EPISODE 16: THE FINALE (POSTED)

1.3K 41 7
                                    


#TBMG3IChooseYou

EPISODE 16: THE FINALE

Abala sa kanyang ginagawang pag-aayos ng table napkin si Angelica na nasa loob ng kusina ngayon. Iniisa-isa niya ito at sinisigurado na maayos ang bawat isa para ilalagay na lamang ito mamaya sa mesa bago magsarado ang restaurant.

Tipid namang napangiti si Anton nang makita siya na abala sa trabaho. Talagang pinuntahan niya ito para na rin makausap. Naglakad siya palapit dito.

Nagulat naman at napatigil sa ginagawa si Angelica nang makita si Anton. Hindi naman kasi niya inaasahan na pupunta ito dito sa tagong parte ng kusina.

"O Sir." Sabi ni Angelica. "Ano hong ginagawa niyo dito? May kailangan po ba kayo?" tanong pa nito.

Napangiti si Anton, napabuntong-hininga rin pagkatapos.

"Gusto lamang kitang makausap." Sabi nito.

"Tungkol ho saan?" tanong ni Angelica. Sa totoo lang ay kinakabahan siya sa presensya nito ngayong malapit ito sa kanya.

Bumwelo muna si Anton bago muling nagsalita.

"Ok ka lang ba?" tanong nito.

"Ako ho?..." tanong ni Angelica. Napatango si Anton. "Ok naman ho ako." Sabi pa nito.

"I'm sorry." Sabi ni Anton. Kung kailangan niyang paulit-ulit na humingi ng sorry, gagawin niya para mapagaan ang pakiramdam nito.

Tipid na napangiti si Angelica.

"Ok lang ho... Hindi niyo kailangang humingi ng sorry sa akin. Ginusto ko naman hong maramdaman ito kaya kung may dapat sisihin, ako po iyon at wala ng iba pa." Sabi nito.

"Huwag sana tayong maging estranghero sa isa't-isa... Nasa iisang trabaho lang tayo at laging nagkakasama... hindi naman pwedeng lagi kang iiwas." Sabi ni Anton. Iyon kasi ang napapansin niya kay Angelica, umiiwas na ito sa kanya at kung may kailangan lang na patungkol sa trabaho siya nito lalapitan.

Umiwas nang tingin si Angelica. Napabuntong-hininga ito.

"Mas mabuti ng ganito Sir... Ako na ang naglalayo sa sarili ko sa inyo at iniisip na trabaho ang pinunta ko at hindi kung ano pa man." Sabi nito. Muling tumingin kay Anton. "Sorry po Sir kasi pati ang pakikitungo ko sa inyo ay naapektuhan dahil sa nararamdaman ko... pero huwag kayong mag-alala, ginagawa ko pa rin naman ng mahusay ang trabaho ko... iyon naman ho ang mahalaga." Sabi pa nito.

Napatango-tango si Anton. Sa totoo lang ay naaawa siya kay Angelica, nakikita niya rito ang sarili nung mga panahong nababaling ang damdamin ni Harold kay Gun at nawala siya bigla sa eksena. Iyon ang pinakamasakit na parte ng buhay niya.

"Naiintindihan ko." Sabi ni Anton.

"Salamat Sir." Sabi ni Angelica.

"Pero pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan di ba? Halos lahat naman ng kasamahan mo dito, tinuturing kong kaibigan na rin at hindi ka exception doon." Sabi ni Anton.

Tipid na napangiti si Angelica.

"Gustuhin ko man Sir pero sa pagkakataong ito... Hindi ko kayang maging kaibigan ka... mas mabuti na ho Sir na maging boss kita at maging isa lamang sa mga empleyado ang maging turingan natin sa isa't-isa... Sa tingin ko kasi, hindi magandang ideya na maging magkaibigan ho tayo ngayon gayong may nararamdaman po ako para sa inyo... baka mas lalo lamang mapalapit ang loob ko sa halip na tuluyang lumayo... umasa at sa huli, naising makasira at ayoko hong mangyari iyon." Sabi ni Angelica. Napabuntong-hininga.

#TBMG3: I CHOOSE YOU (M2M, ROMANCE, MELODRAMA) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon