Chapter 8

21 5 0
                                    



[RUSSEL's POV]


"ma, tama na." yakap yakap ko si mama habang iyak siya ng iyak. marami ang nagiiyakan. karamihan mga pinsan namin at yung iba kaklase ni Drake.. ng step brother ko. matapos mamatay ng tatay niya siya naman ang sumunod.


"ikaw russel.. parati kang magiingat! ayoko na pati ikaw mawala!" hindi ako umimik at niyakap nalamang siya. ayokong nakikitang nasasaktan si mama. pati din naman ako nasasaktan ng sobra sobra pero hindi ko lang ganun na pinapakita.


yung dating lagi kong kasama. yung parati kong kalaro nung bata pa kami. yung kuya ko na minahal ko ng sobra. malalaman nalang namin na namatay na pala siya.


"russel." inangat ko yung ulo ko. si Declar Sanchez. pinsan ko. 25 years old. pero dahil nung mga bata pa kami ay sobrang isip bata niyan at nakikipag laro pa siya saamin. nasanay kami, ako, na tawagin siyang declar lang. gusto niya din naman yun kaya okay lang din. isa siyang pulis at siya ang naghahanap sa pumatay sa kapatid ko.


"mauuna na ako russel. nga pala, mukang galit na galit yung papa mo kanina."


"ha? bakit daw?"


"yun nga. namatay ang kuya mo. tapos, galit na galit din siya kasi masyado kayong nasasaktan ng mama mo at syempre minahal niya na din yung step brother mo. ayun, may inutos siyang mga kasamahan niya para hanapin yung taong pumatay sa kapatid mo."


"anong utos ni papa?"


"yun ang hindi ko alam. ayaw din kasi nila sabihin saakin. may kutob din ako na may binabalak silang hindi maganda." napatango tango ako


"tama ka. pati din ako. kasi sa sobrang tapang ni papa at pag yan galit gagawin niya lahat makaganti lang. atsaka, wala ding awa yung mga tauhan ni papa. pag nahanap siguro nila yung taong pumatay kay drake. baka, kung anong gawin nila. baka patayin nila yun o torturin muna." napailing naman si declar


"wag kang mag alala russel. tututukan ko din sila. atsaka, pagnakapatay yang papa mo. baka mapunta yan sa presinto."


"alam ko declar. yun nga ang kinakatakutan ko eh. ang makulong si papa. kakausapin ko nalang siya mamaya."


"sige." tinignan niya yung orasan niya


"mauuna na ako russel. bukas, pupunta ako dun sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni drake." tumango ako sakanya


"ingat ka." umalis na siya ng bahay at humarap ako kay mama na ngayon ay kumalma na. lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya


"ma, pupuntahan ko lang si papa." nakayukong tumango si mama. tumayo na ako at umakyat ng 2nd floor kung saan yung office ni papa. kumatok ako sa pinto at sumilip sa loob


"pasok ka anak." pumasok ako sa loob at sinarado yung pinto.


HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon