Chapter Three

88 3 0
                                    

ARCHAN's POV

Halos isang oras din kaming nanatili ni Ada sa gitna ng bukirin na iyon. We shared stories, we laughed, and we cursed at the wind – telling the Earth how much we hate our being in the so-called first class society, forced to forget about freedom.

Pagkatapos ay nilisan na namin ang lugar upang maghanap ng makakainan. Nakakita kami ng maliit na karinderya sa tabi ng highway at doon tumuloy. Kahit hindi kami sanay kumain sa ganoong klaseng lugar ay sinubukan parin naming maging komportable.

Pritong galunggong, ginataang gabi, at dalawang tasang kanin – nobody had ever told me that these foods are great!

"Sana noon ko pa sinubukang kumain sa ganito." Natutuwang sabi ni Ada habang puno pa ng pagkain ang kaniyang bibig. "It feels good, wala kang sinusunod na table manners, at okay lang kahit mag-kamay!"

Natawa ako.

"Enjoy it while it lasts. Sooner or later kailangan mo nang bumalik sa reality."

Napasimangot siya. "What if, tayo pala ang wala sa reality? Matagal tayong walang alam kung paano mabuhay ng simple, dahil ipinanganak tayong nalulunod sa pera."

"I agree." Napaisip ako. "Maaari, pero may kaniya-kaniya tayong kapalaran. May mga bagay na akala mong ordinaryo lang para sa'yo, pero katumbas pala ng buhay ng iba."

"You can say that again."

Ilang sandali pa ay natapos na kami sa pagkain, nanatili muna kami sa aming kinauupuan habang abala ang mga tauhan sa karinderya sa pagliligpit ng kinainan. Sa isang sulok ay may maliit na TV, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla kaming nagulat sa mga balita.

Limang milyong piso ang inilaang pabuya ni Arthur Lopez sa kung sinomang makapagtuturo ng kinaroroonan namin ni Miranda.

Nagtangkang magpakamatay si Crisselda de Marco sanhi ng kahihiyang idinulot ng kaniyang nabigong pakikipag-isang-dibdib, habang pinaplano na ng kaniyang amang si Ricardo de Marco ang pagsasampa ng kaso laban sa akin.

Hindi makapaniwala si Miranda sa napanood.

"Bakit kailangang gawin ni daddy iyon? He even provided my plate number! What the heck is wrong with them?" Bulalas niya habang sapo ang kaniyang noo.

"I'm sorry Miranda. Kung hindi dahil sa'kin hindi ka masasangkot sa gulo."

I'm guilty.

Napatingin sa akin si Miranda, at sa mga tao sa karinderya. Nakita kong dumilim bigla ang anyo ng kaniyang mukha pagkatapos ay bigla siyang tumayo.

"Kailangan na nating umalis Archan. Hindi natin mapagkakatiwalaan ang mga tao dito," mahina niyang sabi.

Itinapon ko rin ang aking tingin sa paligid. Marami ang lihim na sumusulyap sa amin. And, some of them are dialling on their phones.

For hell's sake. "Let's go!" Dali-dali kong tugon kay Miranda.

I sensed danger.

"Sir, bakit hindi po muna kayo magpahinga pa ng kahit ilang saglit. Ipagtitimpla ko po kayo ng kape." Sabi ng lalaking may-ari ng karinderya, habang nakangiti na parang may mas malalim na kahulugan.

Nagdilim ang paningin ko at mabilis ko siyang sinuntok sa mukha. Alam kong nagsumbong na siya sa mga pulis – para lang sa limang milyong pabuya!

Agad akong hinila ni Miranda at pinapasok sa kotse.

Hindi nga kami nagkamali dahil ilang saglit lang ay narinig na namin ang sirena ng mga pulis.

"They're coming on both directions!" galit na sabi ni Miranda. "Kumapit ka Archan!"

Muling humagibis ang sasakyan niya patungo sa maluwang na kabukiran.

"For god's sake! Where are we heading?" Takot at kaba ang nararamdaman ko habang tumatalon ang kotse sa mga pilapil at lubak.

This woman is a daredevil!

I can't help but shout like hell, as we journey the wide and friendly rice fields – under the laughing moon.

***

ADA's POV

I have to confess.

I'm beginning to like Archandrey more than the way I ever did.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumawa ng malakas habang nagmamakaawa siyang ihinto ko saglit ang sasakyan.

"Tanga ka ba? Kapag huminto tayo hindi na tayo makakaalis dito kahit kailan. Kailangan nating bilisan pa ng husto para magawa nating lampasan ang mga pilapil at tubigan. The speed is what makes us overcome the shits!"

"Hanggang kailan?" Pawis na pawis siya. Kahit naka-full ang aircon.

"Hanggang sa makakita tayo ng daan palabas. We're stuck!"

"Holy shit!"

Actually, hindi ko na talaga alam kung saan kami papunta. There must be a road somewhere. Pero, habang tumatagal parang lalong lumalawak ang palayan na binabagtas namin.

Hanggang sa bigla nalang huminto ang sasakyan.

For hell!

"Samat naman!" Narinig kong reaksiyon ni Archan.

Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Arrayyy!"

"Bakit ka nagpapasalamat?"

He smiled. "Because, finally naawa ka rin sa akin."

"Siraulo! Wala na tayong gasolina!"

------------------------------

Please don't forget your comments po! Pakunswelo niyo na sa akin, hehe 😁

Paki-vote narin, para malaman ko kung itutuloy ko pa o awat na.

Salamat :)

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon