CHAPTER 1

10 0 0
                                    

Ako po si CHLOE VIENNE VILLAHERMOZA, nag-iisang anak ng mag-asawang VIENNA VILLAHERMOZA at JARED VILLAHERMOZA. Lumaking mabait at syempre maganda, bakit ba eh sa talagang maganda ako..hehehe. Hindi naman kami mayaman pero hindi din kahirapan. Pinalaki akong nasusunod ang gusto dahil nga sa nag-iisang anak lang ako. Marami akong kaibigan pero hindi naman natin maiwasan na may mga tao pa rin sa paligid ang naiinggit. Mabait ako sa mga taong mabait sa akin.

I have a BESTFRIEND her name is FAYE ALVAREZ. Sabay kaming lumaki at nagkaisip. Masaya sya kasama kasi sobrang kalog nya.

and speaking of the devil..ahihihi

"chloeeeeeee..." sigaw nya habang tumatakbong palapit sakin.

"ohh.? bakit.? "  - ako

"kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala.." - sya, sabay upo sa tabi ko.

"bakit nga.?"

" may nag-aya na ba sayong maging partner mo sa prom. night? "

by the way highway nasa 3rd year highschool na kami ni faye, at ilang days nalang mag J- JS PROM na. At hanggang ngayon wala pa rin akong napipiling partner. Kailangan kasi nasa 4'th year highschool ang magiging partner mo.

" meron na...kaya lang tumanggi ako kasi ang alam ko may mga gilrfriend 'yong mga yun.hmp! baka kalbuhin ako ng mga girlfriend nila. "

" naku naman.! ako meron na my friend sinunggaban ko na si james baka mapunta pa sa iba.. hehehe "

" talaga.? inaya ka nya? " tanong ko sa kanya, crush na crush nya kasi yun.

" naman! alangan naman ako noh.? hindi pa naman ganun kakapal mukha ko "

" ay hindi ba? hahaha "

" ayan tayo ehh! hehehe.. hindi naman masyado, kaya ikaw my friend simulan muna maghanap ilang days nalang wala ka pang napili "

" hmp! yaan mo na.. eh sa wala pa talaga akong napipili "

" hmmm.. teka si andrew kaya? "

" sino yun.? "

Si JOSH ANDREW MONTEMAYOR isa sa pinaka sikat at pinaka mayaman sa school namin. Maraming fans, varsity player at higit sa lahat maraming naghahabol sa kanya, at hindi ako isa dun. Basta ayoko sa kanya nayayabangan ako.  Wala akong pakialam kahit na sobrang gwapo nya.. teka teka.. hindi pala ako nagwagwapuhan sa kanya sobrang pangit nya..hmp! bakit ba eh ayoko sa kanya ehh..AYOOOOKOOO SAAA KANYA..period :D

" asussss! kunwari ka pa my friend, if i know crush mo yun .."

" hoy faye.! kahit na sya nalang matira dito sa mundong earth hindi mangyayaring magkaka-crush ako sa nilalang na yun " sabay irap ko sa kanya. Aba! wag nyang pinag-iinit ulo ko.

" hehehe.. masyado ka namang pikon my friend, kalma lang ok? joke lang " tatawa-tawa nyang sagot.

" Hmp! Umayos ka kung ayaw mong masaktan dyan.."

" ito naman galit agad, joke lang yun..hehehe. Alam ko naman yun eh "

" Buti naman "

" Binibiro ka lang eh! hehehe.. alam ko naman ayaw mo sa kanya kasi------ " sabay takip ko sa bibig nya.

Kahit kelan talaga ang daldal ng bestfriend kong ito. ewan ko nga ba kung bakit naging bestfriend ko to.hehehe joke lang,mabait naman to minsan nga lang.

" araaaaay! chloe naman "

" ingay naman kasi hindi nalang manahimik "

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnngggggggg...

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnngggggggg...

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnngggggggg...

(Tunog yan ng bell ng school, hindi lang halata..hehehe)

" tara na nga! sorry naman noh? " sabay tayo.

" okay "

Narinig ko na naman ang pangalan ng lalaking yun ,kainis!. Basta naiinis talaga ako. Kahit kasi ganun kababaw ang pangyayaring yun nasaktan talaga ako. Kahit na sa mura kong isip nasaktan ako. Bigla ko na namang naalala ang pangyayaring yun.

~ FLASHBACK ~

5 years old ako nun at sya naman ay 6 years old.

Nasa playground kami nun habang naglalaro.

" vienne bakit ka nagpagupit ? " bungad sakin ni andrew habang nakasimangot. Kitang-kita ko sa mukha nya na dissapointed talaga sya. Hanggang baywang na kasi buhok ko nun, ang kaso pangit daw 'yong bagsak kaya pinagupitan ni mommy. Hanggang balikat ko tapos pinalagyan nya ako ng bangs kasi ang sabi sakin uso daw yun.

" gusto ni mommy, bakit pangit ba? "pagkatapos kong sabihin yun ngumisi sya sakin, makangisi wagas kung wagas!

" hindi naman... " at lumayo sya sakin ng kunti. "sobrang pangit lang. hahahahahahahaa "

" hmp! hindi naman eh " naiiyak ko ng sabi sa kanya, hindi nya ba alam na nagpapaganda ako sa kanya tapos yan sasabihin nya sakin? " bawiin mo sinabi mo andrew..huhuhu"  sabay-sabay na tumulo luha ko, hindi ko alam kung bakit parang nainsulto talaga ako sa sinabi nya.

" hahaha.. you look like dora vienne " tawa pa din sya ng tawa. " jay.. come here, halikayo dito.. " tawag nya pa sa iba naming kalaro.

(Si andrew, family ko at family nya lang ang tumatawag sa aking vienne, karamihan kasi ng nakakakilala sa akin ay chloe ang tawag.)

" yes andrew? " sabay-sabay nilang tanong.

" tingnan nyo si vienne, para syang si dora.. hahahaha " sabi nya sa mga kalaro namin, tawa pa rin sya ng tawa sarap sapakin.

" hahahahahhahahaa.. oo nga ! " at sabay-sabay na nagtawanan silang lahat, samantalang ako iyak pa din ng iyak wala man lang pakialam na nasasaktan ako lalo pa't sya ang nagsabi na mukha daw akong dora. Hindi naman sa pangit si dora pero alam nya naman na ayoko dun ehh .. Huwag na din kayo magtanong kung bakit ayoko kay dora kasi ako din hindi ko din alam kung bakit basta ayoko lang sa kanya. period :-D

" sabi ko sayo vienne ehh..hahaha , may pa bangs-bangs ka pa kasi dyan.. hahaha "  ayun hindi talaga sya maka move on sa bangs ko, bakit uso naman daw to ngayon pero bakit nila ako pinagtatawanan nasasaktan talaga ang aking puso't isipan.. huhuhu.. at bakit si andrew paaaa? bakiiiit..? sabay walk out ko.

" hoy vienneeeeeeeee " tawag ni andrew sakin, hindi ko sya nilingon, bahala sya! masama talaga ang loob ko,sa ganda kong ito sinabihan akong pangit? 

Lumipas ang mga araw lagi pa din akong tinutukso na dora ng mga kalaro ko, at dahil dun hindi na ako nakikipaglaro sa kanila . Kapag humaba talaga 'tong buhok ko who u talaga kayo sakin.hmp!.

Paulit-ulit humingi sakin ng sorry si andrew pero hindi ko sya pinansin eh sa talagang nasaktan ako. bahala sya! Hanggang sa magsawa siguro. Sabi kaya ng mommy ko sobrang ganda ko tapos sya,hindi ko padin matanggap na sa kanya pa talaga nanggaling yun. Lumipas ang buwan/taon na hindi ko talaga sya pinapansin. Hanggang sa nagkaisip kami at nag- aral . Nong elementary nagpatransfer ako sa ibang school nong malaman ko na same school kami ni andrew. At nong mag high school na nga eh no choice na ako, ang shool kasi namin ang pinakamalapit na high school sa amin. Sa araw-araw na nangyayari nong 1st year & 2nd year ginawa ko ang lahat para iwasan sya at nagtagumpay naman ako. Nitong 3rd year high school lang madalas nagku-krus ang landas namin ni andrew, pero hanggat may pagkakataon iniiwasan ko sya.

Yun nga ang simula ng lahat, sabihin nyo ng mababaw ako pero yun .

~ END OF FLASHBACK ~

Hate that I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon