DEAL

13.6K 267 10
                                    

KATE'S P. O. V

Ano bang nangyayari? Nakaupo pa rin kami sa couch at ewan ko di ko maexplain ang kinikilos nila. Napapa go with the flow na lang ako.

Niyakap naman ako ni James ng mahigpit mas mahigpit pa kanina at sabay pa yun ng paghalik niya saakin sa mukha pinupuno niya ng mga small kisses yung mukha ko, ano ba naman to? Di na nahiya kila ate at mama. Baka mainggit sila.

"Ma'am nandyan na po sila." Mahinang sabi nung kasambahay namin sumenyas naman si mama na papasukin sila kaya sinunod agad iyon nung kasambahay namin.

At last...

Nakita ko si dad with some two people, dalawang lalaki to be specific pero ewan ko lang I think I saw that man.

Kasing edad ko lang ata yung isa. Eqan ko and I dont care baka bisita lang namin or business partners ni dad. Tapos may meeting sa bahay o di kaya magbabakasyon lang sila dito sa bahay namin. Ganon yon. Lungkot lungkot nila.

Nagsi-upo naman kaming lahat sa sofa

I can feel the tension in this room para kaming nasa hot seat wala mang lang hi or hello agad serious agad ang theme bubuksan ko sana yung tv kaso pinigilan ako ni James at niyakap ulit.

Oo nakapatay na yung tv at kung tatanungin ninyo ako kung bakit at paano namatay yung tv? Aba ewan ko ang gulo ni author eh.

Nagrespond naman ako sa yakap ni James habang nakaupo sa couch ng biglang magsalita si dad.

"Daughter meet Mr. Swift and Dirk Swift your..." napatahimik bigla si dad tsaka nagsalita muli "future...husband." Napaalis yung pagkayakap ko kay James at napatayo sa gulat.

"HA?" sigaw ko.

Pinigilan naman ako ni James and niyakap ulit yung yakap niyang yun nagpakalma saakin tinignan ko yung mukha niya na parang naiiyak na pero pinipigilan lang niya.

"Were about to arrange marrige you for the future of our company and the future of both of you." Why?! At kailangan nandito pa si James?! Nakakainis.

"Dad ayoko. I'm inlove with someone else. I will never let that wedding happen." I said and I meant it.

"Kahit na anong gawin mo you'll marrying him tommorrow." Wtf.

"Bukas agad?! Are you out of your mind Dad?!"

"Watch your words, young lady." Sita saakin nung mapapang-asawa ko daw.

"We already gaved you two years." Dagdag pa niya.

"May expiration date?! Dad you can't do this to me! Buong buhay ko pinagbawalan nyo akong magka boyfriend tapos ngayon bigla-biglaan ko na lang malalaman na ikakasal na pala ako sa hindi ko mahal! at di ko kilala how can you do this to me?!"

I looked at James then he hugged me.

"James diba sabi mo you won't leave me." Tumango siya and I saw tears on his eyes.

"You'll marrying dirk whether you like it or not."

"I chose not. My desicion is final! ayan ang mahirap sa inyo dad eh yung business ang inaatupag ninyo buhay ko to! Tang-ina. Di rin naman kayo ang maghihirap eh akin to buhay ko to gusto kong maging masaya tapos... James tell them you wont leave me?."

"I... can you leave us both so I can explain everything to her.. please?"

Tumango silang lahat.

Bigla naman akong hinila ni james papuntang kotse niya.

Di pa ako nakakapag seatbelt ng bigla niyang ipinaharurot ang kotse niya.

Nakakatakot siyang magmaneho pero wala akong pakealam.

Kung itatanan niya ako, I am willing.

_____

"Where are we?" I asked, pagkadating namin sa pinuntahan namin di kase ako familiar sa lugar na ito.

"Were at the cemetery." Alam ko namang cemetery to eh bakit dito pa? Ang creepy naman kasi eh.

"Bakit dito?" Napakamot siya sa ulo..may kuto kaya siya? Yak pero kahit na may kuto siya love na love ko siya at di ko siya kaylan man iiwanan kahit na makasal pa ako sa iba kung kakailanganing mag ka affair kami gagawin ko kasi God knows na mahal ko si James.

Ilang oras kaming nakahiga sa may mga damo. May front lawn kasi dito tapos puro damo I think kapag araw ng mga patay dito yung mga nagtitinda ng kung ano-ano

Niyakap ko siya at idinikit ko ang ulo ko sa balikat niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Magtanan na lang tayo." Nagulat siya sa sinabi ko at napatingin saakin hinawakan niya yung mukha ko saka niya hinaplos haplos. I smiled.

"No, that's wrong mag-aalala yung parents mo sayo." Sabi niya.

Isa to sa dahilan kung bakit ko minahal itong si James eh ang bait niya.

"Ganito na lang. Kunwari nag hiwalay na tayo." He looked at me puzzled.

"Ano di ko maintindihan?"

"Sabi ko, gusto mo ba I secret na lang natin yung relationship natin? James...ayoko kasing iwan ka..you know how much I love you diba? Mahal na mahal kita ikaw ba? Susuko ka na lang? Di mo ba ako ipaglalaban? Mahal natin ang isa't-isa james papabayaan mo na lang yun?! Ano? Do You like my idea?" Tinignan niya ako at kinuha niya yung kamay ko naiiyak na ako ayoko talaga ng mga madrama.

"Kate...mahal na mahal kita..pero mas malaki ang magiging kasalanan natin sa taas kapag inilihim natin to and besides may mga niloloko tayong tao at may masasaktan tayong tao it's better na tayo na lang ang magparaya." Nakita kong medyo naluluha na rin siya James don't cry.

I won't leave you naman eh.

"Pero... James..please pumayag ka na..I dont care kahit may masaktan tayo..wala rin akong pake kahit na ganun ang importante kasama kita.tayo? selfish na kung selfish James mahal kita ano ba?! Besides kapag sinikreto natin iyon wala namang makakaalam at wala ring masasaktan, pwera na lang kung ipagsabi mo." Pagpapaliwanag ko.

"Diba lahat ng lihim nabubunyag Kate ikakasal ka na bukas wala na tayong magagawa pa talo na ako. Dad mo na ang kalaban ko syempre talo na ako.." Hays ang hirap naman makipagtalo dito sa mahal ko.

"Baby! Please pumayag ka na ayokong iwan ka baka ikaw nyan may ibang babae ka na?" Nag pout ako.

"Listen, mahal kita and I don't want to set you free pero kaylangan eh ayokong magkakasalanan tayo sa pagsubok na to Dad mo ang kalaban ko pero ako nang magpaparaya para saating dalawa I love you." Umiiyak nanaman siya, di ako nagsalita I'm still crying too.

"Kahit na magpakasal ka man I still love you pede naman tayong maging magkaibigan na lang...kahit masakit kakayanin ko sorry matagal ko na ding alam na ikakasal ka na... kinausap kasi ako ng Dad mo last time kaya pumayag ako... desperado na kasi akong makasama ka at mahalin ka. I guess tapos na tayo dito na lang tayo magtatapos ilibing na natin ang feelings natin para sa isat isa...ayoko na... let's forget about everything.. kung ayaw mong maging magkaibigan na lang tayo aalis na ako you'll never see me anymore don't try to contact me."

Naiyak ako lalo sa mga sinabi niya at the same time nasasaktan ako sa mga nangyayari dati-rati ang saya saya namin walang problema pero bakit ngayon ayaw na niya saakin? kanina lang he said he love me? ang gulo niya I can't understand him.

"Ako? James? Porket ikaw tanggap mo na lahat iiwanan mo na lang ako ng basta basta?! Ganun lang ba yun? Ang sama mo di mo man ako inalala mas mabuti pa ngang magbreak na tayo. Pero tandaan mo to kahit na magpakasal man ako I still love you..so much. Bye James I love you.. di kita makakalimutan. If ever na magbago ang isip mo puntahan mo na lang ako sa bahay para mapgusapan natin sana pumayag ka sa deal. Hihintayin kita." I kissed him.

Dahan dahan naman akong lumayo sa kanya at naglakad paalis.

Naglakad akong umiiyak wala na akong pakealam sa mga taong makakakita man saakin dito sa daan judge me all they want kahit anong mangyari mahal ko pa rin si James kahit na matali ako sa isang taong di ko mahal kahit na ipagpalit ako ni James sa kahit sinong babae jan sa tabi. I still love him kahit na ipagtabuyan niya ako mamahalin at mamahalin ko pa rin siya.

Pagdating ko sa bahay wala ni isa ang nag comfort saakin dahil alam nila ayaw kong kumausap ng kahit sino.

My possessive husband [Finished- EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon