Trixie's POV,H-H-Hinalikan niya ako, ???
Kahit na smack lang yon first kiss ko pa rin yon,
" so nainiwala na kayo siguro no, na boyfriend talaga ako ng taong to pwede na ba kami bumaba bukod sa kanina pa kami dito ay late na rin kami, Tara na babe,"
What the ? May nalalaman pa siyang babe,
Bumaba naman kaming dalawa habang nag lalakad kami sa hallway Hindi ko naiwasan huminto,
Hindi ko alam pero dapat nagwawala na ako ngayon eh, katulad sa mga drama,
Yung bang hahalikan ka ng taong Hindi mo gusto simpre magagalit ka o maiinis ka sa taong gumawa non sayo diba,
Pero ang tanong Hindi ko nga ba siya gusto, ???
Tanong kulang pag umiibig na ba ang tao ano-ano ba ang nababago sayo,
Yung bang bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso mo pag nakikita mo siya,
Yung bang katulad ngayon hinalikan niya ako, kaya yung heart ko nag wawala nanaman,
Ayokung aminin sa sarili ko na gusto ko siya,
Bakit ?
Kasi Best friend ko siya,
Kasi ayokung umasa na magugustuhan din niya ako,
At isa pa lalake ang type niya at Hindi babae,
" Oi, kung iniisip mo yung halik ko sayo, Hindi ko rin yon gusto, at isa pa, ikaw rin naman ang may kasalanan ei, kung Ano-ano na lang kasi ang pinagsasabi mo, hindi mo rin pala kayang panindigan, halikana kung ayaw mong tumayo sa labas ng class room,"
Tsk,
Bakla nga naman,
Nakita ko naman na malayo na siya sa akin, pero ako hito singbagal ng pagong kung mag lakad paano naman kasi Hindi pa ako maka get over, ikaw ba naman ang halikan,
Pagkatapat ko sa class room nakita ko naman ang adviser namin na umuusok na ang ilong niya sa inis,
" Miss Yong, you're late, alam mona ang mangyayari,"
"Yes ma'am,"
Well ang punishment ko lang naman ay tumayo sa labas ng class room habang yung kamay ko ay naka taas at may tag tatlong aklat, see yan ang resulta ng kakaiisip ko sa pesting kiss na yon,
20 minutes na ako nakatayo dito sa labas bat ba ang bagal ng oras, Aish na ngangawit na ang kamay ko,
Habang nag muni-muni ako may dumating naman na tao,
"AhH miss excuse me dito ba ang floor ng fourth year,"
"Yeah, kung section A ka bumasok kana,"
"Thanks,"
"Tsk, ang gwapo Sana, suplado naman, ni Hindi man lang ngumiti"
Nang bigla na lang ako tinawag ni ma'am,
"Miss Yong, pwede kanang pumasok, but I'm warning you pag naulit pa ito ipapalinis ko sayo ang boung faculty, understand,"
"Yes ma'am,"
Pumunta naman ako sa upuan ko,
Ng sermunan ako ni Nathan,"Sabi ko naman sayo ei, ang bagal kasi ng lakad mo,"
"Kasalanan mo naman eh,"
"At bakit naman ako na involved sa problema mo, aber, "
"Tsk whatever,"
"Kayong lahat tumingin kayo sa harapan, may bago kayong classmate, go ahead mag pakilala kana,"
"Thanks, Hi everyone My name is Kiven Lee, please nice to meet you ,"
"Kyyaaaa, ang pogi niya,"
"kyaa Wala pa kaya siyang girlfriend Sana ako na lang,"
Tck, kung makatili naman akala mo wala ng bukas,
"Ok class tumahimik na kayo, Mr Lee set beside Ms Yong,"
To be continued
YOU ARE READING
Mahal Ko Ang, Best Friend Ko
Teen Fiction"Sa pagdaan ng maraming taon na palagi lang kaming magkasama kahit na para kaming aso't pusa, hindi ko manlang namalayan agad na nahuhulog na pala ako, sa taong matalik kung kaibigan sa taong palagi lang nandyan para sa akin, sa taong Hindi ako...