part 2

24 1 0
                                    
















SI zedric ay ang nakakatandang kapatid ni jaster at ang dalawang ito ay kilalang kilala ni zara dahil sina jaster at zedric ay kababata ni zara. Muling nag balik ala-ala si zara ng mga oras na iyon noong una silang nag kakilala ni jaster  grade 2 lamang sila noon at transfer naman si jaster noon sa pinapasukan ni zara at naging kaklase niya ito, wala noong kaibigan si jaster dahil bago palang siya kaya si zara ang unang lumapit sa kanya at nakipag kaibigan ito kay jaster, simula noon ay parati na silang mag kasamang dalawa at di nag tagal ay minsan iniimbita ni jaster si zara sa bahay para doon mag laro kapag araw ng linggo at sa pag punta niya sa bahay ni jaster ay doon nakita at nakilala naman niya si zedric na sa tansya niya ay mga nasa edad sampo na noon na mas matanda kay jaster ng ilang taon, bagama't hindi siya kinakausap o kinakalaro ni zedric noon ay nakilala niya parin ito sa pamamagitan ni jaster,ngunit napapansin niya na ayaw sa kanya ni zedric dahil ni minsan ay hindi siya kina usap nito kahit nga ngiti ay hindi maibigay ni zedric sa kanya parati lang itong naka tingin sa kanilang dalawa habang nag lalaro at doon ay naiilang na si zara kay zedric at iniisip nito na ayaw nito sa kanya at natatakot siya rito, hanggang sa mag high school na sila, doon nag simula na mag ka gustohan sina zara at jaster ngunit mga high school pa lamang sila at dahil kay zedric kaya naman pilit niyang iniwasan si jaster ngunit di nag tagal ay nabalitaan nalang nito na umalis na si zedric patungo ng u.s.a kaya naman doon na sila nag ka roon ng relasyon ni jaster at umabot iyon ng tatlong taon, ngunit wala siyang alam kung anu ang naging dahilan nito para siya'y iwan, naiinis siya kay zed dahil sa masamang pag uugali nito na ipinakikita kay zara noong bata pa lang siya,ngunit naisip niya na tanungin si zed tungkol kay jaster, ngunit nangangamba siya dahil baka magalit lang ito sa kanya.

..
Hindi siya maka tulog ng gabing iyon at iniisip nitong subukang kausapin at tanungin si zed tungkol kay jaster, kahit nangangamba ay inisip nalang niya na alam naman ni zed na kaibigan siya ni jaster noon pa,kahit hindi nito alam na nag ka roon  ng relasyon ang dalawa na umabot ng 3taon.hindi pa rin mapalagay si zara at bumangon ito sa higaan niya at saglit na lumabas para makapag isip isip.
Sa pag labas nito ng kwarto ay kaagad niyang narinig ang sounds ng t.v ns nang gagaling sa salas,naroon si edward naka upo sa salas at nanunuod ng cartoons sa oras na iyon.

"Edward? bakit hindi kapa tulog?

Puna ni zara sa nakakabatang kapatid.

"Hindi pa ako naantok eh!

Sabi nito na naka nguso pa.

"Sus! Nagawa mona ba ang assignment mo? Kapag dumating na si mama at hindi kapa natutulog ng ganitong oras,mapapa galitan ka nun.

"Wait lang tatapusin ko lang ito.! Oo nagawa ko na ang assigment ko.

Naiinis nitong sabi.lumabas muna si zara para makapag pa hangin, masama parin ang loob nito kaya hindi pa rin siya mapalagay.




HABANG nag lalakad si zara dahil kakatapos lang nito sa klase, iniwan na nito si nikki dahil marami pa daw itong gagawin, pumunta siya sa locker niya para ilagay ang ilang mga gamit doon,matapos nun sa hindi niya inaasahan ay makikita niya dito si victor nag ka salubong silang dalawa malapit sa loker room, kaagad siyang nakilala ni victor dahil tandang tanda ni victor si zara kahit na minsan na lamang niyang nakita ito na kasama ni jaster noon simula ng maging sila, si victor ay kaibigan ni jaster kaya niya nakilala ito.napa ngiti ang binata sa dalaga ng makita ito at ganun din si zara.

"Zara! Ikaw pala!

"ui? victor

bati ng dalawa, na tila ngayon lang muli nag kita, matagal na rin kasi simula nung nag kasama sila ni victor at kasama nila noon si jaster high school pa sila noon.

Love & RosesWhere stories live. Discover now