SOME FACTS ABOUT MMB

8.7K 121 17
                                    

SOME FACTS ABOUT MMB:

Ø  Ang Marry Me, Beki o MMB ay nagsimula noong January 28, 2013.

Ø  Ang unang title nito ay “Ang Diary ng Umibig sa Bading.”

Ø  Naisipan kong isulat ito dahil sa sobrang pagkabitin ko sa character ni Lee Min-Ho sa Perfect Match. Ang buong akala ko kasi ay gay na malandi ang character niya dun, ‘yun pala’y hindi. Huhu.

Ø  Ang pangarap na maging Sailormoon ni Dom, instead of being a Sailor or Navy (See Ch.1) ay hango sa friend kong beki rin. Pamilya kasi sila ng mga navy at ‘pag tinatanong namin siya kung gusto niyang sumunod sa yapak ng family niya, he’s always saying na, “Ayoko! Sailormoon ang gusto ko!”

Ø  Itong friend ko rin na ‘to ay minsan nang naging lalaki. YES! From beki ay naging lalaki talaga siya. Srsly! Nanligaw siya ng isang girl. But sad to say, naaksidente siya. Naumpog ang ulo at bumalik sa pagkabeki. (Wala pong halong biro ‘yan. Totoong nangyari ‘yan, promise!)

Ø  Nang maipost ko na ang Chapter 1 ng MMB ay nakanuod naman ako ng movie nina Bea at Zanjoe kung saan mag-bestfriend sila at bading ang character doon ni Fafa Zanjoe. Dun ako lalong nainspired na ituloy ang kwento.

Ø  Walang nakakaalam sa mga kakilala ko na nagsusulat ako ng kwento. One time, may close friend ako sa school na niyaya akong magbasa ng story. To my surprise, it was my story. Sabay pa naming binasa ang MMB. At ang awkward lang dahil ako mismo, natatawa sa pinaggagawa kong eksena sa kwento.

Ø  Ang pangalan ni Andrea o Andeng ay name talaga ng classmate ko. Mabait kasi siya at medyo kaugali ng MMB character na si Andeng.

Ø  At si Dom naman? Hihi, pinagsamang name namin ng crush ko nung panahong inuumpisahan ko ‘to. Landeee! Pero ginawa kong Dominador ang buo nito para mas macho, tulad ng surname niya, haha!

Ø  May resemblance si Dom sa aming gwapong-gwapong Prof, pero...err gay. Crush ko sana, sungit lang! Ayaw nang tinititigan ang kanyang precious feslak! Hmp!

Ø  Sharina and Nurse Valerie are both readers ng MMB  na super nakasundo ko talaga. Hi, Sha & Dongsaeng! =)

Ø  At si Tom? Hahaha, wala lang. Crush siya ni Sharina, hahaha JK! ;)

P.S. Kung may makabasa nitong kakilala ko, huhu! Bistado ako. -___-

 Ayt. Nga pala there's a simple video I've made for MMB para manatili siya sa memories niyo kahit the end na 'to haha. Nasa gilid lang po or kung isesearch niyo naman sa youtube, here's the link http://www.youtube.com/watch?v=op5rdK7yfL4 or simply type Marry Me, Beki ;) thanks!

Epilogue na next! XD

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon