Dedicated to
Demielle Abilon.#PeculiarsTale
#ByDemiA
#07-22-16We were Humans.
***
1962"Ilayo niyo nga sa akin yang demonyong Bata na yan!"
Nagpupuyupos na sigaw ng may edad na babae sa tatlong muchacha, Inilayo ang tumatangis pang Bata mula sa dulo ng kanyang kama na gusto pang lumapit para yumakap sa kanya.
"M-Mama huhuhu sorry.. mama sorry po.. huhu S-Sorry."
"Alis! Ilayo niyo yan! Ilayo niyo yan sa akin bilis! Demonyo ang batang yan! Demonyo! "
Nangagalaiti pa niyang pinagbabato ang mga unan sa pinto Kung saan nakatayong lumuluha ang walong taong gulang na Bata, na mas nasasaktan pa sa asal na natatanggap kaysa sa pagbato ng unan sa kanyang katawan.
"M-Mama S-Sorry. .hindi ko po sinasadya.. Sorry huhuhu."
Pilit siyang hinahatak ng mga katulong palabas, kinaaawaan ang kapalaran niyang kakaiba sa lahat. Mababanaag sa mata ang simpatya't lungkot para sa kanya na di niya madama pagkat nangingibabaw ang pagsisisi sa problemang nagawa.
***
1973.
Mararahang patak ng tubig ulan ang gumising sa naglalakbay niyang diwa. Marahan siyang umupo mula sa pagkakahiga sa malawak na damuhan. Ang papalubog na sikat ng araw mula sa likod ng dalawang bundok ang huli niyang natanawan bago lumatag ang hamog kasabay ng kadiliman.
"Naku iha bakit ngayon ka lang? Dalian mo, umakyat kana agad sa silid mo dumating na ang mama mo galing sa shop niyo, harujusko baka makita ka dito. Dali."
Natatarantang bungad ni Yaya Mileng pagpasok ko sa backdoor ng kusina. Walang emosyon akong nagpahila sa kanya pataas sa matayog naming Grandstaircase ng biglang bumukas ang Grandé é Door ng mansion.
"Amiga, halika't maupo. Mileng! Kuhanan mo nga ng miryenda ang ating mga bisita!"
Napatigil ako sa paghakbang. Ang boses na yun, ang boses ni Mama. Mabilis pa sa alas kwatrong ipinagtulakan ako ni Yaya Mileng pataas bago pa ako makalingon sa mga dumating.
"Magmadali ka Mileng!" May bahid ng inis ang maarteng boses niya na ikinataranta ni Yaya.
Nagkukumahog siyang bumaba para sundin ang amo, Agad kong isinara ang pinto ng aking kwarto. Ayaw ni Mamang nakikita akong lumalabas. Sa loob man o sa labas ng bahay o mas tamang sabihing ayaw niya akong nakikita. Isang malungkot na mukha ang nalingunan ko sa salamin, ang mukhang kinagigiliwan nila Mama't Papa noon, Mukhang inukitan ng matangos na ilong, matalas na matang pusa na yinabungan ng malalagong pilik na binagayan pa ng perpektong kurba ng dark brown kong kilay at pinanela ng labi kong kulay makopa. Ang buhok kong hanggang beywang na pinaghalong dark brown at sa dulo'y light brown. Isang anyong kaakit-akit ika nga ni Yaya Mileng at kung ngingiti lamang daw ako'y mas higit pa akong magiging maganda. Matagal na panahon nang iisang emosyon lang ang pinapakita ko. Kung sana'y maaari lang maibalik ang dati. Mga panahong masasaya pa kami. Kung sana'y hindi ako nagpadala sa galit ko noon. Kung sana'y hindi ko pinilit ang Papa na isakay ako sa carousel sa perya, kung sana'y pinigilan ko si Mama na huwag ihulog ang gintong barya, Kung sana'y alam ko lang na mangyayari lahat ng iyon eh di sana hindi nako nagdurusa ngayon, eh di sana hindi galit ang Mama sa akin, eh di sana buhay pa ang Papa, eh di sana masayang pamilya pa rin kami. Kung Sana'y maaari ko lang maibalik ang panahon. Babaguhin ko ang mga nangyari ng araw na yun. Araw kung kailan nasunog ang perya, kung kailan namatay ang Papa, kung kailan kinamuhian ako ni Mama at kung kailan idinaos ang ikapito kong kaarawan. Ang kasumpa-sumpang araw.
YOU ARE READING
T H E O N E S
Misterio / SuspensoWe. We're Humans We. We're Gifted We. We're Specials We. We're Cursed We. We're Peculiars We. We're Scattered We. We're Chased We. We're Hunted We. We're Raised To Grace The Phase of Human race. To Fight The Light of Human Life. To Take The Sake o...