Mahal Kita (One Shot)

11 1 0
                                    

Naglalakad akong pauwi ng bigo. Dala dala ang mga scenariong nakita ko sa inyo, hawak hawak ang mga katagang "Hindi na kita mahal" na sinabi mo saken kanina lamang. Nag iisip kung anong mali ang ginawa ko. Kung bakit mo nagawa sakin ito. Kung bakit hindi ka pa nakuntento sa akin. Anong kulang? May hindi ba ko naibigay sa iyo? Ginawa ko naman ang lahat ngunit bakit parang hindi pa rin sapat? Anong nangyare sa ating dalawa?

Sabi mo ako lang ang iyong gusto! Ako lang ang iyong mahal! Ngunit bakit mahal? Bakit ganito ang ginawa mo sa akin? Binigay ko naman lahat ng makakayanan ko ah? Ginawa ko ang lahat para sa iyo. Hindi pa ba ito sapat? Bakit hindi ka makuntento sa akin?


Ang daming tanong ang sumagi sa aking isipan ngunit ni isa ay wala akong makuhang sagot.


Ah hindi! Alam ko na kung bakit mo ako iniwan!


Gaya nga ng mga sinabi mo. "Hindi na kita mahal, kasi hindi na ikaw yung dating niligawan ko. Nagbago ka na." Di ba dapat tanggap mo ako kahit na anong magbago sa akin?


"Hindi ka na kagaya ng dati. Akala mo ba gusto kong magka girlfriend ng mataba?" Di ba kapag mahal mo dapat tanggap mo kung anong itsura ko? Ngunit mahal bakit? Bakit hindi mo ako matanggap?


"Kung dati ay sexy ka ngayon..." hindi niya mahanap ang mga katagang gusto niyang sabihin. Akala ko kasi malai ang pagmamahal mo na kahit anong maging itsura ko ay wala kang pakielam kasi mahal mo ako. Ngunit nagkamali ako.


"Ayoko na sayo. Hindi mo rin kayang ibigay ang gusto ko." Katawan ko lang ba ang habol mo? Akala ko ba hihintayin mong ikasal tayo? Pero bakit ganto ang ginawa mo sa akin mahal?


Nagmakaawa na ako sayo. Umiyak na ako sa harapan mo! Lumuhod! Kinain ko na ang natitirang pride na meron ako baka sakaling hindi mo lang ako iwan. "Magpapaganda na uli ako mahal, ibabalik ko na sa dati ang itsura ko, ibibigay ko na ang gusto mo huwag mo lamang akong iwan mahal." Yan ang sinabi ko sa iyo, ngunit parang sinampal ako, hindi! Para akong binugbog sa sakit nung kinuha mo ang iyong cellphone at may dinial na numero. Ilang sandali pa ang lumipas ay may dumating na babae. Hinalikan mo siya sa aking harap. Perfect couple kayo kung titignan ngunit..


Bakit bess? Bakit mo nagawa sa akin ito? Hindi ka ba makuntento? Sana sa iba mo na lang yan ipinakamot bess hindi sa taong mahal na mahal ko. Mag bestfriend tayo e pero bakit ganon? Bess, oo alam kong tayo ang highest form of animals pero bakit ganon bess? Bakit lumevel ka sa pagiging ahas?


Mahal bakit siya pa? Na bestfriend ko pa? Mahal ano? Mahal na mahal kita pero sige kung yan ang ikasasaya mo. Pakakawalan na kita.

Mahal Kita (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon