Ang sabi nila, mahirap raw maghanap ulit nang mamahalin. Lalo na kapag hindi ka pa nakakapag-move-on sa huli mong minahal.
Pero ano nga ba ang signs na nakapag-move-on ka na? Na pwede ka nang magmahal ulit?
5 signs that you've really moved on:
1st Sign
Marami ang gwapo.
Lalo na kapag itinuturo nang kaibigan mo.
Noon kasing may boyfriend ka pa, takot kang tumingin sa iba dahil baka magalit siya. Ayaw na ayaw mo pa namang magakagalit at mag-away kayo. Ikaw lang din naman kasi ang talo.
Ngayon, lahat nang gwapo napapansin mo at napapansin mo na rin ang may type sa'yo. Lalo na kapag napapatingin kayong dalawa sa mga mata nang isa't isa.
2nd Sign
The world is my oyster.
Lakwatsa ang tawag diyan. Lalo na kapag inaaya ka nang kaibigan mo.
Noon, gustong gusto mo na kayo lang dalawa ang magkasama. Ayaw rin naman kasi niya na may buhay ka sa labas nang relasyon niyo. Gustong gusto niya na siya lang ang nasa isip, puso at kaluluwa mo palagi.
Wala kang dapat friends.
Possessive 'di ba?
Cute at sweet pa sa umpisa pero kapag naglaon, nakakairit at nakakaumay din. Nakakasakal pa nga.
Ngayon, hindi mo na iniisip kung mayroon bang magagalit. Hala, bira! Kung saan ang fiesta, party, bunyag, kasal at lahat-lahat na nang mga kasayahang maiisip at mapupuntahan mo, go lang nang go.
Problema mo na lang ay kung may pera ka.
3rd Sign
Fat bank account.
Noon, marami pinagkakagastusan dahil marami kayong celebrations. May monthsary, anniversary, birthday, pasko at kahit ano nang pwedeng i-celebrate. Kailangan pa ngang may regalo ka kapag birthday nang kapamilya niya.
Ngayon, dahil may trabaho naman ang mga magulang mo, sarili mo lang ang iniisip mo. Nabibili mo na ang mga gusto mo na para lang sa sarili mo. Nabibili mo na nang mga regalo ang mga kaibigan at kapamilya mo na mayroon pang sobra para sa sarili mo.
Ang mas nakakamangha ay nakakaipon ka na kahit paunti-unti lang.
4th Sign
Time is Gold.
Noon, lahat nang oras mo ay inaalay mo sa mahal mo. Kapag may free time, kailangan, nakatext o nakatawag ka sa kanya. Minsan din kailangan makipag-date. Kaya minsan sobrang stressed ka na dahil sa trabaho at eskwela mo may pinoproblema ka pang mahal mo.
Bitter na kung bitter pero that's life and reality.
Ngayon, you own your time. Kung gusto mong magrelax, you can relax. Kung gusto mong lumarga, you can go wherever you want. Kung gusto mong manood nang sine o maghilata lang sa kwarto, kaya mo. Kung guusto mong mag-volunteer sa kahit anong organisasyon, you can do it.
Time is precious.
Kaya gawin mo na ang nasa bucket list mo.
Mag-eenjoy ka pa.
5th Sign
Feathers that flock together.
Noon, kapag hindi free ang mahal mo, feeling mo wala ka nang kaibigan. Kasi kapag gusto mo nang lumarga, eh, hindi naman gusto nang mga kaibigan mo. Kesyo busy, kesyo may gagawin, etc.
Ayaw kasi nilang sumama sa'yo dahil sumama ang loob nila sa'yo. Kapag sila kasi ang nag-aaya, hindi ka pwede dahil ayaw niya, hindi ka makakasama dahil may lakad kayo, lahat-lahat na.
Ngayon, ang dami mong friends. Sa lahat nang napupuntahan mo, at least may isa o dalawa kang kaibigan. At least pa 'yon ha.
At saka, ang dami mong nakikila sa family mo. May friend ka pala na relative mo. Ito pa lang si ganito, cousin mo sa side nang lola mo na napangasawa nang kapatid sa inaanak mo.
Oh, 'di ba? Bongga?
Kung meron lahat sa'yo nito, I know na hindi ka pa nakakapag-move-on. On the way ka pa lang. Dahil kung bagot na bagot ka na sa buhay mo kahit mayroon ka nang lahat nang nabasa mo kanina, at gustong gusto mo na mayroon ka nang pinaglalaanan nang buhay, time, pera at kahit ano na.
Pwes!
Iyan na ang sign na nakapag-move-on ka na at pwede nang magmahal ulit!

BINABASA MO ANG
After Moving On
Non-FictionSinasabi nang iba na mahirap daw mag-move-on. Ang sabi ko naman, madali lang 'yan. Ilaan mo na lang sa iba ang time and presence mo at you've moved on. But how does a person move on? May formula ba ito? Gamot? O psychological explanation para talaga...