangiti na ulit ako? Kaya ko na ngayong magpangap na masaya kaya ko ng magpangap na normal ako at ayos lang ang lahat. Ang maskarang tinangal mo sa pagkatao ko ay naibalik ko na. At ngayon mas mabigat na ito at mas kumapit na. At sa loob ng maskarang ito ay naglalaman ng basag na pagkatao ko at mga alaala mo. Mga panalangin na nag sasabing ibalik ka na nila sa tabi ko, mga pagsasamo na nagmamakaawang iligtas mo ulit ako. Pero huli na ang lahat hindi mo na ako maiililigtas pa, dahil wala ng natira. Lahat ay sirang sira na.

    Sa mga nakalipas na taon ang dami ko ng nakilala galing sa ibat ibang angulo ng buhay. Mga bagong kaibigan at kaaway. Patuloy na umikot ang mundo, patuloy ang pagbuhos ng ulan at pagsikat ng araw. Ang mga tao sa paligid natin ay nagsimula na ulit maglakad. Pero ako? Hindi ko kaya, nanatili akong nakatayo sa ilalim ng ulan kung saan mo ako iniwan. Takot humakbang dahil sa paghakbang nagagawin ko ay magiging pag amin na wala ka na. Hindi ko kayang humakbang palayo sa sakit sa aking puso na iyong iniwan. Dahil hindi ito magiging ganito kasakit kung hindi ako naging sobrang saya. Hawak hawak ko ang sakit na ito dahil ito ang nagpapatunay na nangyari ang lahat. Na hindi ka lang isang magandang panaginip at hindi ka lang basta alaala na akong kalilimutan. At ang sakit na nararamdaman ko ang nagpapalakas sa akin sa ilalim ng bagyo ng mundong iniwan mo.

Sa Ilalim Ng Ulan (Written as a Spoken Word Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon