Chapter 50 (Part two)

10.3K 189 9
                                    


Chapter 50 (Part 2)


"Logan. Paano na niyan?." Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya at tumingin tingin sa paligid ng bahay.


Pasakay na sana ako ng kotse kaso nakita ko bigla yung isang post-it-note sa gilid ng gate nila Ate Jane and here what it said...


Where have you been? I've been waiting for you for how many hours but you've never show up. This is the last note for you. And if you want to see me again. I'll be in the place where i first saw you. I'll wait for you there and if you never show up again... It's the end of the world for you.

Napanganga ako sa sinabi niya. Paano ko malalaman kung saan niya ako nakita eh hindi naman ako siya? Minsan talaga hindi ko alam kung nag-iisip ba talaga si Dirk?

Inabot ko iyon kay Logan kaya ginulo-gulo niya ang buhok niya sign siguro na na f-frustrate siya. I can't blame him. Kahit ako naii-stress sa ginagawa ni Dirk.


Sumakay na kami ng kotse at inisip-isip ko kung saan ba ako unang nakita ni Dirk?


Kanina pa kami ni Logan sa kotse at tulala. Pero hindi ko pa rin maisip kung saan niya ako unang nakita.


"Saan mo ba unang nakita si Dirk?." Tanong saakin ni Logan. Napatingin tuloy ako sa kanya.



Hindi ba niya maintindihan yung note?  Ang sabi doon kung saan ako unang nakita ni Dirk at hindi kung saan ko siya unang nakita at nakausap. Kumunot ang noo ko at nagsalita. Ng una kong makita si Dirk sa School's Event Center kasi graduation namin 'nun tas bigla lang siyang lumapit at kinong-gratulate ako--este kami ni James.



"School's Event Center." Tipid kong sabi sa kanya. Malamang naiistress na 'tong si Logan kasi kanina pa kami gala ng gala.

Nagstop kami saglit sa isang gasolinahan kasi konti na lang yung gas ng kotse niya. Kasi naman kung saan-saan kami kasi nagpupupunta.
Pagkapuno nun umarangkada na ulit ang kotse niya.


Sana talaga sa S.E.C ko makita si Dirk. Anong sinasabi niyang end of the world ko na daw kapag hindi ko siya sinipot? Sabagay tama siya kasi hindi ako magiging masaya kung sakali mang makipaghiwalay siya saakin. Pero ang hindi ko maintindihan eh. Maayos naman kami kanina bago ako magpaalam na kakausapin ko lang si Troy. Tapos ngayon nag-iiwan siya ng kung ano-anong post-it-note. Ang gulo lang kasi. Hindi ko maintindihan ang takbo ng isip niya. Nakakabobo at nakakabaliw siya kung iisipin.

"Nandito na ta'yo." Tumango ako kay Logan tsaka kami bumaba ng kotse niya at nagtungo sa Event Center ng School. Good thing kaunti lang ang mga tao dito dahil siguro class hours at tahimik kaya madali ko lang maiispotan si Dirk. Ipina-check rin namin ang mga cctv kung meron bang Dirk na nagpunta sa School na ito. Nagtanong tanong na rin kami. Limang beses ko nang inikot ang buong school para lang mahanap siya pero walang Dirk. Wala akong nakitang Dirk.



Napaupo ako sa lapag ng School's Event Center at nagmukmok. Parating na ang mga estudyante dito dahil siguro may gagawin silang activity or some reasons kaya hinila na ako ni Logan papuntang parking lot. Isinakay niya ako sa kotse niya at tsaka kami nag stay doon pansamantala. Nanatili pa rin akong tahimik dahil hindi ko lubusang maisip kung saan ba ako unang nakita ni Dirk. Sa highschool ba niya ako unang nakita at nainlove siya saakin? Eh sa bahay? Sa Simbahan? Napasabunot ako sa buhok kong kulay brown. Wait a minute...




"Easy." Sabi saakin ni Logan sabay tawa. Tsaka tumingin sa screen ng phone niya. Buti pa siya. Masaya sa ganunan lang. Sana kagaya lang ako ni Logan o ni Troy na malandi para kahit sinong lalaki nilalandi ko. Kaso... Hindi naman ako ganon. Hindi ko kaya.



My possessive husband [Finished- EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon