Ready ka na ba?

7 0 0
                                        


Pagdating sa love life eh, patay tayo diyan.

Hindi kita matutulungan.

Pero pagdating sa pag-move-on o sa mga gagawin mo after moving on, then sis and bro, I could definitely help you.

Kung madali lang sa'yo magmove-on, good for you.

Pero kung sa katulad kong halos apat na taon nang nakapag-move-on pero natatakot pa ring buksan ulit ang puso dahil takot masaktan, good pa rin iyon.

Marami kang pwedeng gawin sa buhay mo.

Pwede mong i-pursue ang pangarap mo.

Pangarap mong tumuntong nang buwan? Pwede.

Pangarap mong magtayo nang restaurant? Pwede.

Eh, ang tanong, paano kung pangarap mong mahalin ka rin katulad nang ibinibigay mong pag-ibig? Pwede kaya 'yon?

PWEDE.

Nasa isip lang naman natin iyongsinasabing takot eh. Alam mo iyong kapag nakakakita ka nang gwapo o maganda tapos sasabihin mo sa isip mo na hindi siya magkakainteres sa'yo, dahil kesyo mas maganda o gwapo iyong kasama niya, kesyo hindi ka nakagraduate sa magandang eskwelahan, kesyo ganito, kesyo ganyan.

'wag maging nega.

Take a deep breath.

Walk towards him or her.

And smile.

Isa sa panlaban nang mga tao ang ngiti. Matalim 'yan at nakakapatay. Pero kung gagamitin mo sa tamang paraan, well, you could liven up any men and women in the room.

Lahat nang babae AT lalake ay may hitsura, may charm, ika nga. Nasa atin lang iyon kung paano natin i-a-activate.

Self-confidence is the key.

'wag iyong over masyado kasi hindi na maganda iyon. 

Self-confidence is easily defined as a feeling of trust in one's ability, quality and judgment.

Hindi naman kasi ang kaputian ang basehan sa pagiging gwapo at maganda, hindi rin ang straight mong buhok, hindi ang mapuputi mong ngipin at lalo na ang genes.

 Oo, inaamin ko na attraction is the start of falling in love. 

Aminin...'wag denial.

Pero sabi nga nila na beauty is on the eye of the beholder.

Kung sa paningin ko gwapo siya, at sabihin nang iba na hindi naman. Kasi iba-iba ang pamantayan nang lahat nang tao.

Minsan kasi masyado tayong atat kaya kung sino iyong nagugustuhan agad natin, hala sige lang. Hindi mo pa nga siya masyadong nakikila. Kaya marami ang nagpapakasal ngayon na hindi masaya sa kanilang mga relasyon.

Ako?

Kung ako ang tatanungin niyo kung handa na ako? Sasabihin ko sa inyo na hindi pa. Dahil meyo mataas ang pamantasan ko ngayon kaysa noon. Hindi pamantasan na katulad nang iba na dapat matangkad, dapat matalino, dapat ganito, dapat ganyan. 

Ang akin lang ay iyong kapag kasama ko siya lagi ay nakikita ko ang sarili ko 10 years from now na masaya, kahit na mag-aaway kami ay magkakabati rin, kasama namin ang pamilya namin, masaya, na malungkot, na nag-aaway pero matatawag na pamilya.

Bakit ka naman kasi magsesettle sa 'okay na', eh, marami naman diyang 'siya na'?

Sabi nga sa bible, "In every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven."

Kung ikaw nagmahal, nasaktan, sino ang nagsasabi sa'yong hindi ka pwedeng magmahal ulit?

Kaibigan mo?

Pamilya mo?

O kahit sarili mo?

Sabi nga nang isang kaibigan ko na kapag nadapa ka sa putik, 'wag mong enjoyin iyong putik. Tumayo ka, maligo, magbihis at lumakad ulit.

Life is a journey. And that journey won't end until death. The mistakes, the joy, the love that you felt and the story that you wrote, everything is a part of who you are today. Even the regrets.

Iyan nagiging emotional na tuloy ako.

May nakuha ka kaya sa mga sinabi ko?

O sasabihin mo na naman sa sarili mo na "Ayoko na! Masakit kaya!". 

Hoy gaga! Hindi lang naman ikaw ang nasaktan. Marami tayo diyan. Bakit ka sasama sa grupong nanakit din pagkatapos nilang masaktan? Paano kung iyong nasaktan mo eh, iyon pala ang nagmamahal sa'yo nang todo na matagal mo nang hinahanap pero nabulag ka lang pala sa kabiguan mo sa tarantadong tao na 'yon?

Kapag nakahanap ka na nang tao, ito ang itanong mo sa sarili mo.

Handa na kaya akong ibukas ulit ang puso ko?

Kung check? Ito ang kasunod mong itanong.

Para sa taong ito?

Kung check na naman...

Kaya ko bang tanggapin ang sakit para sa taong ito?

Well, kung check lahat...ready ka na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon