Ako si Cham, high school palang isa na akong k-popper dahil narin sa influence ng mga k-popper kung classmates na naging kaibigan ko rin.
Super Junior sila ang ng introduce saakin sa k-pop, Bonamana ang kantang una kong minahal nasundan yun ng No Other na ng tagal ng 15 weeks sa #1 spot sa daily top 10 ng MYX Philippines. Ang nakakatawa pa dun, naging theme song namin ng boyfriend ko ang No Other. Hahaha nagulat ako na ang mismong boyfriend ko pa ang nag suggest ng theme song namin. Ang sweet nya diba? Hindi sya into k-pop pero dahil mahal nya ako, pumili sya ng kpop song for our theme song. ^_^Hanggang ng debut ang EXO at minahal ko sila. Hindi ko sila na subaybayan bilang mga trainee ng SM Ent. Pero nagustuhan ko ang kanta nilang GROWL. Una kung napansin si Luhan dahil sa buhok nya, sa dami ng members nahirapan akong e memorize silang lahat at ang natatandaan ko lang ay si Luhan,Sehun,Chanyeol at Kris. Hanggang sa isa isa ko na silang nakilala.
Isang gabi, hindi ako makatulog kaya ng fefacebook lang ako nang biglang dumaan sa newsfeeds ko ang page ni Jungkook BTS maknae. Na curious ako bigla kaya inopen ko, ang cute nya at the same time ang gwapo. Nag pasya akong e search sa youtube ang mga songs nila, ang unang lumabas ay yung BOY IN LUV kaya agad kong clinick. Ng mag play ang MV, agad akong na mangha sa kanta lalo na doon sa part nila jin jungkook at jimin nong ng bigay ng flower si Jungkook doon sa babae, masyado akong nag selos sa girl, sana ako nalang sya. Buong gabi kong pina nood ang mga videos nila pati yung Rookie king kaya madali ko silang na memorize although nalilito ako minsan kay Suga at Jimin. Pero di nag laon na kabisado ko na sila lahat.
Gumuho ang mundo ko ng mawala si Kris sa EXO at nasundan yun ni Luhan masyado akong broken nun kaya nag pasya akong wag muna masyadong manonood ng mga videos nila kasi masakit talaga saakin dahil Bias ko si Kris. Lahat kasi ng variety shows nila naiiyak ako kasi nakikita kung kulang sila, kaya na focus ako BTS, hindi ko namalayan ng matagal ko na pala silang sinusubaybayan at mas lalo ko silang minahal una una kong naging bias ay si Jungkook kasi pareho kami 1997. At dahil narin sa napakaganda nyang boses isa nga talaga syang Golden Maknae. Hanggang sa dumating ang MAMA 2014 at masyadong nagwala ang hormones ko nang mag strip si Jimin. My gosh! My innocent eyes ^_^. Hahaha. Doon ko nasimulang mahalin si Jimin dahil sa yummy abs nya.hahaha ayun lipat ng bias na naman ako, tapos ng marinig ko ang Cypher pt.2 ng rapper line, boom! Ang part ni suga talaga grabe! Pak na pak ganern! Si Suga ang naging Bias ko sa rapper line.
Hindi buo ang araw ko ng hindi ako nanonood ng bts videos kahit paulit ulit na hindi parin ako ng sasawa. Salamat sa BTS naka move on ako sa pag alis ni Kris, Luhan at Tao. At ang mas maganda pa doon, mas sinuportahan ko pa sila pati narin ang EXO. Every comeback nila pinapanood ko parin. Naging isa ako sa mga fans na multifandom. Pero mas feel ko talaga ang pagiging ARMY ko.
Isa ang BTS sa inspirasyon ko saaking pag aaral dahil gustong gusto ko silang makita sa personal at pumunta ng Korea o kahit makapunta lang sa kanilang concerts dito sa Pilipinas. Masyadong mahirap ang sitwasyon ko kasi pag nag coconcert ang BTS sa Pilipinas hindi ako nakakapunta kasi i'm not from Manila nasa Mindanao kasi kami nakatira at napakasakit yun sa iyang Kpop fan. 2 concert na akong team bahay palagi. Salamag sa youtube kasi napapanood ko sila doon. Naiiyak ako sa tuwing pina panood ko ang performance nila sa concerts palagi kong hinihiling na sana andon ako.
Bilang ARMY I'm proud to watch BTS grow. Nagsimula sila sa mga mini concerts hanggang nagkaroon na sila ng tour. Kaya na inspire ako at mas lalong pinag butihan ang pag-aaral ko, hanggang sa maka graduate ako sa kursong BS MED.TECH at naging isang RMT(Registered Medical Technologist). At naka hanap ng trabaho sa Manila bilang isang Med.Tech.

BINABASA MO ANG
Meeting My Idols
Fiksi PenggemarThis story is about a filipina girl who loves BTS. Her dream is to meet them someday so she study hard in order to reach her dream to come to korea or just attend one of their concert in the Philippines.