part 3

16 0 0
                                    













Napansin ni kristine si zed na tila busy sa pag titig sa phone nito habang siya ay nag sasalita, hindi pala nakikinig sa kanya si zed, kaya naman sinilip nito ang tinitingnan ni zed sa malapad at touch creen niyang cp, larawan ng isang babae sa facebook na hindi niya kilala o nakita na kasama ni zed sa school, kaya nag tataka siya kung sino ang babaeng tinitingnan nito sa larawan. Nilapit niya pa ang mukha niya sa tiningnan ni zed na larawan upang kilalaning mabuti ang babae sa larawan ngunit naramdaman ni zed iyon kaya naman kaagad niyang bi-nack ang larawan at pinatay ang phone.

"Zed sino iyon? Gf mo?

Kaagad na tanung ni kristine ng napansing nakahalata si zed sa ginawa niya kaya pinatay nito ang phone niya.

"Hindi..

Mabilis nitong sagot, iyon lang at hindi na nasundan pa sa kung sino ang babaeng nasa larawan,alam ni kristine ang ugaling iyon ni zed,hindi ito nag sasalita o nag kukwento kung hindi tatanungin, isang tanung isang sagot kumbaga. At dahil hindi kontento si kristine sa sagot ni zed ay nais niya itong alamin at tanungin kung sino ang babaeng nasa larawan, nakakaramdam rin kasi ito ng pag seselos doon kahit na alam nito na hindi niya karelasyaon si zed, gusto nito na kanya lang si zed.

"who is the woman in the pic?

Muli nitong pangungulit.

"Nothing!

"Bakit mo siya tinitingnan? Gusto mo ba siya!

Seryosong tanong ni kristine, kinakabahan siya sa isasagot ni zed baka kasi sabihin nitong,oo! At ayaw niya itong marinig.

"Hindi,? Kaybigan siya ng kapatid ko!

Tila nabunutan ng tinik sa dib-dib si kristine ng sabihin iyon ni zed sa kanya, iyon lang ang gusto niyang sabihin ni zed at wala ng iba,ngayon ay komportable na siya sa hinala na may gusto rin sa kanya si zed, ngunit iniisip rin niya ang hinala na kung gusto siya ni zed ay bakit hindi siya ligawan nito? Dahil matagal na rin silang mag kakilala nito ngunit ni minsan ay hindi niya ito narinig na nag tapat sa kanya na gusto siya nito.

Habang si zed ay nanunuod sa mga nag lalaro ng basketball sa gym.napa tingin sa kanyang mukha si kristine.

_

SAMANTALA ng matapos naman ng klase nina zara at nikki, nag lalakad lakad silang habang papauwi na dalawa habang nag uusap.

"Hindi na talaga ako pinapansin ni rose anne, porket hindi ko lang siya tinext noong isang araw eh!

naiinis na sabi ni nikki sa kaibigan habang naka tutok ang dalawang mata sa phone niya.

"Bakit naman? Ano ba ang nangyari ha?

"kasi nga diba tanda mo noong isang araw ha nag text at tumawag si rose anne sakin, syempre alam mo naman na parati tayong busy kaya hindi ko napansin, kaya nagalit siya sakin at simula noon hindi na siya nagtext sakin.

"MMmm!! Baka naman busy na rin siya ngayon alam mo naman na may trabaho yun bukod sa pag aaral niya..

"Ewan ko lang! Oo nga pala, ano na nga pala ang balita sa magaling mong ex ha?

Bagbabago nito sa usapan.

"Alam mo naman na wala na siya bakit kaba nag tatanung pa tungkol sa kanya ha?

muli sisimangot si zara ng ipapa alala muli ni nikki si jaster sa kaibigan.

"Oo nga! Pero sana nga, makakimutan mona siya kapag binangit ko ulit siya sayo, hindi kana masasaktan tulad ngayon!

"Ewan ko lang! Pero kagabi nag messege ako sa kuya niya,at nakikipag kita ako para itanung siya sa kuya niya!

"Talaga? Grabe martir kana niyan, iniwan kana nga! gusto mo parin makipag balikan si jaster na iyon,tapos sabi mo pa kanina pinaalala ko siya sayo!, alam mo kahit kababata mo siya pero kung ayaw na niya sayo ay wag muna pilitin.

Love & RosesWhere stories live. Discover now