Chapter 2: The Note

2K 91 9
                                    

=*=CELESTINE'S POV=*=

Naiinis ako sa sarili ko habang nakatingin sa kanya na natutulog sa may couch dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ko kasi talaga alam, kung tama pa ba 'tong ginagawa ko? Meron naman akong choice para hayaan na lang siya and yet hindi 'yon ang ginawa ko. So here I am now facing the consequences of my stupidity.

Hindi ko kasi natuloy ang ginawa kong pag walk-out kanina dahil agad akong napabalik nang marinig ko siyang dumuduwal at halos hindi na makatayo ng diretso dahil sa sobrang kalasingan. Dahil nga masyado akong mabait, tinulungan ko siyang makapasok sa loob ng kotse niya.

Akala ko hanggang do'n lang ang gagawin kong pagtulong sa kanya pero hindi 'yon ang nangyari. Agad-agad din kasi itong nakatulog pagkapasok niya sa loob. At first gusto ko na lang siyang ewan dahil kahit papano tinulungan ko naman siya.

Pero nakaramdam na naman ako ng guilt kaya hinanap ko 'yong cellphone niya para tawagan 'yong pamilya niya at nang sa ganun mapanatag na rin ang loob ko. Agad ko din naman itong nakuha sa bulsa ng kanyang pantalon but unfotunately ayaw niyang gumana dahil basing-basa din ito. So wala akong choice kundi ang iuwi ko na lang siya sa condo.

Nagmistula na akong driver at alalay niya. Ilang beses din kaming natumba nung papasok kami dito sa loob ng unit ko. Nauubusan na talaga siya ng lakas dahil sa sobrang kalasingan at nararamdaman kong nanginginig na rin siya dahil sa sobrang ginaw. Agad ko siyang pinunasan gamit ang isang bimpo at maligamgam na tubig para kahit papano mawala 'yong amoy ng alak na kumapit sa katawan niya.

Nang matapos ko siyang punasan, agad akong tumungo sa loob ng aking kwarto para kumuha ng damit na pwedeng ipamalit sa kanya. Mabuti na lang at may ilang mga damit akong pwede sa kanya. Mga panlalaking damit to be specific magkasing laki naman sila ng katawan.

Ilang saglit ko munang pinagmasdan sa loob ng cabinet ang mga damit na kailangan kong kunin. Nakaramdam na naman ako ng sobrang lungkot dahil naaala ko na naman siya, at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako hanggang sa may bumagsak na butil ng luha sa aking pisngi kaya agad kong hinawi at agad kinuha ang mga damit na kanina ko pa tinititigan.

Napahagulgol ako ng iyak habang yakap-yakap at inaamoy ang mga damit niya. Pakiramdam ko kasi siya 'yong kayakap ko. I missed him so much. Pero wala na akong magagawa pa para balikan niya ako at kahit anong gawin ko imposible na niya akong balikan. So I hurriedly compose myself para bumalik sa may sala.

Ilang saglit ko muna siyang pinagmasdan habang natutulog and I realize na may hitsura naman pala ang lalaking 'to kaya naman pala mayabang at assuming. Agad kong tinanggal 'yong pang itaas niyang damit para palitan ito. Medyo nahirapan akong gawin 'yon pero nagawa ko pa rin.

Napatigil ako nang ma realize kong hindi ko na talaga pwedeng palitan 'yong pang ibaba niya kahit gustuhin ko man. Pero kinakailangan talaga itong mapalitan dahil basang-basa ang mga ito. Agad kong kinuha 'yong cellphone ko para makahingi ng tulong kay Ivan. Pero hindi ko tinuloy dahil maaabala ko lang siya ng husto at isa pa hindi pa rin tumila ang malakas na pagbuhos ng ulan kaya nag-isip na lang ako ng ibang paraan.

*

"Maraming salamat ho talaga sa inyo, Mang Ruben. Pakisabi na rin po kay Manang Rose." Pagpapasalamat ko kay Mang Ruben matapos naming ilipat si Mr. Assuming sa may guest room, sila 'yong mag-asawang nakatira sa may katabing unit nitong condo na inu-occupy ko.

Napangiti naman ito ng malawak. "Walang anuman, Celestine. Hindi na rin naman iba sa amin." Magiliw niyang saad. Napangiti naman ako.

"E, ano ba talagang nangyari dyan sa kaibigan mo? Ba't masyado silang nagpakalunod sa alak." Biglang tanong ni Mang Ruben, kaibigan kasi 'yong sinabi ko sa kanila kahit hindi naman.

Destiny's FaultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon