Joanne's POV
"Lola, lolo... Magkakaroon po kami ng retreat sa Pampanga bukas. Hindi ako makakauwi ng 5 days dito sa bahay. Iiwan ko po muna kayo kay Manang Helia." Paalam ko kina lolo't lola na habang sila ay nakaupo sa pareho nilang rocking chair.
"Ganun ba hija, Oh sige, mag-ingat ka ha. Lagi kang magdadasal." Malambing na tinig ng aking lola.
"Opo, lola." Sabi ko at sabay hinalikan ang kanilang mga noo.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanila, dumeretso na ako sa kwarto ko to start packing my things that I'll be needing for our 5 days retreat. Gaganapin bukas ang retreat naming mga teachers. Total, sembreak naman ng mga bata ngayon.
Isang linggo na rin ang nakalipas noong bumalik sina Jun-jun at Kate sa Australia. Kaya kay Manang Helia ko ipinaubaya ang lolo't lola namin. Pilit kong mag stay muna sina Jun-jun dito pero hindi pwede dahil sa trabaho nila sa ibang bansa. Gusto man nilang mag i-stay dito para bantayan ang lolo't lola namin pero hadlang talaga ang trabaho. Nurse si Jun-jun kaya kinakailangan siya doon.
Pagkatapos kong magimpake ng gamit umupo ako sa table sa kwarto ko. Sinimulan kong gawin ang grades ng mga estudyante ko pati na rin ang lesson plan ko, para sa susunod na mga araw wala na kong aalalahanin. Inabot na ko ng mga alauna at natapos ko na ang lahat. Humiga na ko sa kama ko at natulog.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Joanne, gising na, akala ko ba may retreat kayo ngayon?"
Napabalikwas agad ako ng bangon ng marinig ko ang boses ni Mang Helia. Shit! Napasobra ako sa tulog!
"Hala! Late na ko!!" Dali-dali akong tumayo mula sa kama at kinuha ang phone ko sa side table. Bakit hindi tumunog ang alarm?
Tiningnan ko ang settings at hindi pala naka set ang alarm ko!!! Nakita ko rin na punung-puno ang inbox ko ng text messages mula sa mga co-teachers ko. Naka ilang missed calls na rin sa akin si Mrs. Sandie.
Minadali ko ang pagligo ko at hindi na nakakain ng almusal. Pa-byahe na ko papuntang eskwelahan dahil doon ang meet-up pero nung makarating na ko doon walang nahagilap na bus ang mga mata ko. Naiwan na ko!! Gumising ba naman ng tanghaling tapat na! Nakakainis naman!
"Bakit kasi na late na ko ng gising!?" I irritatingly said to myself. Uuwi na nga lang ako.
Pauwi na sana ako ng biglang tumawag sa phone ko si Mrs. Sandie. Sinagot ko naman ito.
(Hello, Joanne.. Maghintay ka lang diyan, ipapahatid kita kay Julio papunta dito sa Pampanga. Alam naman niya papunta dito. Bakit ka kasi na late?")
"Pasensya na po, Ms. Sandie, na late lang po ako ng gising."