*Author's Note: Only the first two chapters are written in English-Tagalog. The rest ot the chapters will be written in English unless otherwise specified. Enjoy reading!*
I feel hopeless.
I fell in love before-once, twice thrice..I dunno. I have long forgotten the feeling. Because everytime I think about it, nothing happens. Really. Nothing happens to me. Excitement or pain....there is none. Sometimes, I tell myself I'd rather experience the pain than nothing at all. But nothing.
Am I just naive?
Sa dami-dami ng tao sa mundo, sabi nila, meron daw taong natatangi sayo. Maghintay ka lang. Pero hanggang kailan? Sabi nila huwag mo na nga daw hintayin. Darating din yan. Kapag naghintay ka, lalong hindi daw darating. Pero alam mo sa sarili mo, kahit ganun ang sinasabi nila, naghihintay ka pa rin. In denial nga lang. Patago, iniisip mo pa rin, "Siya na nga ba?"
Siya na nga ba ang hinihintay ko?
Malamang nagkasalisi nanaman kami ni Cupid. O kaya naligaw siya. Hindi pa naman kami nagpapalit ng address.
I sat back and thought for a while. Matagal-tagal na rin akong hindi nagsusulat. Sa totoo lang, hindi ko na nga alam ang isusulat ko eh. Romance? Thriller? Suspense? O Historical na lang kaya? Hahaha! Natawa ako. I was still young when I started writing. Na-inspire ako dahil sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko na nagsabing maganda daw yung mga sinusulat ko. Dedicated talaga ako dati. Wala pa kasi kaming Internet noon. Walang Facebook, Twitter, Tumblr at kung ano pa man. Eh ano ang magagawa mo sa computer? Ayun! Edi tambayan ko ang Microsoft Word! Ay, isa pa pala! Kung alam mo yung Korean drama na Full House, na-inspire din ako dun sa leading lady na writer din. Medyo hawig kami eh. Unfortunately, hindi nga lang sa mukha. Sa ugali. Matakaw, palabiro at isang wannabe-writer. Masiyahin siya, pero may mga oras na hindi mo akalaing malungkutin din siya. Na marami siyang iniisip.
Minsan, akala ng mga tao may love life ako. Medyo mukha naman kasi eh. Sa pagtili ko ba naman kapag andiyan ang crush ko. Mga crush ko. O siguro dahil sa hitsura ko. Na-intriga ka na noh? O sige, I will describe myself. Average beauty lang ako. Medyo may pagka fashionista lang. May katangkaran (kaya mahirap humanap ng boys), medyo maputi at medyo mahaba ang legs. Konting ayos lang, okay na.
Ayan. Back to the topic.
Hay. Pag-ibig nga naman. Pagbukas mo palang ng Facebook, halos 95% ng mga status tungkol sa pag-ibig. O kaya naman, kung ano ang kinakain nila, kung nasaan sila o mga reklamo nila sa buhay nila. Napapa-isip tuloy ako kung ako nalang ang walang love life. Gusto ko man magbigay ng love advice sa kaklase kong bigo sa pag-ibig (at least may lovelife siya), eh wala rin eh. Mas bigo ako sa kanya. Dahil ako, wala. Walang wala. Kaya hindi rin ako makarelate sa sakit na sinasabi nila dahil sa pag-ibig.
Dahil matagal ko na kinalimutan yan.
-----------
Author's Note: This is the first time I wrote in Tagalog! Sana magustuhan niyo! Next chapter will be very soon!
BINABASA MO ANG
Finding Love Back
Подростковая литератураWhen love became to painful for Fei, she decided never to fall in-love again. Now that she wants it back, she feels nothing. She makes a deal with a mysterious stranger, Ian, to make her fall in-love again. In exchange for Fei's help, Ian sets he...