EPISODE 14 (POSTED)

739 28 1
                                    


#TBMG3IChooseYou

EPISODE 14

Nasa labas na ngayon ng bar sila Chace, Henry, Gun, Anton at Harold. Bakas ang pagkainis sa mukha ng una dahil siya ang umaakay ngayon sa lasing na lasing na si Gun. Sa kanilang lima, ito ang may pinakamaraming nainom.

"O Paano... Ikaw na ang bahala kay Gun a." Sabi ni Henry saka ngumiti ng nakakaloko. Inis siyang tiningnan ni Chace.

"Ang daya mo... dapat tulong-tulong tayo sa kolokoy na 'to e." Sabi ni Chace saka inayos ng pagkakatayo si Gun na hindi na magawa kung mag-isa lamang ito. Nakapikit na ang mga mata at pulang-pula ang balat dahil sa kalasingan.

"Ikaw na lang kasi single ka naman." Mapang-asar na sabi ni Henry. Sinamaan siya nang tingin ni Chace. Si Harold at Anton naman ay napapangiti na lamang.

"Alam mo ba ang bahay niyan?" tanong pa ni Henry.

"Alam ko pero sa mansyon ko na lang siya dadalhin." Sabi ni Chace. Alam na kasi nito ang bahay nila Gun pero dahil gusto na rin niyang dumiretso ng mansyon, doon na lamang niya ito patutulugin.

"Sus! Mukhang may balak ka pa yata a." Nakakalokong sabi ni Henry.

"Gago!" sabi ni Chace. Dapat kasi naglasing na rin siya ng todo para hindi siya nahihirapan ng ganito dahil kay Gun na ang bigat-bigat ng katawan.

"Sasabay ka ba sa amin sa kotse?" tanong naman ni Harold kay Chace. Napatingin siya dito.

"Huwag na... Baka may puntahan pa kayo ni Anton." Sabi ni Chace saka tumingin din kay Anton.

"Wala naman... pero may sarili ka naman kasing kotse, alangan namang iwan mo dito." Sabi ni Harold.

Napatango-tango si Chace. Inayos nito ang braso ni Gun sa pagkakaakbay sa kanyang balikat. Napapalatak pa siya dahil sa hirap.

"O sige na at dalhin ko na ito sa kotse." Sabi ni Chace.

Napatango naman sila Henry, Harold at Anton. Kanya-kanya na silang punta sa kotseng dala na nakaparada sa parking lot.

- - - - - - - - - - - - - - - - - -- - -

"Hoo! Lintik ka pinahirapan mo na naman ako!" inis na sabi ni Chace nang maihiga na si Gun sa kama. Sa guest room niya ito dinala at hindi sa kwarto niya.

Nakatayo lamang si Chace sa gilid ng kama habang nakatingin sa tulog na tulog na si Gun. Halata ang kalasingan dahil sa pamumula ng balat.

Napabuntong-hininga si Chace.

"Hay!" sabi nito sa sarili.

Tinitigan ni Chace si Gun. Hindi niya maintindihan pero ngayong natitigan niya ito, aminado siyang ang gwapo nito sa paningin niya kahit na sobrang wasted ang itsura. Ang gulo kasi ng buhok saka ng suot nito.

Tinanggal ni Chace ang pagkakabutones ng first two buttons ng suot niyang polo dahil nakaramdam siya ng init. Nakainom rin naman kasi siya kaya nararamdaman niya ang epekto ng alak sa kanya.

Hindi na naman niya napigilang titigan si Gun. Pakiramdam niya, may nagtutulak sa kanya na gawin ang hindi dapat.

Napailing-iling siya. Mabuti na lamang at kontrolado niya pa ang sarili.

"Nababaliw ka na Chace." Sabi niya sa kanyang sarili.

Ang ginawa na lamang niya, bahagya siyang yumuko, tinanggal sa pagkakabutones ang unang tatlong butones ng polong kulay puti na suot nito para kahit papaano ay mabawasan ang init na nararamdaman nito. Sa kanilang lima kasi ay ito ang maraming nainom kaya tiyak na mas malakas ang tama ng alak dito.

#TBMG3: I CHOOSE YOU (M2M, ROMANCE, MELODRAMA) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon