#3 Special

68 46 32
                                    

Dedicated to
Saffy&Phyrr A.

#ToTheATeam
#HiiSaff&Phy
#08-15-16

We. We're Special.

***

"Paghusayan niyo pa! Kulang ang ibinibigay niyong pwersa. Saffira! Taasan mo pa ang sipa. Listuhan ang galaw! Tigasan ang binti at iyupi ng mahusay ang tuhod saka mo pakawalan ang nag-uumapaw na lakas. Sige Sipa! Sipa! Sige pa!"

Malakas kong sinipa ang Choplin Board. Dinig sa buong kwarto ang bawat hampas ng bubot naming binti sa matigas na kahoy. Sampo kaming napili upang hasain ng mahusay sa larangan ng palakasan ang aming mga bubot pang katawan. Pitong taon ako noon ng dalhin ako ni Ina sa lugar na'to, Iyak ako ng Iyak ng iwan niya'ko kapalit ng malaking halaga na maaaring magasta niya upang iahon ang sarili sa kahirapang kinalakhan namin. Halos araw-araw akong umiiyak habang nagdarasal na sana'y balikan niya ako at ilayo sa lugar na'to kung saan araw-araw kaming pinahihirapan sa tinatawag nilang 'Daily Exercise.' Lagi akong nagkakasakit dahil sa pagod at latay, kaunting pagkakamali'y latigo pinetente na ang hataw sa iyo o kung hindi nama'y limang daang push-up at limang daang curl-ups partida nasigaw pa kada bilang. Para sa tulad kong batang musmos isang malaking impyerno ang kinahantungan ko, hindi man nila kami tinitipid sa pagkain sinusulit naman nila kami sa batak na trabaho at extra workout activity na siyang umuunat, humuhubog at nagpapalakas sa maliliit pa naming katawan. Sa bawat araw na lumipas nadagdagan kami ng nadagdagan hanggang sa makumpleto kami sa bilang na Sampo. Bilang nakakatanda at siyang pinaka-unang salta sa impyernong ito gamay na gamay ko na ang ugali't asal ng mga demonyong guro't tagapagbantay sa islang ito. Ni hindi ko na kailangang sabihin kung ano ang gagawin pagka't isang senyas lang nila'y naiintindihan ko na ang kanilang nais. Ayoko man silang sundi'y wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod nalang na parang isang mabait na Tuta. Sa ngayon.

Pak!

"Ang tigas ng ulo mo Naya. Sinabi ko ng diinan mo ang pagsuntok! Hala ikumpol ng maayos ang kamay! Ibatak paatras at isuntok ng malakas! Sige! Ayusin! Isa pa! (Pak!) Ayusin mo! Tigasan ang habas lambutan ang galaw, isiping sumasayaw sa ritmo ng kamatayan. Hala! Sige! Suntok!"

Maka-ilang beses pa akong nakarinig ng mumunting pag-igik mula sa madikit na hampas ng latigo sa balat na marungis. Dalawang oras na kaming nag-eensayo, kanina pa nananakit ang kalamnan naming ngalay na sa sobrang pagkagamit. Gusto ko ng magpahinga ngunit alam kong matutulad din ako sa kanila. Ayoko na ng latay mula sa mapagmahal na latigo ni Judas na siyang gamit ng kanang kamay ni Madame Ziri.

"Sikad pa Moe! Ideretso ang tindig galingan ang pag-diga ng counter punch! Yan! Tama yan! Ibaba mo ng maigi. Yan! Tama yan! Mahusay Moe! Mahusay! Oh Odyssa! Anu bang foxing kick yan! Kulang sa pwersa. Itantsa mo ang distansya! Saka mo Isalag sabay fox sa lever. Tonta! Umikot ka ng 90 degree sabay reflex pakambyo des bal! Ulit! Ulit! (Pak!) Ayusin mo Odyssa!"

Nakakarindi. Nakakainis. Bawat hampas ng latigo sa balat ng aking mga kasama'y lalong nagbibigay sa akin ng ganang magalit sa kanila. Bawat igik ng pananahimik sa sobrang sakit na pinagdaanan ko't pinagdadaanan nila'y nagbibigay alab sa apoy ng aking kasabikan sa pagtigatik ng kalayaan. Gusto kong lumaya.

Pak!

"A-Aray."

"May sinasabi ka Leora? (Pak!) Hwag mong tigilan ang pag-eensayo. Ulitin mo sa simula! Antagal tagal mo na rito'y hindi ka pa rin natututo ng tama! (Pak!) Ulitin ang siamese tactic! Ayusin ang mga binti, ikwadrado ang balikat, gamitin ang reflexive muscle! Grace! Lapit rito!"

Napatigil ako ng marinig ang pangalang iyon. Si Grace. ang pinakabata sa aming lahat at siyang pinakabagong salta sa Isla. Mag-iisang buwan palang siya sa lugar na'to wala pa siyang gaanong alam tungkol sa pakikipaglaban, idagdag pa na kagagaling palang niya sa sakit apat na araw pa lang ang nakararaan.

T H E   O N E SWhere stories live. Discover now