Chapter Four

100 3 0
                                    

ADA's POV

For some reason, I felt happiness. Behind the fact that I am literally in the middle of nowhere, a part of me doesn't care.

There was hope, waiting for realization.

"Now what?" Kunot-noong tanong sakin ni Archan habang naglalakad kami palayo sa kinatirikan ng kotse.

Goodbye my beloved car.

"Let's keep on walking," sabi ko habang pilit na binabalanse ang paglalakad sa makitid na pilapil. "Sa sobrang dami ng palay na nasagasaan natin, baka mapatay tayo ng may-ari kapag nag-stay tayo sa kotse."

"I understand."

Tulad ko, hirap na hirap din siya sa paglalakad sa pilapil. Nakakaawa. Puzzled tuloy ako kung sooner or later baka maisipan na rin niyang sumuko sa papa niya.

And, forget us.

As if we have an us!

2:45 am

Nauuna siya sa paglalakad. At ako – I am secretly enjoying the moment.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa tinig na nag-aalala.

"Oo, okay lang ako." Sagot ko in a comfortable tone.

Very optimistic ang ate niyo!

"Salamat naman."

Paminsan-minsan ay humihinto siya upang i-confirm kung okay nga ako. Napapangiti ako. He's being a gentleman even if he's in a bad time.

Sa hindi kalayuan ay unti-unti kaming nakatanaw ng maliit na ilaw. At anino ng isang bahay-kubo. Nabuhayan ako ng loob pero at the same time ay natatakot.

What if, bahay pala iyon ng caretaker ng palayan?

Pero, nanaig parin sa akin ang kagustuhang makapag-pahinga, kahit saglit. Bukod sa puno na ng putik ang sapatos ko, sobrang kati narin ng mga binti ko dahil sa mga ligaw na damo at dahon ng palay.

Nasa bakuran na kami ng kubo nang bigla kaming tahulan ng aso. Malakas at nakakabingi.

Sa sobrang takot ko ay dali-dali akong kumapit kay Archan.

"Archan takot ako sa aso! Balik na lang tayo sa bukid," tila pagmamakaawa ko.

"No, huwag kang matakot, sigurado akong nakatali ang aso, dahil kung hindi, kanina pa dapat tayo hinabol."

I felt relieved. Pero bigla akong nakaramdam ng hiya kasi nakayakap na pala ako sa likuran ni Archan.

"S-sorry!" bigla kong hingi ng paumanhin. Bumitaw ako.

Hindi ko alam kung anong reaction niya. Madilim kasi kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. Hanggang sa narinig naming bumukas ang pinto ng kubo.

Lumabas ang isang matandang lalaki na may dalang gasera.

"Sino kayo?" seryoso nitong tanong.

"Ah eh magandang umaga po." Bungad ni Archan, "naaksidente po kami, nawalan po kasi ng preno iyong kotseng sinasakyan namin at dumiretso po kami sa palayan."

Matagal na nag-isip ang matanda. Pagkuwa'y ipinatong nito ang lampara sa papag na kawayan, sa terasa ng kubo.

"Sa pagkakaalam ko ay sobrang layo ng kalsada mula rito. Paano kayo nakarating dito? Nasaan na ang kotse niyo?"

Napakamot ng ulo si Archan.

"Dire-diretso po kasi ang takbo ng kotse kaya sobrang layo po ng nilakbay namin bago ito mawalan ng gasolina."

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon