Inilapag ni Pretty Lica ang larawan ng kanyang mga magulang sa ibabaw ng kanyang tokador. Ang alaala ng nakaraan ang dahilan kung bakit nasa Amerika s'ya ngayon sa loob ng napakaraming taon. Nag-aral at nagtapos sa kanyang kurso. Sumikat s'ya sa kanyang katalinuhan at kakayahan sa banyagang lugar na ito. Nasali siya sa "Great Minds of NY" na talaan ng magagaling at di mapaparisang angking katalinuhan at galing sa iba't ibang aspeto. Ngunit, wala siyang pakialam sa lahat ng mga ito at anumang papuri. Namumuhay s'ya sa bansang ito na puno ng hinanakit, galit, at poot sa dibdib mula sa nakaraan. Wala s'yang interes sa socialization. Ayaw n'yang makisalimuha sa mga tao o makipagkaibigan. Namuhay s'yang mag-isa at walang kasama sa kanyang condominium kundi ang aso niya na si Sebastiannie.
Lumapit ang aso sa kanya na nag-waggle-waggle ng buntot. Kumahol ito bilang bati sa kanya. Masaya na s'yang makita ito. Gusto nitong makipaglaro ngunit wala s'yang gana. Gusto lang n'yang mahiga.
Nabaling ang kanyang paningin sa isang larawan sa dingding. Isang ahas na nakabuka ang bibig at sa pagkain nito na walang malay sa mangyayari. Ipinikit niya ang mga mata at muling nagbalik ang kanyang diwa sa mga nangyari walong taon na ang nakararaan.
Alas onse pasado noon nang dumating ang grupo ni Melchor na armado ng mahahabang baril. Gaya ng inaasahan, unang hinanap nito si Pretty Lica. Ngunit mga katulong lang na takot na takot ang nadatnan nila sa loob ng bahay.
"Kailangang mahanap ang pamilya ni Federicko." galit na galit ito. "Halughugin ang buong bahay."
Lahat at sampu ng kasamahan nito ay kumilos na. Ngunit, wala roon si Sebastian. Hindi iyon napansin ng grupo. Desperado na si Melchor na tapusin ang lahat.
Ilang minutong naghanap ang grupo pero wala silang nakita ni anino ng pamilya. Galit na galit si Melchor at pinagbabaril ang mga kasangkapan sa loob ng bahay. Nagsigawan ang mga katulong sa takot. Sa awa ng Diyos, hindi nito napagbuntungan ng galit ang mga ito. Walang ginalaw isa man sa kanila.
"May traydoooor!" sigaw ni Melchor na nanlilisik ang mga mata. "Sino ang nang-ahas sa akin? Sino?!" buong lakas nitong sigaw.
Walang sumagot.
"Ano?! 'Di kayo magsasalita? Papatayin ko kayong lahat!"
Nagtinginan ang mga kasamahan ni Melchor. Isa sa mga tauhan niya ang naglakas ng loob na magsalita.
"B-Bosing, baka si S-Sebastian. Wala ho siya rito. 'Di ho siya sumama. Hindi rin ho nagpapakita nitong mga nakaraang mga araw."
Tiim-bagang na tinitigan at dinaklot ni Melchor ang magkabila nitong kuwelyo.
"B-Baka lang ho..." takot na sagot nito
"Hindi traydor si Sebastian!" pagtatanggol pa ni Melchor sa pinakabatang kasamahan na pinagkakatiwalaan niya ng lubos. "Hindi n'ya ito magagawa. Porke ba wala s'ya rito?"
Nanginginig sa takot ang tauhan niya.
"'Wag na 'wag niyong pagbibintangan si Sebastian ng walang basehan!" patapon niya itong pinakawalan.
Mabilis ang takbo ng kotseng lulan nina Pretty Lica at ng kanyang mga magulang. Pinatakas sila ng isang binatang nagpakilalang si Sebastian. Bago pa man dumating si Melchor at mga tauhan nito sa bahay ay nakalayo na sila. Sinabihan sila nito tungkol sa planong pagpatay sa kanilang lahat at pinatakas sila. At hanggang ngayon ay nangangatog pa rin ang kanyang mga tuhod sa sobrang takot.
Sa kasamaang-palad, nasundan sila ng grupo ni Melchor. Pinalipad ng ama niya ang kotse sa sobrang bilis. Didiretso sila papuntang airport upang ihatid siya doon. Naghihintay ang kanyang Tito Jun doon para tulungan ang mga magulang niyang itakas at ilayo siya sa mga kamay ni Melchor. Walang bakas na iiwan sa kanyang pag-alis upang 'di siya masundan ng ahas at hayop na ito.
BINABASA MO ANG
STONEHEART
RomanceBeautiful. Elegant. Gorgeous. Charming. Mysterious. That is Stoneheart. Her past darkened her. Cold to everyone, she shut her own heart and build walls around it so no one can break through. But no matter how she kept it tightly closed, she's just a...