Iniwan ni Federicko ang anak sa kanyang opisana upang um-attend ng meeting sa conference room. Nag-iwan s'ya ng mga candy and chocolates para malibang ito. Bago umalis ay binuksan n'ya ang TV at inilipat ang channel sa Cartoon Network, at pinagbilinan ang bata na huwag umalis o lumabas hanggang 'di s'ya bumabalik.
"Dad, come back right away, huh? Don't take too long, please." Masuyong sabi ng kanyang anak na si Pretty Lica. Sampung taong gulang na ito. Ang anak n'ya ang nagpapagaan ng kanyang pakiramdam sa sakit ng ulo sa trabaho.
Tumango at ngumiti s'ya.
"Yes, I will. But, promise me to be a good girl and stay here, okay? Daddy have to work." Hinalikan n'ya ito sa pisngi at saka na umalis.
Pagkalabas ng opisina ay parang binagsakan s'ya ng mga napakaraming problema sa sariling negosyo. Hindi n'ya alam kung bakit bigla nalang bumagsak ito. Misteryosong nauubos ang kanyang pera sa kanyang mga bank accounts. At ngayon sa meeting, kailangan na n'yang magdesisyon alang-alang sa kanyang pinaghirapan at ipinundar na negosyo sa napakaraming taon.
Pagkaupo niya sa upuan sa conference room, agad siyang sinalubong ng kanyang mga board members at shareholders. Alam na alam na niya ang kahihinatnan ng meeting na ito. Handa na siya. Wala na din siyang magagawa.
"Mr. Villamorales, we're afraid that this company can no longer survive."
"I'm sorry, but I want to get back all my shares here and might invest it to other companies instead. Bagsak na talaga ang kompanyang ito."
"Unfortunately, I am doing the same thing, Mr. Villamorales."
Bumuntung-hininga si Federicko. Hindi na mapipigilan pa ang lahat. Ang kinasapitan ng negosyo at ng buhay niya. Saglit niyang minasahe ang noo at sintido.
"Okay... do whatever your plans are. I've already decided also... just lately... to close down the company right away." Walang tutol niyang wika sa mga kasama niya sa kwarto. "I'm planning to sell it, too." Huminga siya ng malalim. "Well then, that's all from now on, the meeting is adjourned." at agad namang nagsitayuan ang lahat maliban sa kanya. Ang iba'y nagpaalam pa at ang iba nama'y deri-deritsong lumabas. Ang iilan ay kinamayan siya bago umalis.
Lumapit sa kanya si Mr. Jun Cuangco sa kanya, ang pinakamalapit at pinakamatalik niyang kaibigan noon pa man. "Ikinalulungkot ko, Federicko, ang nangyaring ito. Hindi ko alam kung bakit biglang nalugi at bumagsak ang negosyo mo... ang negosyo natin."
"Hindi ko rin alam, Jun." tangi nalang niyang nasabi sa kaibigan. Napahawak siya sa kanyang noo.
"May hinala akong..." sambit nito.
Bago pa man matapos nito ang sasabihin ay pinutol na niya ito. Nahuli niya agad ang ibig nitong sabihin. "Pareho tayo ng iniisip ngayon. Simula noong nakaraang buwan ay pinaimbestigahan ko na ang unti-unting pagkalugi ng kompanya at pagkakanakaw ng pera sa aking mga bank accounts pati na ang sa kompanya. Nagpapasalamat pa rin ako't may natira pa kahit kunti. But, I made sure he can't touch the wealth I am leaving for my daughter."
"You have any lead of information?"
Lumapit siya sa floor to ceiling window glass ng opisina. Minasdan niya ang kabuuan ng syudad mula sa itaas.
"Oo," nagtiim-bagang siya. "at isa lang ang taong may pakana ng lahat. Isang traydor, ahas, at pangahas!" galit na galit niyang pahayag. "I need sufficient evidences before I'll totally get back at him. Kunting panahon na lang."
"No comment muna ako, kaibigan. But just remember, I am your friend and you can call me anytime whenever you need my help. I'll be on your back."
Isang panata ng isang kaibigan. Wala siyang duda doon. Through think and thin, pati sa mga kalokohan, kasama niya ito. Marahil ay pampalubag-loob na din ang sinabi nito para kanya.
BINABASA MO ANG
STONEHEART
RomanceBeautiful. Elegant. Gorgeous. Charming. Mysterious. That is Stoneheart. Her past darkened her. Cold to everyone, she shut her own heart and build walls around it so no one can break through. But no matter how she kept it tightly closed, she's just a...