CHAPTER 09

37 5 0
                                    


Nathan's P.O.V

5:00 am pa lang nagising na ako, Hindi ko alam basta ang alam ko good mood ako ngayon,

Feeling ko may mangyayaring maganda sa araw na ito,

Pumunta na ako sa bathroom at naligo na ako, makalipas ang ilang menuto lumabas na ako sa bathroom,

At nag punas ng katawan, pumunta naman ako sa Cabinet ko kung saan nandoon ang mga damit ko,

Pagbukas ko nakita ko agad yung uniform ko na plasyadong-plasyado,

Kinuha kuna ito at sinout, At pagkatapos nag spray ako ng pabango sa katawan ko,

Bumaba na ako para maka pag almosal,  usual maaga naman gumising si Yaya Rose,

"Good morning  po Yaya,"

"Oh good morning din Sayo hijo, bat ang aga mo yata ngayon,"

" Napa aga lang po talaga yaya, "

" o siya kumain kana habang mainit pa yan, "

" thank you po Yaya, "

Nag simula na ako kumain, hanggang sa natapos na rin ako, sakto naman na bumaba si Mama,

" good morning po Ma, "

" good morning anak, ang aga mo yata, "

" Napa Aga lang po talaga Ma, "

" Hmm, Kumusta naman si Trixie anak paki Sabi naman na dalawin niya minsan ang future mother-in-law niya ,"

" Ma, naman anong future mother-in-law ka dyan, Ma, makinig ka Trixie Is my Bestfriend, Mahal ko siya at mahalaga siya sa akin, dahil halos sabay na rin kami lumaki,, "

" HayY. . . Naku Son manhid ka ba talaga!! alam mo bang paubos na yata ang pana ni kupedo dahil sa kakapana ng puso mo pero ikaw naman itong manhid, listen wag mong hayaan mawala Sayo ang taong Mahal na Mahal ka,"

" Ma, Kagigising mo lang ei, kung Ano-ano na lang ang pinag sasabi mo, "

" as a good mother, ayaw kung Makita kang masasaktan someday, Lalo na kung ipagpapatuloy mo ang kamanhidan mo, "

" Whatever Ma, Anyway mag papahatid po kami ni Trixie Kay manong Robert, "

" buti pa nga baka mapapahamak pa kayo sa pinag gagawa niyo, "

" sige po Ma, alis na po ako bye, " sabay halik sa pisngi niya,

Pumunta naman ako sa garden kung saan nandon si Manong Robert,

Anyway si Yaya Rose at si Manong Robert ay mag asawa, matagal na din sila nag tatrabaho sa pamilya namin kaya hindi na  sila iba sa amin,

Pagdating ko sa garden ng bahay namen nakita ko naman si Mang Robert na nag didilig ng mga Halaman,

" good morning po Manong Robert, "

" good morning din po Sir Nathan, "

" Mang Robert naman po wag niyo na po akung tawaging Sir, Nathan na lang po, nga po pala pwede po bang magpahatid sa school "

" pweding-pwede po, teka lang po ah kukunin ko lang yung kotse, "

Saka siya tumalikod at nagpunta garahe,

Hindi nag dagal sumakay na ako, sabay sabing "Mang Robert dumaan muna po tayo kila Trixie para Sabay na po Kami pumasok,"

"Masusunod hijo,"

Dahil malapit naman kami sa kanila kaya agad din kami dumating sa malamansyon nilang bahay,

Bumaba ako mula sa kotse, at tumayo sa gilid ng kotse,

"HayY ang tagal niya," bulong ko sa sarili ko, ng biglang lumabas ang mama niya,

"Nathan, ikaw pala, good morning Sayo hijo, hinihintay mo ba si trixie, pumasok ka muna ng makakain ka,"

"Good morning din po tita,  pero salamat na lang po dito ko na lang po siya hihintahin,"

" ohH sige mukhang Hindi naman yata kita mapipilit, eH,"

"Salamat po Tita,"

Bumalik naman siya sa loob ng bahay Nila,  at ako naman itong nangangawit sa kakatayo dito dahil sa babae na yon,

Pasalamat siya best friend ko siya,

Hanggang sa, sa wakas lumabas din siya, at mukhang nagulat pa siya ng Makita niya ako, kahit kaylan talaga abnormal,

" Good morning Trixie tinanghali ka yata ngayon ahH, " tanong ko sa kanya,

"Good morning din Sayo, wala lang napasarap lang ang tulog ko, teka nga bat lalaking-lalaki ka ngayon ahH," takang tanong niya,

" well naisip ko na wag na lang mag act ng gay after all Hindi naman ako bakla no," sagot ko sa kanya as usual nag iba naman ang mukha niya,

" so trip mo lang pala ang pagiging gay mo sa Mata ng Maraming Tao, " Hindi makapina walang sagot niya,

" Dahil best friend naman tayo kaya gusto ko rin ito e share Sayo, pero sa kotse ko nalang sasabihin kaya Tara na, "

Pumasok naman kami sa loob ng kotse, pero Hindi pa naman kami nakaka alis ay nag simula na siyang  mag tanong,

" so ano na, anong yong gusto mong e share sa akin, ahH?, "

" hmp, Ang totoo kasi nag act lang ako as gay dahil Kay,-"

" kay-," tanong niya,

" kay Clancy dahil gusto ko siya at para Hindi mahalata at para na rin makalapit sa kanya kaya nag pangap akong bakla, " sabay kamot sa batok ko,

At  kasabay non tumingin ako sa kanya at this time alam kong Hindi kuna guni-guni ito lahat,

She's crying.  . . .

" Trixie are you okay, may nasabi ba akung Hindi maganda kaya umiiyak ka,"

"Oo ang sakit kasi,"

Dahil Hindi ko naman nagets ang sinabi niya kaya tinong ko siya ulit,

" anong Sabi mo, okay ka lang ba talaga, may Sakit ka ba, gusto mo dadalhin kita sa hospital, " kabadong tanong ko sa kanya,!!

" stop the car please po Mang Robert, " mungkahi niya kaya hininto naman niya ito,

" Trixie what are you doing, "

" I'm sorry Nathan pero kaylangan kung bumalik sa bahay sumasakit bigla kasi ang dibdib ko kaya pasinsiya na, wag mo akung alalahanin kaya ko pa naman EhH,"

* * * *

To be continued

Next time na lang po ang chapter 10 salamat?

Mahal Ko Ang, Best Friend KoWhere stories live. Discover now