Chapter 1 - The Start of Everything

793 21 1
                                    

[AUTHOR's POV]

"MAMAAAAAAA! Bakit naman di nyo ako ginising" malakas na sigaw ni Rojean ng makitang pasado alas syete na ng umaga.

"Aba anong malay ko, hindi mo naman sinabi sa akin ang schedule mo nak eh."

"Mama naman eh" 

mabilis na tumakbo si Rojean pababa ng kanilang bahay atsaka madaling naligo at nagbihis.. Hindi nya na nagawa pang kumain dahil na rn sa pagmamadali nya. Agad nyang dinampot ang kanyang bag atsaka kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

==============================================

"Pa. Ayaw ko ngang pumasok dun. Wala ring maidudulot na maganda yun sa akin" bigkas ni Matthew sa kanyang tatay habang padabog na kumakain 

"Pero nak. Gusto ng mama mo na makatapos ka ng pag-aaral"

"PAPA! KUNG GUSTO TALAGA NI MAMA NA MAKATAPOS AKO! HINDI NYA TAYO IIWAN!!" biglang nanlaki ang mga mata ng ama ni Matthew matapos ito marinig mula sa bibig ng kanyang anak

"N-nak.."

"PA, HANGGANG KAILAN KA BA MAGPAPAKAGAGO?? Magising ka nga. Niloko ka ni mama. Hindi ka nya mahal. Tigil tigilan mo na ang paggamit sa pangalan nya para lang mapasunod ako sa mga bagay na gusto mong ipagawa sa akin.."

"Nak, H-hindi mo naiintindihan"

"Anong hindi ko naiintindihan ha? Pa? Naiintindihan ko ang lahat! Ginago tayong lahat ni mama. Malandi sya. kaya nga sya humanap ng ibang lalaki diba?"

"MATTHEW!! Ayusin mo yang pananalita mo!"

"Bakit? Tama naman diba? GINAGO TAYONG LAHAT NI MAMA"

"MATTHEW!!! Nanay mo pa rin sya!"

"Hala sige! Pa, magpakagago ka! Pero wag mo akong idamay dyan sa mga katangahan mo"

padabog na iniwan ni Matthew ang kanyang kinakain atsaka galit na tumayo sa kinauupuan..

"Nak! Dumiretso ka sa school nyo! Kung hindi ka papasok e hindi mo na makikita pa ang mga libro mo" biglang napatigil si Matt matapos itong bigkasin ng kanyang ama..

Sa loob ng 12 taon matapos syang iwan ng kanyang ina, tanging mga libro ang naging sandigan ni Matthew. Ang mga libro ang naging kasiyahan nya at labasan ng sama ng loob. Kaya ganun na lamang ang pagkatakot nya ng bigkasin iyon ng kanyang ama.. Tila ba sa tuwing nagbabasa sya ng libro ay nakakalimutan nya ang lahat ng kanyang mga problema, para bang napupunta sya sa ibang dimensyon.

"Tss.  Sige na" sagot nya habang padabog na pumunta sa kwarto..

==============================================

Matapos na makapag-ayos ni Matthew ay lumabas na sya ng bahay atsaka sumakay sa kanilang kotse. 

"Manong, pakibilisan ha? Ayaw ko ng mabagal" utos nito sa kanyang driver

"Ahh eh.. Sige po boss"

"Good"

Simula ng iwan si Matthew ng kanyang ina ay naging matapobre na ito at mataas ang tingin sa sarili. Nagiba na ang pananaw nya sa buhay. Para sa kanya, hindi ka dapat naniniwala sa sinasabi ng ibang tao. Dahil parang ang kanyang ina, ilang beses na nitong sinabi na hinding hindi sya nito iiwan, pero ganun pa rin ang nangyari sa bandang huli..

nagsimula ng umandar ang kotse. Nakaupo lng si Matthew sa likod ng kotse at nagmumuni sa may bintana. Nagiisip ng kung ano ano ng mapadaan sila sa bus stop at nakita ang isang estudyanteng babae na panay ang tingin sa relo at pilit na tinitignan kung may padating na bus..

"manong, itigil mo nga dyan sa may bus stop.."

"b-bakit po??"

"Anong bakit? sabi ko, itigil mo."

"S-sabi po ni sir e..."

"Wala dito si Papa, ako ang naandito kaya ako ang masusunod diba? Sabi ko itigil mo, kaya itigil mo ang kotseng to.."

"S-sige po"

tumigil ang kotse sa tapat ng dalagang kanina pa naghihintay ng bus at panay ang tingin sa relo. Binuksan ni Matthew ang bintana ng kotse atsaka ito tinignan mulo ulo hanggang paa..

"Umm. Bakit?" sagot ng dalaga sa kanya

"Gusto mong sumabay?"

"TALAGA??" parang hindi mkapaniwalang sagot ng dalaga sa kanya..

"yep"

"Wow.. Salamat!"

"No Problem"

"ahh eh.. pwede pabukas??" 

"Ha? Anong pabukas?" sagot sa kanya ni matthew

"Nung pinto. hehe. Di ko kasi mabuksan eh.."

"Ahh. bakit ko bubuksan tong pinto?"

"S-sabi mo kasi sasabay ako sa inyo diba?"

"Ahh. Oo nga. Pero, swineswerte ka naman ata, dun ka sa trunk ^_^  " 

"H-ha??? Sa trunk?" pagtataka ng dalaga sa sinabi nito sa kanya

"Yes. Sa trunk, as in. T R U N K. TRUNK!"

"Seryoso ka? TRUNK? As in TRUNK ng kotse?"

"Yep. Ano, ayaw mo ba?"

"Ahh eh.. Alam mo, ang bait mo sana eh, kaso wag nalang ata. Hindi pa naman ata ganun kababa ang pagkatao ko para sumakay dyan sa trunk ng kotse mo. oo nagmamadali ako, wala akong kotse tulad mo. Pero sana naman wag mong apakan ang pagkatao ko. Please? Ohh, and one more thing, wag kang feeling gwapo, kasi kahit saang anggulo ng pagmumukha mo, wala ka nun. Get lost!" para bang biglang nabigla si Matthew ng marinig itong sinabi ng dalaga.

"Ahh ganun ba? Sige. Ikaw ang bahala. Choosy ka pa"

"Tss. Sama ng ugali. Maiputan sana ng ibon -_-" bulong ng dalaga sa sarili

"Ha? Ano yun?"

"Sabi ko. Ang sama ng ugali mo" sigaw ng dalaga sa kanya

"Ahh ganun ba? Ok"

"maiputan ka sana ng ibon!! PANIRA KA NG ARAW!! urggh."

"Haaa?"

"Sana yung maraming maraming ipot! Sana talaga! HAHAHAHA"

"Sira ulo!"

"HAHAHAHAHA! Tapos tatawagin kitang Mr. Ipot. HAHAHAHA. Di na ako makapaghintay."

Hinayaan nalang ni matthew na paandarin muli ng kanyang driver ang kotse. Natakot sya na baka madamay pa sya sa kaweirduhan ng babaeng iyon.

(A/N: x_____x ewan ko ba kung bakit nilagyan ko ng "IPOT" ang p*tanginang istorya na to. HAHAHAHAHAHA. Wala na kasi akong maisip, kaya yan. pagtiisan nyo ang kakornihan ko. LOL)

My Chinito LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon