Chapter 49

9K 164 5
                                    

Kate's P. O. V

Lunch break ko na ngayon. Sabi saakin ni Troy bibigyan daw niya ako ng pagkain kasi nangangayayat na daw ako.

Umupo muna ako sa isang vacant table na nilinis ko kani-kanina lang. Inayos ko ang pagka messy bun ng buhok ko kasi panigurado haggard na ako. Buti nga naiipit ko na siya ng messy bun ngayon kasi nagpagupit na ako last week. Namimiss ko na tuloy yung buhok ko.

"High!." Lumapit siya saakin. Ngumiti naman ako at inaya ko siyang umupo.

"Oh Troy! Kamusta ang pag-aaral mo?." Nga pala. Si Troy. Kapitbahay ko sa apartment.

"Okay naman. Syempre may inspirasyon ako." Nagtawanan kami. Malakas din ang tama nitong si Troy.

"Huy, Wag ako." Nagtawanan naman kami doon.

"May ibibigay nga pala ako sayo. Diba sabi ko papatabain kita." Sinapok ko siya. Tong batang to, Sexy ang tawag dito.

"Hoy sexy ako at hindi payat no."

Inilabas niya yung lunchbox niyang spongebob. Binuksan niya iyon at nakita ko ang carbonara sa loob. Grabe hinulog talaga ng langit tong si Troy.

"Wow thank you!." Sabi ko sabay lantak duon sa carbonara niya.

"Niluto namin iyan sa HRM department. Masarap ba?." Tumango ako sabay thumbs up.

"Magaling ka naman palang magluto e Troy. Ano bang pangarap mo sa buhay?."

"Ang makasama ka." Bulong niya.

"Hoy! Troy kabata bata mo alam mo na iyan."

"Matanda na ako no Emma nauna ka lang magraduate kasi nagstop ako sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay." Mahaba niyang linanya.

"K." Tipid kong sabi. Tsaka nilantakan ulit ang carbomara niya.

"Ang bilis mo namang kumain." Syempre. Ako pa.

"Nagiging matakaw kana ngayon ha. Ibig bang sabihin niyang napapataba na kita? ." Nagtawanan ulit kami.

Nagkwentuhan lang kami doon ng mga bagay bagay na nangyari sa araw namin. Araw-araw niyang ginagawa ang ganito. Buti na lang di siya nag sasawa.

"Oh sya mamaya na lang Troy. Magtratrabaho na ako. Dumadami na yung bumibili." Sabi ko habang nililigpit ang mga pinagkainan ko. Akala ko aalis na siya pero sinusundan nya pa rin ako.

"Wala ka bang assignment o gagawin man lang Troy?." Umiling siya at nagsalita.

"Meron. Babantayan kita baka kasi may ibang pumorma sayo maagawan pa ako." Natawa nanaman ako.

"Kung alam mo lang Troy." Makahulugan kong sabi. Ayokong mainlove kay Troy. Kasi Mahal ko pa rin hanggang ngayon si Dirk at hindi na iyon magbabago pa. Two months na akong wala doon. Miss na miss ko na siya. Kamusta na kaya silang lahat doon? Sana okay lang sila. Lalong lalo na si Dirk. Masaya kaya siya kasi umalis ako?

Miss na miss ko na talaga ang buhay ko noon, Nung kasama ko pa si Dirk, Yung pagiging secretary ko sa office niya. Yung instead na pagsisilbihan ko siya. Siya pa yung nauutusan ko. Yung times na naglilibot kami sa kung saan saan. Tapos yung mga times na kapag kami lang dalawa okay na. Yung kung baga komportable kami sa presence ng isat-isa. Yung maoita ko lang siyang nagsusungit okay na.

"Oh natutulala ka nanaman diyan. Sayang ang tubig oy." Sabi naman ni Troy. Pinatay ko na iyong gripo. Hinugasan ko kasi ang lunchbox ni Troy kakahiya naman hindi ba.

"Oh, Salamat." Ngumiti ako. Kinuha niya yung lunchbox niya at umupo doon sa may stool.

"Emma, Dali may costumer kayong yayamanin. Tanungin mo na kung anong order." Tumango-tango ako. Nilabas ko ang papel ko at ballpen. Tsaka ko inayos ang apron ko.

My possessive husband [Finished- EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon