Chapter 1

57.9K 252 0
                                    

A/N: Pagpasensyahan niyo na kung may makikita kayong wrong grammars at spelling.

_____

"Nikkia, this is the right thing to do. Sundan mo ko ha." I said to Nikkia, my student. Dahan-dahan kong ipinakita  sa kanya kung paano at sinulat  sa notebook niya ang letter S and T. Nahihirapan kasi itong isulat.

"Teacher, teacher, me too!"

Ito talagang mga estudyante ko, syempre isa-isa na sila niyan. Parang ako na rin ang gumawa ng seatwork nila. Ang ginawa ko, pumunta ako sa harap at sinulat ang S at T sa blackboard.

"Class, listen ok? Para hindi kayo mahirapan." bilin ko.

Pagkatapos nito, nagring na ang bell na nagpapahiwatig na tapos na ang klase. "Goodbye and Thank You, teacher Joanne." Sabay-sabay nilang paalam sa akin. Ito talagang mga batang ito, kahit makulit, hindi pa rin maiiaalis sa kanila ang tinatawag na cuteness. Kahit papaano nakatatanggal din ito ng stress sa akin.

Nilinis ko ang room na ginamit ng mga bata at dumiretso sa faculty room. Malamang hinihintay na ko ng mga co-teachers ko. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa faculty sari't sari na ang mga asar nila sa akin. Bakit daw hindi pa ko magasawa at nasa tamang edad na daw ako. Araw araw ganito ang sinasabi nila sa akin.

"Baka naman tumandang dalaga ka na niyan, Joanne. Sayang ang lahi mo, maganda ka pa naman." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Mrs. Vangie. Palibhasa kasi silang lahat may mga asawa't anak na at ang iba matanda na. Mukhang ako na lang ang naiiba rito.

"Eh bakit kasi ayaw pa sagutin tong manliligaw niyang si Ian?" sabi naman ni Mrs. Odette. Napailing naman ako bigla sa sinabi nito.

Matagal ko ng manliligaw si Ian at matagal ko na rin siyang hindi sinasagot.

"Mabait naman."

"Mayaman pa."

"Hindi naman gwapo. Daig pa ang lumang tao kung manamit at magsalamin sa mata." rinig kong bulong ni Mrs. Sandie at ngumiti ako ng dahil doon. Yeah, she's right. Pero hindi naman kagwapuhan ang habol ko. Pang dag-dag points lang yun.

"Lagi nga niya tayong nililibre ng pagkain dito sa faculty." dag-dag pa ni Mrs. Yanna.

"And speaking of..." I heard Mrs. Sandie said.

Bigla silang napatahimik ng nakita nila si Ian na nakatayo sa harap ng pintuan.

Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng bulaklak.

"Para sayo.."

I heaved a deep sigh. Masama na kung masama pero.. "Ian, ilang beses ko na ba sasabihin sayo na kahit anong gawin mo huwag ka ng umasa na magugustuhan kita. I'm very sorry pero kahit na anong pilit ko sa sarili ko, hindi pa rin ikaw ang---" naputol ang sasabihin ko dahil inilagay niya ang index finger niya sa labi ko para hindi ko na maituloy ang susunod kong sasabihin.

My Teacher In BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon