17- Shocking Revelation

495 5 4
                                    

HONEY’s POV:

At last papauwi na rin kami galing Palawan. Ang daming nangyari at nakakalong nangyari habang nandun kami. Nandun na yung nag tapat si Kurt at Eric na manliligaw daw sila. WAAAAH! Mala-Rapunzel ang hair ko at that time. Opo! Nag madali na sila, ang tagal na daw po kasi ng series na’to at bagot na bagot na silang mag-intay ng pagkakataong manligaw sakin. SHOCKS! Talagang umo-aura ang beauty ko. At ang masaklap pa nito, simula ng naging close kami ni Steph ay pakiramdam ko parang bakla na rin ang kilos ko, pati Gay Lingoe ay nakuha ko rin ng konti.

Pero Masaya na rin ako kahit papano atleast na lessen ang aking enemies. But the only thing that I really don’t know ay kung pa’no ba talaga gumaan ang loob sa’kin ng baklang ‘to na katabi ko ngayon. Imbis kasi na sa kotse ako ni Eric sumakay ay mas pinili ko na lang na maki-ride sa kotse ni Stephen. Medyo di ko kasi LIKE ang atmosphere doon eh. Pano ba naman nandun din si Kurt, hiya ko lang naman sa kanilang dalawa noh. Ngayon pa na may Rivalry na nangyayari. Bakit ba naman kasi, mag best friend pa ang nahumaling sa kabaliwan ko. Pero andito na eh, just go with the flow nalang ang acting ko =_=’

Nagda-drive si Stephen habang nakikinig ng music sa Ipod nya. Grabe! Sinolo! Wala ba syang kasama, trip ko rin kaya ang making ng music. Kaso imbyerna ‘tong baklang ‘to. Ang ARTE! Ayaw pahawakan sa’kin ang kahit anong parte ng kotse niya, kulang nalang hindi niya ako pa-upuin! Ang lakas pa naman ng loob ko na mag bida na close na kami…actually close na kami eh. 2 inches away. HAHAHA! Pero atleast maayos na pakikitungo niya sa’kin.

Pipindutin ko sana ang Player ng kotse gaya ng lagi kong ginagawa sa kotse ni Kurt.

“HEP! Don’t touch that one (.~~)” Sabi nya sabay irap ng tingin sa’kin  at the same time nakikinig ng music.

Gusto ko rin ng musicT_T

Napatigil ako sa ginawa niya at umayos ulit ng upo sabay cross-arm.

“Ang damot mo.” Sabi ko while having pouty lips.

Iprineno niya ang sasakyan ng biglaan na muntikan nakong masubsob sa harapan ng kinauupuan ko.

BAKLANG ‘to! Papatayin ako?!?

Hinila niya ang ear phone mula sa tenga at nag salita “Ako pa ang madamot?! Pinasakay na nga kita dito sa kotse ko eh. Kung di lang talaga…” Bigla siyang huminto at namula.

UYYY! Namula bigla? Ano problema nito?!

Parang isang malaking Irony ang nangyayari sa’min ngayon. Kanina lang sabi ko close kami tapos ngayon, away ulit. Ano ber>.<

“Anong TALAGA?” Tinuwid ko ng konti ang pagkaka-upo ko at sinubukang titigan siya sa mata. Pero umiwas lang ‘to.

“Makaka-titig ka diyan!” Sigaw niya sa’kin. Napaaurong  naman ako sa kinauupuan.

“Eh kasi naman eh. Pasensya na kung dito ako sumakay, eh kasi naman kung kina Eric ako sasakay…*sigh*” mahinang sabi ko sabay sandal ng ulo at tumingin ng malamin sa labas ng bintana.

Tinanggal niya ulit ang ear plug. “ Alam mo, sabihin mo na kasi sa dalawa kung sino ba talaga ang gusto mo. Kasi kung patatagalin mo pa, hindi lang ikaw ang mahihirapan, at ang masakit pa… one of them ay masasaktan mo ng bongga teh.” At pinaandar na niya ulit ang kotse.

Kung alam niya lang ang hirap ng na fi-feel ko. Ayoko naman na may masaktan ang isa sa kanila, pero ang hirap naman sabihin o aminin kung sino ba talaga sa dalawa. =_=’

Tama po, alam ni Stephen ang tungkol kina Erick at Kurt. Sa lakas ba naman ng radar ng chismosang gaylalush na’to ay talagang masasagap niya agad ang chika wala pang bente kwatro oras. XD

Crazy Little Thing Called LOVE (On Hold!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon