Nabigla si Pretty Lica nang may kumatok sa pintuan ng kanyang condo. Naputol tuloy ang paggunita n'ya sa nakaraan. Tamad n'yang ibinangon ang sariling katawan at sinilip sa maliit na glass hole ang nasa labas. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo. Binuksan n'ya iyon. Nakangiti itong bumungad sa kanyang harapan.
"Hi!" masaya nitong bati at akmang hahalik sa kanya. Iniwas n'ya ang mukha mula rito. Binaliwala lang nito ang ginawa n'ya. "Wanna go out? You've been staying here for ages." simula nito. Alam nitong 'di s'ya basta-basta magsasalita. Swerte na lang kung may marinig mula sa kanyang bibig. "Come with me at the Judo Club of yours."
Napatitig s'ya rito. Matangos ang ilong nito, mapang-akit na mga mata at may pilik-matang mahaba at nakakurba, at mamula-mulang pisngi. Napansin n'yang bagong shave ang bigote't balbas nito. Kahit di n'ya aminin, guwapo at sadya itong matikas.
"Come on. Please..." pakiusap nito. "Just this day, Lica. Please, please, please." pangungulit pa nito. Tiningnan lang niya ito at tumalikod pagkatapos. "'Pag 'di ka pumayag, kakargahin talaga kita." akma na s'ya nitong hahawakan. "O, ano?"
Di n'ya alam kung matatawa s'ya o maiinis pero mapipilitan siyang gamitin ang boses na matagal na n'yang di ginagamit.
"Sebastian, I want to rest." Matamlay niyang angal with her cold, cold eyes glaring at him.
Ngumiti ito.
"Rest? But you've been resting here everyday." kumunot ang noo nito. "Please, just this day. Pagbigyan mo na ako. Please..." nagdrama ito na parang maiiyak. Lumuhod pa.
Nau-OA-han siya rito.
"You're annoying. I don't wanna go." Matigas niyang wika.
"Just this day. I have something to tell you. So, please..." pinagdahop pa nito ang dalawang palad.
Napabuntong-hininga siya. Pinapasok n'ya na lamang ito. Masayang-masaya ang gago. Alam na nito na pumapayag siya.
Mula noong mag-sixteen s'ya ay nagtapat na ito ng pag-ibig sa kanya. Binalewala n'ya iyon dahil noong mga panahong iyon ay hindi pa s'ya lubusang nagtitiwala rito. May kung anong galit at inis s'yang nararamdaman sa kadahilanang kasamahan ito ni Melchor. Ngunit, 'di kalaunan ay nakuha din nito ang kanyang loob. Napagtanto rin niya na ito ang tumulong sa kanila noon upang makatakas kaya hinahayaan n'ya lang itong lumalapit sa kanya dahil sa utang na loob. Wala rin naman s'yang pakialam rito.
Sabay silang nag-aral noon. Siya ay nasa high school at nasa college naman ito kaya una itong nagtapos ng pag-aaral. May sarili na itong sasakyan at bahay sa tulong ni Tito Jun. Kinupkop ito ng kanyang Tito at itinuring na parang tunay na anak dahil wala naman itong anak.
"Lica..." simula ni Sebastian nang nasa kotse na sila. Tumingin s'ya rito. "from now on, c-can I just call you... Honey?"
Wala s'yang ginawang reaksyon at hindi kumibo. Honey, huh? Ibinaling n'ya ang paningin sa labas. "Whatever... I don't care." sabi n'ya sa sarili.
"Please, say something..." hinawakan nito ang kanyang kamay na bahagya n'yang ikinabigla. Naramdaman niyang animo'y may enerhiyang dumaloy mula sa kamay nito patungo sa kanyang buong katawan. Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay. "Can we have a normal conversation... just this day?" pakiusap nito habang tinititigan s'ya. Nangungusap ang mga mata nito. "I'm asking you just this day."
Kinuha n'ya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Tinitigan din n'ya ito ng matagal. Titig na mahirap basahin kung ano ang nilalaman ng mga ito. Her eyes were just empty and cold.
"Just to remind you, I came with you 'cause you said, you have something to tell me." kalmado at malamig n'yang sabi. Masaya ang naging reaksyon ng lalake sa pagsasalita n'ya ngunit muli nitong ibinalik ang dating malungkot na ekspresyon. Tumahimik at nag-isip.
BINABASA MO ANG
STONEHEART
RomanceBeautiful. Elegant. Gorgeous. Charming. Mysterious. That is Stoneheart. Her past darkened her. Cold to everyone, she shut her own heart and build walls around it so no one can break through. But no matter how she kept it tightly closed, she's just a...