PAGWUKS-Trouble

1.2K 35 2
                                    

Abegail's P.O.V

"Huy pangit! Umalis ka nga sa dinadaanan ko! Sinisira mo ang araw ko!"inis na sigaw ni Tiffany sakin.

"S-sorry."takot na sabi ko sa kanya.Aish! Ang tanga tanga ko kasi eh! Alam ko na ngang si Clifford ang pinagkukumpulan dun sa loob ng classroom nakichismiss pa ako! Ang tanga tanga mo Abe!!!!!

"Uy mahal kong Abe!!!! Hahaha!!! Kumusta ka na baby? Namiss mo ba ako? Hmm??"aish! Nandito na naman si Alex.Ang kaibigan ni monster Clifford na sobrang bully!! Narinig kong nagtatawanan ang mga dumadaang mga estudyante sa corridor.Shemay nakakahiya!

"Hahaha! Yuck! Nagblush pa ang gaga! Eww! Kadiri! Pangit na nga ambisyosa pa!!"malakas na sigaw ni Rica ang girlfriend ni Alex.

"BOOOOOO!!!! BOOOOO!!!!"sigaw naman ng ibang estudyante sakin.Yukong yuko ang ulo ko.Malapit ng tumulo ang luha ko.Araw araw na lang kasi nila akong binubully.Araw araw akong nasasaktan at napapahiya.

Napa "Aray!" ako ng may biglang tumama sa ulo kong matigas.Itlog pala yun.Halos lahat sila may dalang itlog dahil dinistribute ito ni Rica sa kanila at saka ipinagbabato sakin.Wala akong magawa kundi ang umiyak.Wala naman kasi akong magagawa dahil halos lahat sila ay mga bully.Mga bully sa VU.

"T...ama na...(sob)"pagmamakaawa ko sa kanila habang nakayukong umiiyak.

"Uy guys tama na daw sabi ni pangit! Bakit pangit? Masakit ba?"mapang asar na tanong sakin ni Alex.Tumango ako habang humagulhol ng iyak.Ipapakain sana niya sakin ang isang buong itlog ng biglang....

"PRRRTTT!!!!!! TAMA NA YAN! MAGSIBALIK NA KAYO SA INYONG SILID ARALAN!"biglang sigaw ni manong guard.Isa isang nagsialisan ang mga students sa corridor at nagsipasok sa kani-kanilang classroom.Habang ako naiwang humihikbi pa rin.Ang dugyot dugyot ko na.Mukhang makakauwi na naman ako sa bahay.

"Okay ka lang ba miss.Abegail?"tanong sakin ni manong guard.

"Ano sa tingin mo Kuya? Okay ba ako?"umiiyak na tanong ko sa kanya.Ang obvious obvious na ngang hindi ako okay eh.Lalo tuloy akong naiiyak.

"Sa tingin ko hindi.Tara sa clinic."sabi niya sakin.Buti pa si manong guard mabait.Huhuhuhu!!!!!

Pag Ako Gumanda "HU U??" Ka Sakin!!Where stories live. Discover now