Chapter 2

54 6 0
                                    

  ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


[SEYI's POV]

"kumusta?" sabay akbay niya saakin. si Russel. agad ko naman tinanggal yung pagkakaakbay niya saakin kasi ang sama sama ng tingin saakin ng ibang studyante. baka ireport nila kay raye. haist.

"bakit?" umiling ako

"wala. hindi lang ako sanay." tumango siya at tumingin na ng deretso. pumunta kami sa may lockers. magkatabi lang ang locker namin eh. binuksan ko na yung locker ko at nanlaki yung mata ko sa ginawa nila sa P.E uniform ko.

"bakit?" tinignan ni russel yung locker ko. punit punit na kasi yung damit ko eh atsaka , madami din crampled papers ang nahulog galing sa locker ko.

"sino naman gumawa niyan!?" kalmado pero halatang nagpipigil na ng inis na sinabi ni russel. napayuko nalamang ako at sinara ko yung lokcer ko saka sumandal dito.

"gusto ko ng lumipat ng school russel. ayoko na ng ganito. pero kahit sabihin ko man yan kay mama.. hindi rin lang sila papayag." sinara ni russel yung locker niya at sumandal din dun.

"pabayaan mo seyi. dito lang ako parati sa tabi mo." inabot niya saakin yung isang jersey at white t-shirt. tinignan ko naman yun

"paano ikaw? anong gagamitin mo?"


"yan yung spare clothes ko. eto yung gagamitin ko." pinakita niya saakin yung jogging pants at yung t-shirt niya na black.

"yan ang pinahiram ko sayo kasi masmalaki tong jogging pants ko eh." 

"thankyou.. russel." ngumiti siya saakin.

"sige, papalit lang ako sa comfort room." tumango ako

"pati din ako." nagpalit na ako ng pang p.e sa girls comfort room at tinignan yung sarili ko. ang laki ng white t-shirt niya. hanggang kalahati ng hita ko kaya hindi na medyo kita yung jersey ko. bahala na.

lumabas na ako ng comfort room at hinintay siya sa may lockers. napatingin naman ako sa apat na babaeng papalapit saakin. ow, sila pala. yung mga babaeng parati akong binubully. etong apat na toh ay ang boss nila ay si raye. galit na galit sila saakin kaya basta't makita nila ako. kumukulo ang mga dugo nila. ako naman, medjo sanay sa panbubully nila. pero ang masaktan sa ginagawa nila. hinding hindi ako masasanay.

"ow, looks whose her." nginitian ako ng apat na babae. isa din sila sa pinakamaldita sa school. si kate ang nangunguna tas si ruth ann, natasia at demi.

humawak si kate sa balikat ko. "bakit pag nakikita kita.. parang gusto ko ng pumatay ng tao?" ngumiti siya saakin at tinignan niya si ruth at sinenyasan niya na lumapit. may hawak siyang juice at pinakita niya saakin

"gusto mo?" hindi ako sumagot at nakatingin lang sakanya

"silence means... yes." ibubuhos na dapat niya yung juice saakin ng itulak siya bigla ni russel.

"kayo nanaman!?" tinignan naman siya ng masama ni kate

"and you again! sino ka ba at parati mo nalang siyang pinagtatanggol!?" lumapit sakanya si russel at nilapit niya yung muka niya. nanlaki naman yung mata ni kate at namula yung pisngi niya. sa totoo lang. gwapo naman kasi si russel. talagang kakabahan ka at siguro mamumula ka dahil pag ilalapit niya yung muka niya. malulundag ka sa kagwapuhan niya. pero hindi ako naiinlove sakanya pag ginagawa niya yun dahil.. hanggang ngayon, si miles pa din ang nasa puso ko.

"i'm her friend. kaya bilang isang kaibigan. karapatan ko siyang ipagtanggol." lumayo sakanya si russel at ang laki naman ng mata ni kate dahil siguro sa ginawa ni russel. ano yan, nainlove na siya? iniwan na din naman kami ng apat na  babaeng yun at inakbayan ako ni russel pero agad kong tinanggal.

"ano bang meron seyi pag aakbayan kita?"


"baka kasi lagyan ng malisya pag may nakakita saakin. isumbong pa nila kay raye at lalong magagalit saakin si raye." iisip kasi nanaman ni raye na niloko ko lang si miles. pero wala na kasi yung tao eh. pero kapatid niya kasi yung nawala.

"wala naman malisya seyi eh. atsaka, andito naman ako para iligtas ka eh." siguro kung gusto ko lang tong si russel. kinilig na ako dun. tumabi siya saakin at naglakad na kaming sabay.

***

naglalakad na ako pauwi ng madaanan ko yung classroom ni raye. napatigil naman ako at tumingin sa may bintana. may mga babaeng nakapalibot sakanya. yung apat na babaeng yun. ano bang pwedeng itawag sakanya? the four sisters? walang maisip. four sisters nalang.

"sorry baby.. dumating kasi yung lalakeng yun." sabi ni demi habang nakayakap sa may bewang ni raye.

"talaga? so, wala kayong nagawa?" tanong ni raye.

"wala eh. natakot ata si kate kanina." sabi nung natasia habang nasa tabi din naman ni raye. napatingin silang tatlo kay kate na nakaupo sa harapan lang nila. nakatulala si kate habang nakacross arms.

"hey kate. first time mo atang matakot kanina?" sabi ni raye at agad naman napatingin kay raye

"ha?"


"wala."


"uhmm.. ruth. a-anong pangalan nung lalakeng parating kasama ni seyi?" nahihiyang tanong ni kate kay ruth

"h-ha? eeh."


"wag niyo ngang pag usapan yung lalakeng yun. basta ang everyday task niyo. ang pahirapan si seyi. kahit anong pagpapahirap." tumango tango naman silang apat at tumawa. habang tumatawa sila raye ay napatingin siya saakin. nagulat ako ng mapatingin siya saakin.

ngumiti siya saakin ng masama tapos kininditan niya ako. umiwas naman agad ako ng tingin at tumakbo na ako palayo.

kung yun ang gusto niya. ang maghirap ako. wala akong magagawa. 

dumeretso ako sa resto na pinagtratrabuhan ko. part time job ko. isang waitress. gusto ko ng ganito eh. nagtratrabaho ako ng 6-10 at dahil pagod na pagod ako. pagkauwi ko ay matutulog agad ako at makakatulog agad ako. kasi pag matutulog ako ng maaga. marami akong iniisip kaya hindi ako makatulog pero paglate ako umuuwi at dahil pagod ako ay makakatulog agad ako.

nagtrabaho na ako sa resto at naglakad na pauwi. parati ko ding nadadaanan yung isang bar dito kaya tumatakbo nalamang ako atsaka kasi madilim dito sa daan at kunti lang yung tao. magkakahiwalay kasi yung mga street lights kaya ayun.. ginagamit ko yung phone ko pangflashlight at tumatakbo nalang ako. nakakatakot kasi parang may multo dito eh.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon