Heartbreak central.
'Yan lang ang masasabi ko kapag papasok na ako sa isang club lalo na kapag nakakakita ako nang mga taong lasing.
Katulad ko ngayon na sumasayaw sa dance floor pagkatapos inumin ang isang bucket nang Stallion Beer na hindi kumakain buong araw.
I'm broken hearted. Hindi nga lang halata dahil ako iyong taong mahilig ngumiti kahit sobrang sakit na. Ayoko nang drama kaya minsan iniiwasan ko ang madadramang eksena pero mahilig naman akong manood nang mga madramang pelikula. Alam ko naman kasing wala iyong epekto sa buhay ko.
Pero aamin na ako.
Masakit.
Kahit na ikaw pa iyong nakipagkalas masakit pa ring malaman na sobrang dali lang naman pala sa kanyang tanggapin na wala na kayo. Hindi man ako hinabol o hinanap man lang nang hinayupak. Pero kahit ganoon iyon mahal ko padin iyon.
Pero pagkatapos nang tatlong buwan nang paghihintay tama na. Kawawa na ang sarili ko nito eh. Hindi naman ako pinalaki nang mga magulang kong loser.
Never ko pang naramdamang magmakaawa sa isang tao para lang mahalin niya ako. Kahit nang ibigay ko na siguro pati ang kaluluwa ko iluluwa pa rin niya iyon.
Naisip ko tuloy sa sarili ko kung may problema ba sa akin?
Am I really that unlovable for me to be pushed this far?
Ang taas kaya nang pasensiya ko sa totoo lang pero sumagad pa rin eh.
The thing that hurt the most was after being miserable for the past few weeks I even resorted to stalk him using my best friend's account. I-block ba naman ako nang walang hiya? Kaya ayon nakihiram nang account pero sa malas nakita ko pa tuloy na ilang linggo lang pala ang lumipas, may kapalit na pala ako sa buhay nang taong minahal ko nang halos dalawang taon.
Tinanggap ko na nga sa sarili ko na siya na talaga.
Pero sa malas, my loyalty was nothing to him.
Just trash.
Pero heto ako ngayon, at hindi ako kakanta okay dahil hindi naman ako nag-iisa, sumasayaw sa tunog nang musika sa isang bar.
Wasted.
And I woke up in someone's bed never had a memory with the night before.
Totoo pala iyong sinasabi nang mga babaeng narerape nang lasing na wala ka talagang maalala. As in blangko. Kahit na gusto kong isipin kung ano talaga ang nangyari kagabi wala talaga akong maisip.
It scared me.
Nakakatakot kayang magising sa isang kamang hindi mo alam kung nasaan ka at iba na ang suot mo. Nang makalabas nga ako nang kwarto laking ginhawa ko nang makita ko ang isang kaibigan ko na kumakain nang almusal sa mesa.
Oh, the relief.
"Anong nangyari kagabi?" Tanong ko sa kanyahabang sapo ang ulo kong parang pinipigang sili para sa sawsawan.
"You passed out. Suka ka nga nang suka kagabi habang papauwi tayo. Mabuti na lang at nakita kitang nakaupo sa booth natin at natutulog kung hindi ay baka kung saan ka na dinampot ngayon."
Ngayon ko lang napansin na naka-ayos na ito papuntang eskwelahan. Ewan ba niya kung papano nito nagagawa iyon. She was also as drunk as she was last night. Pero kaya pa rin nitong pumasok pagdating nang umaga sa klase nito.
While here I am regreting the things I did last night.
"I'll just sleep the day away. Hungover pa rin ako hanggang ngayon."
"Kumain ka para mawala iyang alcohol sa sistema mo. Kumain na nga pala kami ni Bryan kagabi. Ginamit namin iyong natirang pera sa binayad mo sa inumin natin. Well, gotta go. May klase pa ako."
Wala sa isip na nakipagbeso ako sa kanya at bumalik ulit sa tinutulugan kong kwarto kanina at pasalampak na nahiga. Pero bigla din akong tumayo agad at nagsuka sa inidoro sa banyo.
I hate my life right now.
Tama na ang isang gabing recklessness. Hindi ako ito at hindi ang isang heartbreak lang ang magpapatumba sa akin.
I need this life of mine to be okay more than I need him.
Kaya kailangan talaga na magmove-on na ako.
Pero paano?

BINABASA MO ANG
After Moving On
Non-FictionSinasabi nang iba na mahirap daw mag-move-on. Ang sabi ko naman, madali lang 'yan. Ilaan mo na lang sa iba ang time and presence mo at you've moved on. But how does a person move on? May formula ba ito? Gamot? O psychological explanation para talaga...