According to Elizabeth Kubler-Ross, mayroon daw five stages of grief.
Denial, Anger, Bargaining, Depression, and Acceptance.
The word grief means, deep sorrow especially caused by the death of someone.
Pero para sa akin, iba ang kahulugan nang salitang grief. Pero andun pa rin iyon. It just so happen, that I did lost someone but not through death. Mas okay siguro kung namatay na lang siya habang kami pa para naman wala akong iniisip na 'meron kaya akong pagkukulang?'
Oo, dumarating din tayo sa puntong in-denial tayo na wala na nga.
Denial Stage
Itong araw na ito ako nakipaghiwalay sa kanya.
Oo, ako ang nakipaghiwalay pero masakit pala ang iitsapwera ka na lang nang ganoon, na para bang kasalanan mo lahat. Pero kung iisipin, dalawa naman kami sa relasyon pero bakit ganoon? Ako lang ba talaga ang gagawa nang paraan para maging masaya kaming dalawa?
Iyak tuloy ako nang iyak.
Mahal ko iyong tao eh. Hindi naman kasi ako iyong taong magmamahal at nang sabihing tapos na eh tapos na. Hindi naman siguro ganoon kadali iyong pag-ibig niya sa akin diba? At least not after all I've done for him?
I even fought for him with my mom!
Hindi naman siguro siya susuko nang ganoon diba?
1st day...
2nd day...
1 week...
2 weeks...
3 weeks...
1 month...Wow ha! Ang tagal naman niya akong puntahan o di kaya tawagan? Tapos -iblock pa naman ako sa facebook?
Hindi naman siguro ganoon ang pag-ibig niya sa akin kababaw diba? Hindi naman siguro.
Kasi ang akin hindi eh.
Anger Stage
Ah, ganun! So ganun-ganun na lang iyon?! Pagkatapos nang lahat nang ginawa ko para sa kanya? Ganoon na lang iyon? Isang tawag niya lang pagkatapos na may isang hindi lang ako nagawang gusto niya ganoon na lang?! Pagkatapos ko siyang pagbigyan sa lahat nang gustohin niya?!?! Sa lahat nang pagpapatawad ko nang makipagdate siya sa iba habang kami pa?! Sa lahat nang ginawa ko para sa pamilya niya?! Sa lahat nang sakit na naranasan ko para hindi ko lang mahagio iyang letseng pride niya?!?!
Bakit parang ganoon na lang?!!
Hindi lang naman siya ang nag-iisang lalaki sa mundo ah! Makikita niya!
Bargaining Stage
Bakit napakadali niya na lang ako napalitan? May kulang pa siguro akong hindi nagawa para sa kanya? Baka may kulang pa talaga ano?
Siguro kung ako ang pupunta sa kanila, baka mapatawad pa niya ako sa mali ko? Tapos magtatanong na lang ako kung ano pa ang gusto niya na pwede ko pang magawa.
Baka pwede pa kaming magkabalikan?
Tapos, hindi ko na gagawin ang hindi niya gusto. Magtetext na ako palagi sa kanya kahit na walang signal sa bahay, pwede naman akong kumuha nang boarding house malapit sa kanila para at least palagi na lang kaming magkasama.
Pwede rin akong magresign sa trabaho para hindi na siya magselos sa mga katrabaho ko. Hindi ko naman kailangan nang trabaho eh. May ipon naman akong galing sa lola ko. Malaki pa iyon.
Hindi ko kailangan nang pera.
Siya lang ang kailangan ko.
Depression Stage
Nilasing ako nang mga kaibigan ko at pinagsabihan.
Tama naman sila.
Hindi ko siya kailangan...hindi.
Pero bakit ang sakit?
Bakit ang dali-dali lang sa kanyang baliwalain ang pag-ibig namin dalwa habang ako dito naglalasing sa para malawa man lang kahit konting hapdi nang sakit?
Para makalimutan ko man lang kahit sandali kung gaano ako kasaya tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya kapag maligaya siya. Kapag tinitingnan niya ako nang mataimtim at hinahagkan ang sentido ko. Ang mga init nang yakap niya at kung paanong nawawala ang kalungkutan sa dibdib ko tuwing hinaghagkan niya ako.
Hindi ko na ba talaga mararamdaman lahat? Bakit parang biglang naglaho lahat?
Bakit parang hindi na ako makaramdam?
Acceptance Stage
Isang taon na rin ang lumipas. Alam ko sa puso at isipan ko na ang pag-ibig ko sa kanya ay hindi mawawala pero alam ko ring darating ang panahon na matatabunan din ito nang mas matindi pa.
Tanggap ko nang hindi na madurugtungan ang istorya namin dalawa. At least ngayon bumalik na nang kaunti ang dating ako bago naging kami. Bago nangyari ang masakit na nangyari sa aming dalawa.
Pero ngayon ay mayroon nang takot sa puso kong umibig.
Ayoko na.
BINABASA MO ANG
After Moving On
Kurgu OlmayanSinasabi nang iba na mahirap daw mag-move-on. Ang sabi ko naman, madali lang 'yan. Ilaan mo na lang sa iba ang time and presence mo at you've moved on. But how does a person move on? May formula ba ito? Gamot? O psychological explanation para talaga...