Katatapos lang ng klase namin, at nakaupo ako ngaun sa playground ng school habang nakatingin sa mga nagpapraktis ng sayaw. Hinihintay ko si daddy sya kasi magsusundo sakin, kaya habang naghihintay tumambay muna ako.
KRIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGG...
KRIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGG...
KRIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGG...
Tunog ng cellphone ko, si daddy tumatawag na.
"yes dad?"
"baby sorry! ok lang ba na maghintay ka pa ng 30 mins. may kailangan lang akong tapusin?"
"okay dad, hintayin nalang po kita dito. don't worry "
"thanks baby! ingat dyan.. iloveyou"
" okay dad, iloveyoutoo bye "
Mukhang mahaba-habang hintayan ito. Makapaglaro nga muna ng temple run sa ipad ko. Habang seryoso akong naglalaro may istorbong nilalang na lumapit sa nanahimik kong mundo. Isang nilalang na ayokong makita.
" jump! yan ang galing.. ohh yuko! ayy bat di ka yumuko ayan na-dead ka tuloy " at talagang seryoso sya ha!
"ano bang ginagawa mo dyan? " hindi pa talaga nakuntento ang mokong at tumabi pa sakin.
"tinutulungan ka para hindi ka ma-dead sa nilalaro mo" seryoso sya ha!
"pakialam mo ba.!" may gana pa talaga syang sumagot, hindi nya ba alam na seryoso ako dito sa paglalaro.
"ang taray naman nito, ikaw na nga tinutulungan dyan."
"at utang na loob ko pala sayo yun.?"
aba! pinag-iinit nya ulo ko. Naku! kung hindi lang sya gwapo kanina ko pa binato ng ipad pagmumukha nya. ay teka! hindi nga pala sya gwapo.. erase.... erase.... erase... pangit sya period!
"pwede na rin " nakangisi nyang sagot.
"kapal ha! pwede ba 'wag kang tumatabi sakin at baka maya-maya pagbabatuhin ako ng mga fans mo "
"hehehe.. easy lang vienne! wag kang mag-alala andito naman ako para ipagtanggol ka" makangisi ang mokong.
"ewan ko sayo! umalis ka na nga "
bakit parang ang gwapo nya pag nakangisi. hmp! kainis ha.. At ang nunal na sa bandang labi andyan padin pala. (alangan naman mawala noh?) haaaaaaay! andrew lumayo-layo ka nga sakin.
"ang sama mo vienne, alam ko namang kinikilig ka. hehehe"
aba! humirit pa talaga sya, at ito namang heart ko hindi ko maintindihan parang gustong kumawala.
"alam mo andrew kung wala kang sasabihing matino pwede ba lumayas ka sa paningin ko"
hindi ko alam kung nahahalata nya ba ang pamumula ng pisngi ko, at maging ako hindi ko maintindihan ang sarili ko..hanuuuu bahh!
"hehehe.. ang cute mo pala vienne lalo na pag nagba-blush ka." humirit pa talaga ang kumag.
"ewan ko sayo! layaaaaaas " taboy ko sa kanya. Kahit kelan talaga 'tong lalaking 'to..
"tingnan mo 'to, kakarating ko lang pinapaalis mo na ako kaagad. Nakita kasi kitang mag-isa lang at baka namimis mo na din ako kaya nilapitan kita, tapos tinataboy mo naman ako" at nag puppy-eyes pa sya! tutusukin ko na talaga mata nito hindi nya ba alam na ang cute nya 'pag gumaganun? nakakainis ha!
"pwede ba andrew! utang na loob lubayan mo ako. Hindi kita maintindihan, may kailangan ka ba? bakit napapadalas ang pang iimbyerna mo sakin?Kung wala kang magawa sa buhay mo pwede ba wag ako ang paglaruan mo? kasi alam mo sa totoo lang nakakaistorbo ka sa pananahimik ko!"deritsahan kong sinabi sa kanya, sabay talikod. Baka kasi makita nya na naman ang pamumula ng pisngi ko.
Kitang-kita ko sa mukha nya na nasaktan sya dahil sa sinabi ko. Bigla nagbago ang ekspresyon ng mukha nya, naging seryoso ito.Gusto ko sanang bawiin pero huli na nasabi ko na.
Nakakainis kasi pati sarili ko di ko maintindihan bakit ako kinakabahan ng ganito? Bakit parang natutuwa ako sa muli nyang pagbabalik sa buhay ko? bakit ganun okay naman ako dati kahit di kami nagpapansinan pero bakit? bakit? Kaya habang maaga pa! okay na din siguro na sinabi ko yun.
Hindi kaya may nakain akong kakaiba kanina? Sisihin daw ba ang kinain.ah basta! ayoko ng ganito, ayoko sa nararamdaman ko ngayon.
"okay! sorry kung nakakaistorbo na pala ako sayo, pasensya kana! " nakayuko sya habang sinabi nya yun. Paalis na ako ng bigla syang magsalita, napahinto ako.
"be my date sa prom. night, please!"
Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya ko nong marinig ko yun, pero hindi ako nagpadala.
"okay ka lang?" sabay talikod sa kanya, deritso labas sa school. Narinig kong tinawag nya ako pero hindi na ako lumingon. Ayoko kasing sa pangalawang pagkakataon makita nya na naman ang pamumula ng pisngi ko.
Tama namang dating ni daddy paglabas ko ng school.
BINABASA MO ANG
Hate that I LOVE YOU
RomanceIt's all about HATE and LOVE... Minsan hindi natin alam na ang isang taong kinaiinisan natin ay sya pa ang babago ng buhay natin. Isang taong ayaw mong maging bahagi ng buhay mo pero sya pa pala ang nakalaan para sayo. Kung sino pa 'yong taong kinas...