Chapter Five: The Scene

171 11 2
                                    

No.. no, hindi maari. Wala na si June..

"N-nagbibiro ka di ba Miss Lee?"

"Hindi, bessy.. Wala na talaga si June.."

Sa sobrang pagkagulat, nahulog ko yung phone ko.

Hindi pwede..

Dali-dali kong sinearch sa google kung totoo ba yung balita. At sobrang nagulat ako dahil sa dami ng articles na lumabas tungkol kay June.

Ayon sa balita, natagpuan si June na duguan sa rooftop ng tinutuluyan nitong condo unit ng bandang 8:45 pm. Estimated time na nangyari ang insidente is 7pm. 3 hours na. Meron daw itong natamong tatlong stab wounds. Madaming mga fans ang nagluluksa sa pagkawala ng kanilang iniidolo. Kabilang na ako.

Sobrang nakakadismaya. Hanggang panaginip na lang ba talaga kami magkikita?

Naalala ko yung slight smile sa akin ni June sa panaginip. Sobrang clear pa sa memory ko yun. Nagpasalamat sya sa akin sa pagsagip ko sa buhay nya.

Hindi kaya...?

Kaya ko pa ulit sagipin ang buhay nya?

Kaya ko bang itama ang isang pagkakamali?

Pero nakailang tulog na akong walang panaginip. Paano ako nakakasiguradong gagana ito?

Yung mga dumaang news, isang talent na muntik ng barilin, si June na nagkaroon na ng P.A. na babae. Lahat tugma.

Kung nung sabado nangyari lahat ng yon..

Ibig sabihin.. tatlong araw advance ang real world sa dream world?

Jusko Jia, kahit ang imposible ginagawa mo pang posible.

Kung babalik ako don.. Magagawa ko pang sagipin si June!

Bago pa magbago ang isip ko, dali dali akong nagligpit at nag-out sa office.

Baka may pag-asa pa Jia. Ang kailangan mo lang ay matulog.

Dali-dali kong pinara yung taxi.

Jusko.. sana nga. Sana nga may pag-asa pa..

Paano kung dreamless ulit ako?

Hindi Jia! Isipin mong mananaginip ka! Para kay June.

Tama. Nung mga nakaraang araw, mixed ang feelings ko whether I want to go back there. But this time, I REALLY want to go back.

Nakarating na ako sa Emerald Residences. Dali-dali akong umakyat sa unit ko.

Konti na lang..

*door opens*

Agad kong nilock ang pinto. Dumeretso agad ako sa kama. Agad agad humiga at pumikit.

I want to go back. Please, send me back.

Slowly, I drifted to sleep..

...

Malamig ang simoy ng hangin. I can hear the sound of cars around.

Bigla akong napabukas ng mata.

Oh God.. I'm here.. I'm really here..

It looks like I'm outside. Meron ditong isang store. Pumasok ako sa loob.

'Miss, pwede magtanong kung anong araw ngayon?' Sana bago yung insidente..

'Ay ok lang. Lunes ngayon.'

Lunes??! Ngayon mangyayari yung insidente! Bakit parang sakto ngayon ang araw??! Umasa akong 3 days late ngayon!

'A-anong oras na po?'

Kkum: The Untold World Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon