Chapter One

279 3 0
                                    

Hello guys, actually pangatlong kwento na to na naisulat ko, pero unsuccessful po yung dalawang nauna. At ngayon, susubukan ko lang uli, para malaman kung may talent ba talaga ako sa pagsulat o wala. 😂

Sana po suportahan niyo! Salamat!

------------------------------

ARCHAN's POV

Ito na yung araw na pinaka hinihintay ng lahat - ang araw ng kasal namin ni Crisselda De Marco. Ang babaing inialay ang lahat, at handang mamatay para lamang makuha ang aking puso.

Pero hindi ko siya mahal.

Kahit kailan ay hindi ko magagawang dayain ang sarili kong damdamin kapalit ng kayamanan ng kaniyang pamilya.

Ako si Archandrey Hanson, ang nag-iisang tagapagmana ng Hanson Marketing Corporation. Isa sa pinakamalaking korporasyon sa bansa - at pumapangalawa sa De Marco Group of Companies.

Marami ang umaasang sa pag-iisang dibdib namin ni Crisselda lalo pang lalakas ang financial capacity at ability ng dalawang malalaking company. Nakaabang ang buong mundo, at maging ang libo-libong taong umaasang magiging parang eksena sa isang fairy tale ang lahat.

Pero mali sila.

Hindi kakayanin ng sikmura ko na sa oras na matapos ang kasal ay si Crisselda lang ang masaya. At ako, matatali sa tila sumpang bunga ng kapusukan ng aming mga magulang sa kayamanan at kapangyarihan.

"Pare, mag-iingat ka. Hindi biro ang iniisip mo," si Andrey, and Best man ko sa kasal, at matalik kong kaibigan.

"Nakahanda na ako. Alam kong malaking kahihiyan ito para sa pamilya namin pero ito lang ang paraan para magising si papa sa katotohanan," sagot ko.

Tinapik niya ako sa balikat. "Suportado kita. Basta tumawag ka lang kapag kailangan mo ng tulong."

"Sige pare, salamat."

Matapos ang maikling pag-uusap naming iyon ay nakita kong dumating ang bridal car sa harap ng simbahan.

Umugong ang mahinang bulungan sa loob, hanggang sa unti-unting bumukas ang pintuan ng kulay puting limousine at iniluwa si Crisselda.

Isang magandang babae, na nakasuot ng isang Zahana Mendez wedding gown. Sa likuran niya ay nakaalalay ang dalawang maid upang sikaping ilatag ang malapad na laylayan ng kaniyang trahe.

I uttered a smile. Alam kong kasiyahan ang tanging nadarama ni Crisselda, but everything must come to an end.

Gusto kong ako yung maging susi para magising silang lahat mula sa isang malaking kahibangan. Hindi ako nabubuhay upang kalimutan ang aking kasiyahan kapalit ng karangyaan.

"Archandrey Hanson, will you love Crisselda de Marco, comfort her, honour, and keep her, in sickness and in health; and, forsaking all other, keep thee only unto her, so long as you both shall live?"

Mahabang katahimikan ang unti-unting bumalot sa kabuuhan ng simbahan. Naghihintay silang lahat ng sagot mula sa akin.

Napatingin sa akin si Crisselda. Magkahalong takot at pagsusumamo ang nasa mga mata niya.

Tumingin ako kay father. Pumikit ako, at sa muli kong pagmulat, ibinuka ko ang aking bibig upang sumagot...

"I am sorry father..." tumingin ako kay Crisselda, "I'm sorry Crisselda.." saka ako tumalikod at naglakad palayo.

Nagkagulo sa buong simbahan. Narinig kung sumigaw si papa para ipahabol ako sa mga guwardiya, kaya mabilis akong tumakbo.

Hindi na ako lumingon pabalik. Wala akong ibang hangad kundi ang makalaya sa kanila.

Ako si Archandrey Hanson, ang suwail na anak ni Edward Hanson at ni Graciella Hanson.

😂😂😂

----------

ADA's POV

Malinaw na sa akin ang lahat, hindi talaga minahal ni Archan si Crisselda.

Nakakaawang babae. Kung ako siguro yun dideretso na ako sa kampanaryo ng simbahan upang tumalon.

Sikat sila ngayon sa lahat ng balita sa radyo, sa TV, sa diaryo, at maging sa social media. Gulat na gulat ang buong Pilipinas, at hindi ko na ipagtataka kung bukas ay headline din sila ng New York Times.

Now playing: Runaway by The Corrs

Nakakalungkot ding isipin na doon lang magtatapos ang love story na inabangan ko rin ng halos limang taon.

Aaminin ko - crush ko si Archan.

Pero, hindi pwedeng mag-krus ang landas namin dahil mortal na kaaway ni Daddy si Edward Hanson.

Actually, magkapantay lang sa competition ang Hanson Marketing Corporation at ang Costa Novo Industries - ang company namin. At hindi ito matanggap ni Edward Hanson. Pasalamat siya dahil sobra akong humahanga sa anak niya kaya hindi ko magawang makisawsaw sa away nila.

Ako si Miranda Lopez, bunsong anak ni Arthur Lopez at ni Sansa Lopez. 20 years old, at isang hindi sikat na writer at photographer.

Gaya ni Archan Hanson, nakabilanggo din ako sa batas ng mga magulang ko. Pilit nilang itinatago sa mga tao kung sino kami, at kung anong klaseng personalidad meron kami.

Hindi ko sila masisisi dahil minsan na akong nabiktima ng mga kidnapper nung 7 years old ako.

Sayang din yung 86 million na nawala para lang matubos ako. Kaya naman kahit sakal na sakal na ako sa sobrang higpit ni daddy. Hindi ko magawang tumakas.

Saludo ako kay Archan Hanson.

Mula sa kinaroroonan ng kotse ko ay tanaw na tanaw ang simbahan kung saan kasalukuyang nagkakagulo ang mga tao. Medyo malayo pero dinig na dinig ang kaguluhan. Nagkalat ang media, at sobrang dami ng taong nakikiusyoso.

"Hindi pa ba tayo aalis? Baka mahalata na tayo ng mga guwardiya ni papa. Malapit na sila sa pwesto natin!" - si Archan.

Nasa backseat siya ng kotse ko.

------------------------------

Guy's support naman please, Feel free to post your comments, and suggestion kung meron.
Iko-consider ko po ng buong-puso.

Salamat 😁

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon