Chapter Three: 1st Dream in Korea

188 7 1
                                    

Si June ang alaga ko?? Omona. I must be dreaming!

Speaking of dreaming.. Naalala ko na!

Natulog ako then pag-gising ko nandito na ako sa lugar na ito. Which means, I'm probably dreaming!

'Hello. I'm June. Nice to meet you.' He held out his hands to me.

Feeling ko pag hinawakan ko ang kamay nya di ko mararamdaman. Dahil nananaginip lang ako. Di totoong nasa harap ko na sya. Gawa lang ito ng utak ko. Pero eto sya sa harap ko. I must admit, ang gwapo nya sa personal!

Ito na siguro ang best dream ever! Gumana ang dream catcher!

Mukha ng nagtataka si June. Ang tagal bago ko kasi kunin yung kamay nya.

'Hello. I'm Jia. Nice to meet you.' I took his hands. And I gasped.

I can totally feel his hands! Nahahawakan ko siya! Paano nangyari ito? Napansin ko rin na unti-unti kong nararamdaman ang aircon sa loob. Does this mean totoo ito?

He was the first one to pull away. Medyo nawiweirduhan siguro sa akin.

Pero ang weird naman kasi talaga. Paano ako napunta dito? I don't remember taking an airplane to fly to korea.

'As I was saying Jia, you will be June's Personal Assistant. Make sure his schedule is right. And you will take care of him.'

I guess this is every girl's dream job. I know this is mine. >\\\<

'Y-yes Sir.'

After ng ilan pang pag-uusap, lumabas na ako. May nakita akong staff tapos tinanong ko kung nasaan ako. Naweirduhan sya pero sumagot naman.

'Nasa YC Ent ka Miss'

'No, I mean, what country is this?'

'Isn't it obvious? Nasa Korea tayo. Seoul, Korea.'

Nasa Korea ako. Omaygad.

Dali dali akong nagpunta sa reception. Nagtanong kung isa ba talaga akong employee dito. Sabi nung receptionist kilala nya ako dahil madalas kaming magchikahan. Pero para sure, binigay nya sa akin yung resume ko.

Watdapack. Kelan pa ako gumawa ng resume na to??

Name: Jianne Marie Diaz
Address: 143 Perk Street, Seoul, Korea
Tel. No: 1234567890
Email: jiadiaz@wmail.com
Birthday: June 22, 1993

Somehow tama naman yung name, email and birthday ko. Pero yung address? Mali. Pati yung phone number.

Can people control their dreams? Parang di naman. Basta basta na lang may story yung dreams ko eh. Pero ito? I can walk, talk and do what I want.

This is insane. What is happening to me?

 What is happening to me?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kkum: The Untold World Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon