#4 Cursed

84 30 4
                                    

Dedicated to
Art Samaniego
Who always share his creepy world of thoughts to me.

#HiiArtSama
#CursedToHell
#08-27-16

We. We're Cursed

***

Ilang beses ko na ba silang nakita? Ilang beses ko na ba silang nakasalubong? Ilang beses na ba akong nakasaksi ng mga pangyayaring kakaiba? Ilang beses na ba? Simula bata? Ilang beses na ba? Madami. Tama. Madaming beses na nga. Hanggang ngayong malaki na ako. Noon. Akala ko normal lang hanggang sa nagkakaisip na ako akala ko'y likas lang, natural na sa mundo ngunit hindi pala..Akala ko lang pala lahat.

Agad akong pumasok sa public comfort room at mabilis na naghilamos. Habol ang hiningang tiningnan ko ang sariling repleksyon, namumutla ang mukha habang nangingitim ang ilalim ng aking mga mata. Tatlong araw na akong walang matinong tulog, walang matinong kain at walang matinong direksyon. Tatlong araw na. Shit. Napapalatak akong muling naghilamos ng maalala ang mga nangyari sa loob ng tatlong araw. Kailangan ko ng tulong dahil kung hindi'y sa mental ang bagsak ko nito. Muli kong tiningnan ang repleksyon sa salamin at magulat ng makitang may lalaking umiihi sa isang urinal cubicle, hindi ang pag-ihi o ang pagsulpot niya ang kinanlaki ng mata ko kung hindi ang katawan niya mismong..walang ulo. Hindi. Mabilis akong lumingon upang siguraduhin ang nakita, napabuntunghininga ng malamang may ulo naman pala siya. Siguro'y namamalikmata na naman ako. Isang mabilis na sulyap pa ang ginawa ko sa lalaki bago ako nagpasyang lumabas na.

"Art! Art! Sandali Art!"

Liningon ko si Frezz, bitbit ang mga gamit niya sa drafting at ang bag niyang mukhang pang-travelling ay mapag-pasensya ko siyang hinintay.

"Buti naman nakita kita ngayon! Saan ka ba nagsususuot? Dalawang araw ka ng hindi pumapasok sa klase, hinahanap ka na ni Mr. Panes sa drafting ibabagsak ka daw niya pag nakatatlo kang absent."

Hinihingal niyang sabi ng maabutan ako sa locker Hallway. Isinalansan ko agad ang mga gamit sa bag saka agad na isinara, mabilis namang humabol si frezz.

"Uy intay! Bakit ka ba nagmamadali? May 30 minutes break pa naman tayo ah. Teka nga, Art okay ka lang ba? Namumutla ka ah, kumain ka na ba? Nalipasan ka na naman siguro nuh? Uy! Kausapin mo naman ako. Art? Uy."

Hindi ko siya pinansin, masyadong okupado ang isip ko para makinig sa kataklesan ng bunganga niya. Marami pa siyang sinasabi ngunit bigla itong nahinto ng bigla rin akong huminto. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa lalaking dadaan sa gilid namin. Lumingon ako kay Frezz ng daanan siya nito o mas tamang sabihing Tumagos ito sa kanya.

"Whoo, grabe ang lamig ng hangin ngayon ah, tingnan mo Art nagtaasan ang mga balahibo ko sa kilabot. Art- Art? Okay ka lang ba? Uy Art!"

"Frezz nakita mo ba yun?"

"Ha? Ang alin? Yung chic na paparating o yung lalaking dumaan?"

"Nakita mo din? Yung lalaking dumaan sayo? Nakita mo?"

"Ahm- kung yung lalaking dumaan sa gilid ko na naka afro style na buhok at mukhang maangot ang sinasabi mo, oo nakita ko syempre may mata ako eh." Nakangisi niyang tugon.

"Hindi yun, yung tinutukoy kong lalaki ay yung kasama niya. Yung dumaan i mean tumagos sa katawan mo." Eksplina ko na ikina-lukot ng mukha niya.

"Naka-drugs ka ba Art? Anung tumagos? Anu yan multo? Hahaha kulang ka na naman sa tulog nuh?"

Natigilan ako, may mangilan-ngilang estudyante ang nakatingin sa amin lalo na sa akin. Iniisip siguro nilang may sapak ako sa utak. Tsk. Mabilis kong iniwan si Frezz sa mezzanine na agad ding humabol.

T H E   O N E SWhere stories live. Discover now