hindi nyo ba napapansin kadalasan sa magbestfriend na babae at lalaki ay ngkakadevelopan pagdating ng isang pagkakataon na hindi natin maipaliwanag, subalit itong feelings na to ay kanilang itinatago sapagkat nag aalinlangan sila na baka masira ang kanilang FRIENDSHIP na binuo ng maraming taon.
Dito nagsisimula ang kwento.
Isang araw sa isang probensya may dalawang magkapitbahay, ito ay si Gian at si Mitch. kilala nila ang isa't isa pero hindi pa sila gaanong close noong oras na yaon. Magkaiba din sila ng Paaralan na pinapasukan si Gian kasi nag aaral sa isang Private school sa bayan na yaon at c Mitch naman ay sa isa lamang Public school sa bayan na yaon. Itong si Gian ay isang lalaking crush ng Campus kasi matangkad ito, chinito, maputi, at kilalang Dancer sa school na kung saan siya ay nag aaral. Si mitch naman hindi naman siya gaanong pansinin sa Campus nila pero kasali or member siya sa Majorete sa paaralang pinapasukan niya, mataas ang buhok niya, hindi naman gaanong maputi pero makinis ang kutis niya.
Lahat ng tagahanga ni Gian ay laging nakasubaybay pagsasayaw na to sa intablado ng Paaralan nila may mga babaeng nagpapapansin sa kanya tuwing magtutungo ito sa kanilang canteen sa school nila. Isang hapon habang nag aabang si Mitch ng masasakyan para makauwi na siya ay bigla na lang siyang nagulat ng may isang lalaking tumabi sa kanya at sabay sabi Hi sabay na tayong umuwi, hindi naman siya tumanggi at sumagot siyang okay sa oras na yaon. Nangnakasakay na sila sa jeep si Gian ay biglang nagpasalamat sa kanya, at sya ay nagtaka, magtatanong sana siya kung bakit siya nagpapasalamat pero bigla na lang dumugtong si Gian at sabi niya kasi si Trishia eh hind ako tinatantanan laging nagpapansin sakin eh, eh alam naman niyang wala akong gusto sa kanya dala kamot sa ulo ng lalaking nagpapaliwanag. tumahimik lang si Mitch habang nakikinig sa paliwanag nito. Nangkarating na ang jeep sa harap ng kani kanilang bahay,pagbababa nila ay inalalayan pa ni Gian si Mitch pababa ng jeep, at nagpaalam sa kanya ang binatilyong lalaki na may ngiti sa mga labi nito.Yaong oras na yun ay hindi na nakita pa muli ni mitch si Gian nakaraang mga araw.
Isang sabado habang nagwawalis si Mitch sa kanilang bakuran, tinawag siya ni Gian, at napatingin si Mitch sa kanya,lumapit ang binatilyo sa dalaga, sabay sabi oi kamusta ka na? sagot naman ni Mitch ayos lang naman ako sagot ng dalagita, ngumiti at sabay paalaman naman ng binatilyo sa dalagita. Sa mga oras na yaon iniisip parin ni Mitch kung bakit binati siya ng binata kanina eh hindi naman ito ginagawa dati sa kanya kahit magkita nga sila dati sa fiesta kasi kasali siya sa majorette at ito naman ay kasali sa mga paligsahan sa sayaw, kahit na ni minsan hindi siya nito pinansin.Ang nasa isip naman ni Mitch ganun ba kalaki ang nagawa nyang tulong kay Gian para ganun na lang siya nito pansinin nung mga oras na yun..
Author:
pakivote or comment po kayo thank you po :)
BINABASA MO ANG
HINDI INAASAHANG MAFALL AKO SAYO
Non-Fictionhindi ko inaasahang mafall ako sayo :) naging magbestfriend sila sa hindi inaasahang panahon enjoy reading po salamat