part 1

60 0 0
                                    

ISANG umaga mahimbing na natutulog si zara mula sa kanyang higaan na sobrang kalat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


ISANG umaga mahimbing na natutulog si zara mula sa kanyang higaan na sobrang kalat. kagabi kasi ay ala una na siya naka tulog dahil sa pag aaral niya at hindi na niya naasikasong mag linis pa ng kwarto niya, naroon sa higaan ang uniform, sando at ilang mga mediyas niya na sinuot niya kahapon at sa ibabaw naman ng study table niya ang notebook na naka buklat,libro at ilang mga bollpen na ginamit niya sa pag aaral niya kagabi..
Nagising si zara dahil sa malakas na pag alarm ng kanyang naka set sa alas singko na alarm clock,na nasa ibabaw ng desk niya malapit sa higaan niya ng minulat niya ang kanyang dalawang mata na tila tinatamad pa at gusto pang matulog. ngunit may pasok pa siya kaya kahit labag sa loob niya ay pilit siyang bumangon sa kama niya mula sa pag kakahiga nito, pinatay muna niya ang alarm clock niya bago inayos ang notebook at libro nito sa loob ng maliit niyang shoulder bag na ginagamit niya sa pag pasok sa school.

Matapos nitong mag ayos lumabas ito ng kwarto para mag agahan, napansin niya na may ingay na nangagaling mula sa kusina na tila nag tutulo, alam niya na ang kanyang ina ang nag luluto dito tuwing umaga kaya tumungo na siya doon para tingnan, at ng makarating siya doon hindi nga siya nag kamali, ang kanyang ina nga ang nag piprito sa kawali ng karne, napansin siya ng ina kaya tuningin ito kay zara at ngumiti.

"halika na zara, maupo kana luto na itong karne.

Alok ng ina, hindi na nag salita ang dalagang si zara ginawa nalang niya ang sinabi ng ina.naupo siya sa silya at nag salok ng kanin sa plato niya na naka lagay na doon sa lamesa pati ang naka haing kanin at ulam ay naroon na din.
Tatlong mag kakapatid sina zara,ang panganay nilang babae ay mayroon ng isang anak at asawa na nainirahan sa baguio kung saan ang pamumuhay at bahay ng asawa nito, pangalawa naman si zara na nag aaral sa kolehiyo, at ang pangatlo ay si edward, na nasa grade 10 pa lamang at nakababata niyang kapatid na hindi niya maka sundo dahil sa kulit nito. Wala na silang ama dahil namatay ito 2years na nakakalipas sa sakit nito sa puso at biglaan ang pag ka matay nito ng hindi nila alam kung ano ang dahilan.

Samantala natapos ang ina sa pag luluto ng umagahan ng may mapansin ito.

"Nasaan si edward? Hindi pa ba siya bumabangon?

"Hindi pa?

"Gisingin mo muna, iyan talagang batang iyan ang hirap bumangon sa umaga!

Utos ng ina kay zara, kahit ayaw ni zara na gisingin ang nakaka batang kapatid na si edward ay napilitan siyang puntahan ito sa kwarto nito, bigla niyang hinawakan ang doornub ng pinto sa kwarto ni edward at ng mapansin nitong hindi ito naka lock ay kaagad na niyang binuksan ang pinto ng kwarto at sa pag bukas nito ay nakita niya na nag lalaro ito ng tablet habang naka higa.

"Gising kana pala? Bakit hindi kapa bumabangon ha?

"Ano kaba ate, hindi ba sinabi sayo ni mama na kumatok muna bago pumasok? Paano kung nag bibihis ako?

Wika ni edward ng biglaan na pumasok si zara sa kwarto nito.

"Eh ano naman? bata kapa naman?

"Hindi na ako bata!

Love & RosesWhere stories live. Discover now