Chapter Two

119 2 0
                                    

ARCHAN's POV

Ginawa ko ang lahat para makalayo sa mga humahabol sa akin. Hindi ko na inisip kung saan ako pwedeng mapadpad basta ang importante ay mailayo ko ang aking sarili sa mga tauhan ni papa. Sigurado akong ikapapahamak ko ng husto kapag naabutan pa nila ako.

I was chased like a precious criminal.

Sa sobrang laki ng property ng simbahan, natagalan ako bago tuluyang makalabas sa compound nito, hanggang sa makita ko ang isang kulay pulang Honda Accord sa di kalayuan. Nasa labas ang babaeng may-ari nito habang nakabukas ng bahagya ang kotse. Nakatalikod habang may kausap sa cellphone.

Labag man sa kalooban ko ay agad akong lumapit sa sasakyan. Binalak kong kunin ito at gamitin para sa aking pagtakas, subalit nang malapit na ako ay siya namang pagbaba ng babae sa kaniyang cellphone at humarap sa akin – at nasorpresa ako, when I discovered who she is.

Si Miranda Lopez.

Natawa ako.

Ngumiti siya.

"What are you doing here?" tanong ko na sobrang nahihiwagaan.

Napailing siya.

"Am I not welcome to attend your wedding?" sagot niya.

"Don't be ridiculous. Alam kong may dahilan kung bakit nandito ka."

Yumuko siya, nag-isip saglit, bago muling tumingin sa akin.

"Kung aamin ako, maniniwala ka ba?"

Nakangiti parin siya na parang wala siyang pakialam sa mga nangyayari, at lalo kong ikinainis iyon.

"Wala akong oras para makipaglokohan sayo. Kung nandito ka dahil inutusan ka ni Arthur Lopez para manmanan kami, I hope you're getting what you want."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Disperado ka na ba? Wala akong pakialam sa away ng pamilya natin. I'm not even interested to get involved. To tell you the truth, I'm just being here to see your wedding. Kahit alam kong hindi ako pwedeng pumasok sa loob."

Lumapit siya, wearing her mysterious smile again –

"I am here to witness the dawn of your happy days."

Natawa uli ako. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya – she's here to witness the dawn of what?

My happy days!

Alam niyang hindi ako masaya kay Crisselda?

Umismid ako.

"Why the heck do you care? It's not your business! See, I need your car now. I have to get out of here as soon as I can. Huwag kang mag-alala dahil babayaran din kita. Doble pa kung gusto mo!"

Nagulat siya nang bigla kong buksan ang kaniyang kotse para sumakay. Pero hinayaan lang niya ako, at saka siya tumawa ng malakas.

Until I found out na wala pala sa loob ng sasakyan ang susi.

"How can you drive a car without the key?" tanong niyang nakakainsulto.

Grrr...

"Give me the key!" sigaw ko.

"Hindi ako baliw para gawin ang sinasabi mo. That's my fucking car!" sigaw din niya.

Naging halimaw siyang bigla.

Agad akong kumalma. Tanaw kong nakapalibot na sa amin ang mga tauhan ni papa.

"Please..." puno ng pagsuko kong pakiusap sa kaniya.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon