EPISODE 4 (POSTED)

860 40 0
                                    


#TBMG3IChooseYou

EPISODE 4

Magkatabing nakaupo sila Harold at Anton sa buhanginan. Nakatingin ang mga mata nila sa maaliwalas na kalangitan at sa malawak na dagat na kay gandang pagmasdan dahil sa linaw ng tubig. Sobrang linis dagdagan pa ng hangin na nagbibigay presko sa pakiramdam. Nakarating sila sa bandang dulo na ng island resort.

Napatingin si Harold kay Anton. Tipid itong napangiti dahil nakita niya si Kiel na buhat pa rin nito at nakatulog na dahil nakapatong na ang ulo nito sa balikat ng huli at nakapikit na ang mga mata.

"Tulog na si Kiel." Sabi ni Harold na ikinatingin sa kanya ni Anton. Next na tiningnan nito si Kiel. Napangiti nang makitang tulog na nga ang bata.

"Akin na at ako na ang magbubuhat... baka masyado kang mangawit." Sabi ni Harold.

Napailing si Anton.

"Hayaan mo na muna siya... Baka kasi magising kapag ibinigay mo sayo. Saka hindi naman nakakangawit ang buhatin siya." Sabi nito.

Napatango na lamang si Harold. Hindi na niya pinilit pa ang kagustuhan niya.

Umiwas nang tingin si Harold habang si Anton ay hindi. Malaya tuloy napagmasdan ng huli ang kagwapuhan ng una.

Namayani muli ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tanging ang alon ng tubig at mga huli ng mga hayop na meron dito sa lugar na ito ang siyang naglilikha ng tunog.

Hanggang sa maputol muli ang katahimikan dahil biglang nagsalita si Harold.

"Bigla kong naalala 'yung sinabi mo sa akin sa park... Totoo ba ang sinabi mong... sinabi mong mahal mo ako?" tanong ni Harold na hindi tumitingin kay Anton. Sa totoo lang, bukod sa hiya, kinakabahan din ang pakiramdam niya sa naging tanong niya. Ayaw niya sanang magtanong pero kahit papaano ay nagkaroon siya ng lakas ng loob.

Napangiti si Anton habang nakatingin pa rin kay Harold.

"Bakit? Hindi ka ba naniniwala?" tanong ni Anton. Sa puntong iyon, napatingin na si Harold kay Anton. Nakita niyang nakangiti ito pero seryoso ang mga matang nakatingin sa kanya. Tipid itong napangiti.

"Hindi naman sa hindi naniniwala... Mas tama sigurong sabihin ko na hindi ako makapaniwala." Sabi ni Harold. Napabuntong-hininga. "Pwede bang magkwento ka tungkol sa ating dalawa? Kung paano tayo nagkakilala at kung paano tayo nagkaroon ng ugnayan sa isa't-isa?" sabi at tanong pa nito.

"Pero alam mo na di ba? Nailahad na sayo ang buong kwento." Sabi ni Anton. Sa pagkakaalam niya kasi, nagkwekwento sa kanya ang ina nito.

"Gusto ko lang marinig muli... mula sa labi mo." Sabi ni Harold. May bahagi sa kanya na gusto niyang marinig mula sa labi ni Anton ang kwento nilang dalawa kahit na alam naman na niya.

Napatango si Anton. Umiwas ito nang tingin kay Harold at muling ibinalik sa tinitingnan kanina. Napangiti ito.

"Nagsimula ang kwento nating dalawa sa hindi maganda... Puno ako ng galit noon hindi lamang kay Diana kundi pati na rin sayo dahil ikaw ang dahilan kung bakit nasira kami ng babaeng minahal ko. Dahil sa galit na iyon, napunta ako sa sitwasyong nais kong maghiganti kaya nagtagpo ang ating mga landas dahil iyon ang plano ko, para mas maging madali kong magawa ang lahat..." sabi ni Anton. Napabuntong-hininga. "Maraming nangyari... magkahalong maganda at hindi pero masasabi kong mas nangingibabaw ang hindi maganda." Sabi pa nito. Ikinwento niya ng detalyado ang mga nangyari na matyaga namang pinapakinggan ni Harold.

#TBMG3: I CHOOSE YOU (M2M, ROMANCE, MELODRAMA) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon