CHAPTER 4

7 0 0
                                    

TIME CHECK >>>>>>>>>>   11:30PM

Anong oras na hindi padin ako makatulog, kanina pa ako nakahiga pero di pa rin ako dinadalaw ng antok. Ginugulo pa din ni andrew ang utak ko. oo tama kayo si andrew ang gumugulo sa nanahimik kong utak. Hindi padin kasi ako maka move-on sa sinabi nya..

"BE MY DATE" parang paulit-ulit ko pa ding naririnig,

Kriiiiiiiiiiiiinnnnnng

Kriiiiiiiiiiiiinnnnnng

Kriiiiiiiiiiiiinnnnnng

Teka cellphone ko yun ah, sino kayang tumatawag sa kin sa ganitong oras, kinuha ko 'yong cellphone ko at nagulat ako sa caller. Bigla akong kinabahan...

" Hello tita.. " 

"hello vienne.. good evening  " ang lambing talaga ng boses ng mama ni andrew. Yes! tama 'yong nabasa nyo mama nga ni andrew ang tumawag.

"good evening din po"

"pasensya kana sa istorbo iha , may kailangan lang kasi akong sabihin sayo"

"yes tita ano po yun?" parang kinakabahan tuloy ako sa tono ng pananalita nya.

"my favor sana ako, please!  sana ngayon mapagbigyan mo ko vienne"

Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko. Kasi minsan lang naman kasi humihingi ng favor si tita amara (mama ni andrew). Sobra akong kinakabahan kasi kapag humihingi sya ng favor laging involve si ANDREW.

"okay po tita, ano po maitutulong ko" hindi ako sigurado kung narinig nya ba ako sa sobrang hina ng boses ko.

"kilala mo naman siguro 'yong napapabalitang girlfriend ng aking unico iho vienne, diba?" deritsahan nyang tanong sakin.Hindi ko alam kung san patungo ang tinatakbo ng aming usapan, hindi ko maintindihan kung bakit si SHARMAINE(napapabalitang girlfriend ni andrew) ay nasali.

"opo tita, may problema po ba?"

"hindi na ako magpapaliguy-ligoy vienne" napaisip tuloy ako sa sinabi nya hindi pa pala sya nagpapaliguy-ligoy sa lagay na 'to..hehehe "iha pwede ka bang maging partner ni andrew sa J.S PROM nyo?"

hanuuuuuuu daaaaaaaw? tama ba narinig ko. AKO? teka! hindi ko maisip masyado, si tita amara nakikiusap sa 'kin na maging partner ni andrew? OMG bakit akoooo? Naku po! hindi pa nga ako nakaka move-on dahil sa sinabi ni andrew tapos ito pa? Ano bang meron sa araw na ito? 

"vienne..still there?" nagulat ako sa biglang tanong ng mama ni andrew, na-stoke yata ako at di ako nakapagsalita, kasi naman!

"y- ye- yeees tita.. bakit po? i mean bakit po ako?" ano ba yan nabubulol na ako.

Chloe Vienne umayos ka nga. Easy ka lang masyado ka naman noh? Makapag react wagas! wala naman masyadong big deal dyan sa pagiging partner, kastigo ko sa sarili ko.

"bakit nga ba hindi ikaw? simple lang ikaw ang gusto kong maging date ng anak ko sa gabing yun, pwede ba yun? ayoko sa babaeng yun, at alam ko namang alam mo kung bakit. Kaya please iha pumayag kana ah? Ako na bahala sa gown mo, okay?" sinabi nya yun sa tonong nakikiusap, sarap pakinggan ng mama ni andrew habang nagsasalita. Ang lambing-lambing talaga ng boses nya.

Haaaaaay! makakahindi ba ako sa kanya? Sa mga nagdaang taon kasi iniiwasan ko sya, alam ko naramdaman nya yun. Tumatawag lang sya sa 'kin minsan para mangamusta at makipagkwentuhan sa mga nangyayari sa 'kin. Kahit nagkaroon ng gap ang pagkakaibigan namin ni andrew hindi nagbago si tita amanda sa 'kin.

" paano po ang girlfriend ni andrew tita?" 

" 'wag mo ng alalahanin 'yong babaeng yun iha, ako na bahala dun ok?, basta ikaw ang gusto kong maging partner ni andrew. "

" okay po tita, pero 'yong about po sa gown 'wag na po kayong mag-abala may napili na po si mommy para sakin.Teka po  paano po si andrew? Baka po ayaw nya."

"ah ganun ba? Don't worry iha, wala kang dapat alalahanin. Sige na vienne malalim na ang gabi, you need to rest na kailangan ikaw ang pinakamaganda sa gabing yun. Pero sabagay ikaw naman talaga ang pinakamaganda sa lahat, dahil nagmana ka sakin. diba?" kahit kelan talaga si tita, hehehe. Pero game ako dun no ang ganda nya kaya at nagmana daw ako sa kanya, pwedeng-pwede yun.

" opo naman tita mana po talaga ako sa inyo,hehehe. Sige po.. goodnight na po"

"yan ang gusto ko sayo, hehehe.. okay vienne goodnight too, byeee mwuah"

"byeee po "

Ang lambing talaga ni tita amara, hindi ka talaga maiilang sa kanya kahit na sobrang yaman nila. Napaka down to earth ng pamilya nila hindi katulad ng ibang mayayaman na parang hindi na nakaapak sa lupa. Pero ang pamilya MONTEMAYOR hindi ka mangingiming makipag-usap. Sila 'yong taong pantay-patay ang turing sa mga taong nakakasalamuha.

Noong bata pa ako lagi akong nasa kanila, minsan naman si andrew ang nandito sa amin. Pero simula noong mangyari ang insedenteng yun dumalang na 'yong pagbibisita ko sa kanila. Pumupunta lang ako kapag wala si andrew.  At dumalang ng dumalang hanggang sa lumaki kami. Alam ko na ang babaw ng dahilan ng pagkasira ng friendship namin ni andrew, pero sa mura kong pag-iisip noon hindi ko alam kung bakit nasaktan ako ng sobra nong narinig ko yun na galing sa kanya. Kaya naipangako ko noon sa mura kong edad na hindi na mangayaring maging pangit ako sa paningin ni andrew? ang hard diba? parang ewan lang ako.hehehe.. pero yun na talaga yun!

Teka anong oras na pala at may pasok pa ako bukas kaya matulog na tayo :D at sa wakas rarampa na akong may partner :-P Bakit parang sobrang excited ako.. ang OA lang ha!

(-_-) zZzzzZZzzzZZzzzZZ (-_-)

_to be continued.........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate that I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon